Almost a Fairytale

2 0 0
                                    

Ang daming tanong na gusto kong itanong sayo ngayon.
Pero natatakot ako...
natatakot ako na baka kahit magsinungaling ka'y,
piliin ko pa ring paniwalaan ka..
Sobrang daming tanong,
tulad ng "anong nangyare sa ating dal'wang taon?"
Nakalipas na rin ang ilan pang taon,
hindi ko alam kung sinadya ba?
o talagang nagkataon..
ikaw ang nag- iisang taong nagpatino sa akin,
ikaw rin ang nagsabing mas masaya ang relasyon kung seseryosohin..
pero nagawa mo'kong lokohin,
nagawa mo kong paglaruan ng hindi ko namamalayan,
kung sabagay baka nga siguro masyado kitang pinagkatiwalaan..
na kahit nahahalata ko na'y hindi pa din kita pinaghinalaan..
pero salamat..
sa saglitang pagmamahal,
sa pagpaparamdam sa akin ng sakit na umukit sa puso ko..
na dahilan kung bakit natatakot na ako ..
natatakot na akong magmahal nalang basta..
natatakot na akong sumugal muli at pumusta..
Siguro hindi pa ito ang panahon para sa happy ending o sa happily ever after ko...
mukang mali kasi yata yung prinsipeng nahalikan ko..
kahit masakit..
kailangan ko nang gumising sa katotohanan na hindi ako si Sleeping beauty..
kahit mahirap..
kailangan kong harapin ang sakit dahil hindi rin naman ang si Cinderella, na kailangang tumakbo pag alas dose na..
Hindi kasing dali ng pagkagat ng mansanas ni Snow White..
ang paghahanap ng perpektong love life..
Kasi wala ako sa Libro,
nandito tayo sa totoong mundo..
Kung saan masasaktan at masasaktan ako sa bawat maling desisyon na gagawin mo..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 26, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Random Spoken PoetryWhere stories live. Discover now