Eli's mother is known for being one of the best selling authors in the country. Ito ang ikinabubuhay ng kanilang pamilya. Ever since her Father had polio, her mother provided their needs from publishing novels.
Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, dinapuan din ng malubhang sakit ang Mama niya. Sa bawat araw na lumilipas ay patuloy ang pagkalat ng sakit nito sa kanyang katawan na unti-unting humihigop sa natitirang lakas nito.
"Eleanor."
"Pa, andyan ka pala. Hindi pa po gumigising si Mama. Kasama ko pala si Sabrina, galing kami sa studio, umuwi lang para kumuha sana ng damit at kamustahin na rin yung lagay ni Mama."
"Hello po, Tito." Bati ni Sabrina sa matanda.
"Sabrina, okay lang ba na iwan mo muna kami ni Eleanor? May pag-uusapan lang kami saglit."
"No problem po, Tito." Sagot niya. "El, sa labas lang ako saglit ha. Check ko na rin kung sumagot na yung client natin."
Tinanguan lang ni Eli ang kaibigan at inilapit ang upuan sa ama niya. "Pa, what is it that you want to talk about?"
"Eleanor. Nangyari na naman ang kinatatakutan namin ng Mama mo."
"Huh? Di ko gets, Pa?"
"Pinaparusahan na naman nila ang Mama mo. Ilang beses kong sinabi sa kanya na itigil na niya ang pagsusulat pero hindi siya nakinig. Sabi ko magtayo na lang tayo ng business pero matigas ang ulo ng Mama mo. Hindi niya maiwan ang pagsusulat. Kaya heto, nangyayari na naman.."
"Wait, parusa? Nila? Sinong 'sila' Pa? I don't understand what you're saying..."
"Eli, listen carefully. Ganito rin ang nangyari sa Mama mo noon. Nagkasakit siya ng malubha. Nawala ako ng ilang araw at sa mismong pagbalik ko, doon lamang nagising ang Mama mo."
"Of course I won't forget that day. Yun yung araw na bigla na lang kayong nagkasakit at tuluyang hindi na nakalakad. Pa, ano ba talagang nangyari noon? Saan po kayo nanggaling?"
"Nanggaling ako sa kabilang mundo. Sa mundong ginawa ng Mama mo. Kinailangan kong sagipin ang Mama mo mula sa mga gustong kumuha sa kaniya. Kinailangan kong baguhin muli ang kwento para hindi nila kunin ang Mama mo sa atin."
Napabuntong hininga si Eli. Hindi naniniwala sa sinasabi ng ama niya. "If this is some kind of a joke, then it is not funny, Pa."
"Sana nga ay biro lang ang lahat ng ito anak.. pero hindi. 'Yang libro na hawak mo, nabasa mo na ang storya nyan hindi ba?"
"Yeah. The male lead character died in the story."
"Your Mom stopped writing that. Pero natapos ang kwento at namatay ang bidang lalaki, bagay na hindi sinulat ng Mama mo.." Pagpapaliwanag nito.
"Kailangan mong baguhin ang storya at kailangang mabuhay ang bidang lalake sa storya na 'yan, Eleanor."
"Pero paano ko naman gagawin 'yon, Pa? Masyadong imposible yung pinagagawa mo. I'm not even a writer! I can ask Sabrina, though. Pero ako? Hindi ko—"
"Eto ang flash drive ng Mama mo. Meron ka lamang hanggang mamayang hatinggabi para mabago ang storya. Kung hindi, tuluyan ng hindi magigising ang Mama mo at hindi na sya makakabalik dito sa atin. Maliwanag ba?"
"P-pero Pa sandali! Paano ko nga gagawin 'yon? E hindi—"
"I trust you, Eleanor. Mababago mo ang storya at maibabalik mo ang Mama mo dito. Mag-iingat ka."
BINABASA MO ANG
TWO WORLDS
General FictionAlexander received a knock one night from an unexpected visitor. She hugged him, handed him a flash drive saying, "I've seen the last episode and I hated how it ended." - Updates are every weekend. Thank you for supporting this story. All the love...