Department of Defense
SQUADRON, INTEL"They are losers. They are monsters, stupid! I will addressed them that because that's what they are." The administration spokesperson, Deborah Hidalgo, expressed in outrage. Naitungkod ang dalawang kamay sa matigas na mahogany table na pinalilibutan ng mahigit tatlumpong may matataas na opisyales. Hindi umuubra ang pagiging babae niya upang harangan ang kagustuhang puksain ang mga peste sa lipunan. Iyon ang itinatak nito sa isip simula nang maupo sa pwesto. "They are cowards. They are coward for targeting young, and defenseless people. This wasn't the first time, damn it! Konti lang sila kumpara sa bilang ng mga police! Ng mga army! Papaanong hindi natin sila maubos-ubos?!" Nanggagalaiting singhal nito pero hindi iyon kabawasan sa tindig, bagaman may katandaan ay hindi iyon hadlang upang bitawan ang sinumpaang tungkulin.
The gray-haired man stood. Power and authority is understimate if they based his accomplishments and how they feared him. He wears his uniform like a pro. Si General Frego.
"Nagcollaborate ang national police at NBI." Panimula ng heneral. Ipinakita ang cctv footage mula sa screen. "Subalit tanging ang footage lang na ito ang natitira, a footage that will be the key to other explosions cases." Hindi malaman ng lahat kung paanong nabibigyan sila ng seguridad at solusyon sa simpleng salitang sinabing iyon ng heneral.
Natuon doon ang atensyon ng lahat ng mga high-ranked official ng National Defence.
"This footage taken one-hour before the explosion. The woman over there is the terrorist refugee or maybe not. " Turo ng heneral sa naturang bulto mula sa screen. "Bagaman kuha lang iyon ng cctv ay hindi nakaligta ang ibang detalye nito. She's wearing a black leather jacket. Faded cargo pants and boots. Ang mas nakakuha sa atensyon ng lahat ay ang bitbit na itim na bag." In-emphasize ng heneral ang kaliit-liitang bagay na pwedeng mapansin pero kulang pa rin. "Nagmumukha itong rider kung pagbabasehan ang get-up that's why hindi siya napagdudahan ng security ng mall. All customers there should be check sa entrances pa lang ng mall, nakapagtatakang natakasan niya iyon. If we based on how she blend the crowd, at gawin ang bagay na iyon nang walang kahirap-hirap," matiim na inilibot ng heneral ang tingin sa lahat ng naroroon, pinapahatid na hindi lang simpleng tao ang gumawa no'n, mas magaling, mas delikado, "then she's a pro. Dangerous. A possible lead to other explosions years ago. Hindi malabong ito ang gumawa o kabilang ito sa gumawa." Natulala ang lahat na naroon. Ngayon nila kinikwestiyon ang siguridad ng bansa na basta na lang silang taguan at siputin ng kung sino mang banta sa kanila.
Muli pang inaral ang naturang footage na parang isang puzzle.
"According to this footage, she enters at this point," turo sa northern entrance ng mall, "and exited here." Sa eastern section. "Ang nakapagtataka, pumasok ulit dito ang suspect. " Turo sa northern entrance ng mall. "How can she do it in span of seconds? To think na ang mall na iyon ay isa sa pinakamalaking mall sa bansa."
Nagtaas ng kamay ang isang opisyal. Si Colonel Arcenal. The general motioned him to speak. "Is there any other footages? Hindi tayo dapat nakatutok lang sa ideyang iyan to think that their group is, you know, dangerous. They are deadly. Matatalino sila. Hindi nila iaasa ang isang assignment sa iisang tao lang...at babae." Tila may alinlangan sa boses mg Colonel matapos sabihin ang huling salita.
BINABASA MO ANG
MESSIAH
General Fiction"Walang puwang ang pag-ibig sa papel ko." -Messiah- It's not much but I hope, you could give it a shot. ©photo-pinterest