Suko na ko

43 13 4
                                    

Pagkatapos ng ilang taong ginugol ko sayo..
Mahal suko na ako..
Isusuko ko na kita pero sa kabila ng lahat...
Mahal diba..
Pinilit kong ipaglaban ka..
Pinilit kong ilaban..
Pinilit ko naman..
Pero pasensya kana kasi ayoko na..
Pasensya na kung bibitawan na kita..
Pasensya na sa pag bitaw ,
Sa lubid na tangan ko..
Bigla kasing nawala yung pangako mong pinanghahawakan ko..
Sorry kung bigla kitang binitawan sa kabila ng pangako kong hindi kita susukuan..
Wala nang mangungulit sayo..
Wala na...
Kasi pagod na ko..
Wala nang magpapasakit ng ulo mo.. Kasi sawa na din ako..
Sawa na akong intindihin yung mga bagay na hindi ko alam kung sadyang malalim o mahirap lang unawain...
Mahal..
Ayoko nang mag mukang tanga..
Na nakatingin sayo habang tinititigan mo siya...
Gusto kitang hatakin..
Gusti kitang bawiin..
Pero para saan pa ba?
Gusto kitang ilaban hanggang dulo kaya lang wala naman nang kwenta kasi alam ko namang talo ako..
Gusto kong lumaban pero mas pipiliin kong huwag na muna..
Pipiliin kong tama na muna..
Kasi sa twing nakikita kitang masaya sa kanya..
Naduduwag ako..
Pakiramdam ko diko kaya..
Diko kayang sirain ang ngiti sa labi mo..
Ayokong guhitan ng lungkot ang mga mata mo..
Kaya kahit masakit..
Kahit sobrang sakit..
Tutuldukan ko na ang kahibangan na ito..
Pipigilin ko na ang puso kong umaasang may magbabago pa..
Na may pag-asa pa..
Lagi mong isipin na mahal kita..
Mahal na mahal kita...
Kaya malaya ka na..
Di na ko lalaban, sana masaya ka na..
Sana ingatan ka niya..
Sana mapasaya ka nga talaga niya..
Sana wag ka niyang lolokohin...
Ayokong maramdaman mo ang sakit ng pakiramdam na ipagpalit ka ng taong mahal mo..
Ayokong maramdaman mo yung sakit ng pagtalikod niya papunta sa iba..
Mahal na mahal kita...
Kaya isinusuko na kita sa kanya...

Random Spoken PoetryWhere stories live. Discover now