Having You Near Me

6 0 0
                                    

Hospital. Lugar kung saan itinuturing na pangalawa kong tahanan sa edad kong ito. Pagmemedisena ang kinuha kong kurso dahil 'yun ang gusto ko, walang pumilit o minsan idinikta ng magulang ko. Bukal sa loob ko ang tumulong sa iba kahit napakarami nila.

I remembered that time na halos punong-puno na ang hospital dahil sa mga naaksidente sa bus at ang iba naman ay manganganak na kaya lahat ng pasilidad ay nagka-undaga dahil masyado silang marami na tipong kukulangin ang mga nurses at doctor doon.

We're so hopeless that time. Ang mga katawan namin ay pagod na parang gusto ng maglupasay sa sobrang panghihina ngunit hindi pwede dahil maraming nangangailangan saamin.

And then I saw him.

Tinutulungan ko ang isang pasyente na mahiga sa isang kama nang mahagip ko siya. I was so amaze because there's no even trace of weariness on him. He's smiling and laughing to the patients tho, kaya naman ay nangiti na rin ako buong magdamag dahil sa kanya.

I am a nurse.
He is a doctor.

We're in a relationship for 3 years and getting stronger. The mutual rest of us is ourselves. Kaunting oras lang ang nagagamit namin upang magpahinga kaya naman iyun lang ang oras na magkasama kami.

Nakakatwa dahil parehas kami ng larangan sa trabaho, pagtulong sa kapwa ang siyang nais namin.

But the chaos came, the hardest and frightening one.

Corona Virus set foot in our nation.

---
Habang naka duty kami, dumarami ang na-admit sa hospital kung saan kami naka destino. Maya-maya ay may dumadating na pasyente, which is infected ng Corona Virus.

"Doc! May tatlo na naman pong bagong pasyente." Rinig kong sabi ng isang kasama kong nurse.

"Nasaan sila?" Tanong ni Wackeen sabay takbo papuntang ER.

Ngayong araw ay nasa humigit-kumulang bente na ang na-admit dito sa hospital, naka complete PPE na kaming naka duty ngayon. Mahirap pa sa mahirap ang aming sitwasyon dahil baka magkahawaan pa kami ng sakit. Kaya kailangan mag-doble ingat.

"Maeve, tawag ka ni Doc. Need ng assistance daw doon sa ER, ako na muna d'yan." Sabi ni Titania sa akin at agad akong pumunta sa ER para tulungan sila.

Halos manlumo ako sa mga nakita ko, halos lahat ng mga pasyente namin ay nahihirapan sa paghinga, ang iba naman ay inaapoy ng lagnat. Sa lahat ata ng pagsubok sa buong buhay ko ay itong pandemic ang susubok sa tatag at lakas naming nagtatrabaho bilang tagapangalaga sa kalusugan.

"Nurse Maeve, paki-assist po yung tatlong pasyente sa ward 2," sabi ni Wackeen saakin. Kitang kita sa mukha n'ya ang pagkapagod at kulang sa tulog dahil 24/7 kaming on duty. Nag-aalala na ako.

Agad ko namang sinunod ang utos niya saakin. Inasikaso ko ang mga pasyente ko sa ward 2. Tatlong pasyente palang kailangan na talaga ng full time na naka observe sa kanila. Hindi naman mahirap kasi dahil sa sana'y na ako, pero nakakatakot lang na baka mahawaan ako.

Natapos ang araw na ito na sobrang busy, hindi na ako makakain ng maayos, at late na din kami matutulog. Agad akong pumunta sa opisina ng Wackeen para kamustahin s'ya. Pero mukhang kinakailangan n'ya muna magpahinga dahil alam kong stressed at pagod ito.

Days passed by, mas naging doble ang pagiging busy namin. Maraming staff dito sa hospital ang nag file ng retirement, Dahil takot silang mahawaan ng sakit na Covid.

Magkahalong stress, gutom at pagod ang nararamdaman ko, paano na kaya ang mga kasama ko dito sa trabaho? Paano naman si Wackeen na doctor ng hospital namin?

Halos tatlong araw na kaming hindi nagkakausap, naghahanap ako ng tamang tyempo para makausap s'ya pero parang lagi s'yang pagod.

Maagang natapos ang duty namin ngayon, ang magandang balita ay may lima na kaming napa recover. Napaka gaan sa aming pakiramdam, na dahil sa paghihirap mo may natutulungan ka.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Having You Near MeWhere stories live. Discover now