AUTHOR :
Sana magustuhan ninyo po itong ginawa kong script !
RAIN :
kailan niya kaya ako mapapansin ? ang manhid-manhid naman niya feeling ko tuloy ang layu-layo niya kasi kahit na anong gawin kong pagpapa-pansin sa kanya hindi niya parin ako mapansin ganun ba ako kahirap intindihin ?
RHEA : (bestfriend)
(todoink) bigla nitong binatukan si rain !
hehe ! sory nabigla lang ako friend kasi ang drama drama mo e, hehe !
ganyan ka ba talaga magmahal friend ? (seryosong tanong nito )
RAIN :
after all kasi lahat na ginawa ko pero bakit ganun useless lang ang lahat !
RHEA :
friend alam mo ang tanga tanga mo ! kasi nagpapakatanga ka sa isang lalaki lang parang sa kanya nalang umikot ang mundo mo e, sa araw nalang kasi na ginawa ng diyos na tayo magkasama e, wala kang kung i-untog mo kaya yang ulo mo sa pader at nang magising ka ! at saka alam mo naman diba na may girlfriend na yung tao tapos uma-asa ka pa na mapansin niya !
RAIN :
ang sakit mo naman magsalita uo alam ko hindi niya ako papansinin dahil may girlfriend na siya ! masama ba na umasa ? pero try ko rin kung kaya ko siyang kalimutan ! pero paano ? kung palagi ko naman siyang nakikita ! dahil isa lamang ang school na pinapasukan namin !
RHEA :
change topic na nga tayo umi-iyak ka na diyan e, ! (sabay inabutan nito ng panyo)
RAIN :
rhea naman e, (sabay pinunasan ang kanyang luha ng panyo na ibinigay sa kanya ni rhea)
RHEA :
halina nga at umuwi na tayo bago pa tayo abutan pa ng dilim ! saka baka hinahanap na din tayo ng mga magulang natin !