Chapter 1💕

2 3 2
                                    

Boses

Reign POV

Birthday ngayon ng pinsan naming si Jezel kaya ginawan namin sya ng kapatid kong si Tine at mga pinsan kong sina Sandra, Nia, at Dave ng birthday card yun lang kasi regalo namin sa kanya hihi wala pa kasi kaming perang pambili ng isang magandang regalo para sa kanya kaya card muna...

Kinuha ko yung ginawa kong card, napangiti ako ng buklatin ko ito, nakita ko ang litrato ni Ate Jezel at ang litrato ni Yoongi yung BTS hehe adik kasi si Ate  Jezel sa mga BTS pati din ako, ampopogi kasi nila lalong lalo na si Taehyung ko hihi binasa ko uli yung sulat ko sa kanya baka kasi may mali e, ayos naman sinarado ko na yung card at inilagay sa aparador ko...

Ano bang oras na tingin sa relo ko na kulay black 8:21 na pala, 9:00 kami pupunta kila Ate Jezel kailangan ko na lang maligo at magbihis nauna na kasi si Tine pumunta muna siya kila Sandra dun daw nila ako aantayin sila Dave naman at Nia nauna na kila Ate Jezel, kwento pala ako ng kwento dito hindi nyo naman pala alam ang buo kong pangalan pati ng mga pinsan ko, magpapakilala na nga ako, ako nga pala si Reign Ferrer, 14 years of age, maputi, di gaanong kagandahan, matangkad ng onti, and yun lang haha, ang pangalan naman ng kapatid ko ay Tine Ferrer, 12 years of age, maitim ng onti...pero maganda, yung pinsan ko naman na si Ate Jezel Dela Cruz, 18 years of age debu nya kasi nya ngayon, yung pinsan ko namang isa si Sandra Luna, 13 years of age, morena, kulot, kung ihahawig sya sa isang Disney character kamukha nya si Moana, may kuya siyang isa sya naman si Carlo Luna, 14 years of age, matangkad, mataba ng onti, kulot din atsaka pogi din naman, si Dave Santos naman, 13 years of age, cute, chubby, ang ate nya naman ay si Nia Santos, 14 years of age, matangkad, maputi, may bangs pareho kasi kaming may bangs, sabay kaming nagpabangs, wala lang trip lang namen eh...

So ayun tapos ko nang ipakilala sa inyong lahatt kaya maliligo na ko hehe byee muna...

After 20 mins...

Pagkatapos kong maligo kinuha ko na sa aparador yung susuotin kong damit, kinuha ko yung highwasted na short ko pati na din yung blue green na t-shirt ko na may nakasulat na beyoutiful, pagkatapos kong magbihis kinuha ko na yung cellphone ko pati na din yung card na ginawa ko lumabas na ko nang bahay, nagsimula na kong maglakad papunta sa bahay nila Sandra nadatnan ko silang nagsasalamin, nagpapaganda yata haha siguro may sisilayan sila sa labas, ako tamang liptint lang pati pulbos tapos na...

"Oyy tama na yang pagpapaganda nyo, meron siguro kayong sinisilayan sa labas ano haha?!" Natatawang sabi ko sa kanila kaya naman napalingon sila saken...

"Nandito na pala ang ating reyna, at anong sabi mo may sinisilayan kami eh wala nga kaming jowa e, nagpapaganda lang kasi kami baka kasi may makita kami dyan sa labas na pogi and mainlab sa kagandahan namin haha, e ikaw hindi mo na kasi kailangan magpaganda maganda ka na eh" mahabang sabi ni Sandra, pinsan ko...

"Ang haba haba ng sinabi mo ang naintindihan ko lang yung dulo haha"

"Oh tama na ang chikahan let's go na sa birthday ni Ate Jezel, excited na kong kumanta sa videoke kaya let's go na" Sabi ng kapatid kong si Tine...

"Kaya nga let's go na baka andami nang tao dun!" Excited na ding sabi ko...

"Ano pang hinihintay naten arat naa!!" masiglang sabi ni Sandra...

Lumabas na kami nang bahay nila Sandra at nagsimulang nang maglakad papunta kila ate Jezel hindi naman kalayuan ang bahay nila, sakto lang...

Nang makarating na kami sa kanila andami ngang tao yung iba nag iinuman, yung iba na nag vivideoke, dali dali kaming pumasok sa loob kung saan nandoon si ate Jezel na nakaupo...

I'm in love with HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon