Naninikip ang aking dibdib sa sobrang sakit, sinusubukan kong sumigaw ngunit hindi ko magawa buti nalang ay nakita agad ako ni mom na nakadapa sa hallway at humihingi ng tulong.
Isinugod ako sa ospital dahil sa aking kondisyon, Cardiomyopathy ang tawag dito. Mahina ang aking puso at baka kapag mapagod uli ako ng sobra ay hindi ko na kayanin. Mild lang ito nang matagpuan ito ng personal doctor ko noong 3 years old ako kaya naging tama ang desisyon nila mom na home school nalang ako. Ngayon ay lumala ito.
I was home schooled ever since nursery to grade 9. Ayaw ako ni dad na ipasok sa school especially highschool but mom insisted kaya wala nang nagawa si dad. Well I agree with my dad pero I think tama rin si mom para rin makakilala ako ng bagong tao at hindi ako nakakulong lang sa bahay.
I-nenroll ako nila mom sa exclusive school na kung saan ay puro babae lamang ang narito. Ayaw ni dad na i-risk ako sa normal school na halo ang babae at lalake, alam niyo na kung bakit...
"Reese Gonzales, kindly introduce yourself to your classmates." Tawag ng aming prefect.
Nilakad ko ang daan sa gitna habang tahimik ang buong klase. Hinarap ko silang lahat at kinabahan ako ng onti.
"Hello everyone, I'm Reese Louise Gonzales." Pakilala ko sa lahat at dahil wala na akong ibang masabi ay tahimik lang akong nakatayo sa harap ng mga kaklase ko.
"Girls, this is her first time going to a school because she was homeschooled ever since so please be nice to her and accompany her here in our school." Dagdag ng aming prefect. "You may now go back to your seat Reese."
Tumango nalang ako at bumalik na sa designated seat ko.
Marami akong nakikitang nagbubulungan at ang iba naman ay pa sulyap sulyap lang sa akin. Dahil gusto ko lang namang pumasok at mag-aral ng mabuti, wala akong pake sa mga kaklase ko.Walang sinong nakakaalam ng aking kondisyon, dahil wala namang point kung sasabihin ko pa diba so itinago ko nalang ito.
Sinabi nila mom sa guidance counselor ang tungkol sa aking kondisyon ngunit ipinakiusapan na wag na itong ipagsabi at sa physical education teacher ko lang.
Madali kong na accomplish ang mga tasks na binibigay ng mga teacher dahil mas advance na ako sa mga pinagaaralan nila ngayon.Nag announce ang aming prefect na sa susunod na week ay bibisita kami sa isang exclusive school para lang sa mga lalaki.
Tinignan ko lang ang aming prefect at nagpatuloy sa pagbabasa ng Anna and the French kiss...
I never been in love pero I always fall for fictional characters. My parents always prevent me from guy friends or every guy I encounter with.
Natapos ang klase at nakita kong nakaabang ang magulang ko na nakangiti sa may gate palabas ng school.
"Hi sweety, how was your first day?" Tanong ni mom.
"It's okay momma." Kaswal kong sagot at hinalikan ito sa pisngi.
"Did you make friends?" Sunod na tanong ni mom.
"Mmm-mm." Sagot ko lang habang nagbabasa ng libro.
Sinarado ko ang libro at inilabas ko ang aking mp3 player at sinaksak ang earphones sa dalawa kong tenga to prevent nonsense conversation from my parents.
I know, I just don't care answering it 'coz my day was boring and people are distant so basically I'm also distant to everyone and I always avoid conversations from them.
So I'm looking outside the window of our car and it's breathtaking, I always admire buildings and structures.
Nakarating na kami sa bahay at bumaba na agad ako at pumasok sa loob. Sinalubong kami ng mga katulong para bumati. Tipid ko lang silang nginitian at tumungo na sa kwarto.
Pagka-pasok ko ng kwarto ay nakita ko ang mga posters ko sa dingding na may iba't-ibang drawing ng mga building, houses, etc.
Nagbihis na ko ng pang bahay. Pair of pajamas ang sinuot ko dahil yun na ang nakasanayan kong isuot.
Naupo ako sa study table ko para mag advance reading ng mga lessons at nagpapatugtog na rin ako para lalo akong ganahan.
Sinasabayan ko ang kanta dahil nakakawili.
"That's what you get when you let your heart win, oh-oh-oh~"
Naisip ko kung ano kayang pakiramdam ng hindi mo nili-limit ang sarili mo sa mga bagay bagay at ine-enjoy mo lang at bawat segundo ng oras ng buhay mo. Minsan sobra sobra ang anxiety ko sa lahat at dumadating sa point na nawawalan na ako ng pag-asa pero dahil gusto ko i-trust si God sa lahat ng challenges and shortcomings ko, alam kong there's always hope and plan na nakalaan si God para sakin.
Jeremiah 29:11 says it all. 1 Peter 5:7 too.
May kumatok sa pinto. It was mom at sinabi niya na kakain na raw kami.
After dinner pinuntahan na muna ako ni mom sa kwarto para mag devotion... This was our routine every night we always pray for the family and for my condition.
Mabilis lang nagdaan ang isang linggo at lunes nanaman...
Naalala ko ang nabanggit ng aming prefect na bibisita kami sa exclusive school ng mga lalaki...
Thinking about it, I don't know want to say dahil sobrang bihira lang ako ma-expose sa mga lalaki.
"Ladies form your line now, our school service is now ready to go." Sabi ng aming prefect.
Mabilis lang kaming nakarating sa aming destinasyon. Bukas ang gate ng school at kita agad namin ang dami ng mga lalaki sa loob.
Wala namang sinabi sa school rules na bawal ang gadgets so sinaksak ko ang earphones ko sa aking tenga at nag browse sa mp3 player ko ng magandang pakinggan habang kami ay naglalakad patungo sa gate.
When It Rains - Paramore
I remained a straight face at walang pake sa nangyayare habang kami ay nakapila, pinagmasdan ko nalang ang kagandahan ng eskwelahang ito. Every detail is so good and polished, I really like it.
We settled in a not so big room where ladies and gentlemens are located. Habang nagsasalita ang prefect nila ay wala akong naririnig kaya I was just staring outside the glass door kung nasaan ang kanilang garden at napansing umaambon pala...
And when it rains
You always find an escape
Just running away
From all of the ones who love you
From everything ~~~
(Indistinct chatter)
May kumuhit sa akin. Napatingin naman ako at tinanggal ang isang earphones.
"Ms. Gonzales"
Napatingin ako sa prefect namin at sa lahat ng tao sa loob ng room na nakatingin din sa akin.
"Please remove your earphones and listen."
Tumango nalang ako at itinabi na ang mp3 player sa aking bulsa ng palda at nagsimula nang mag-cross legs and arms at sumandal sa upuan.
Nagpatuloy nang magsalita ang prefect ngunit wala pa rin akong maintindihan dahil hindi ako nag p-pay attention.
Napansin kong may matagal na nakatingin from my peripheral sight at agad kong tinignan yon.
Mabilis ko lang yon tinignan at inalis ko na rin ang aking mata ngunit hindi na matanggal sa aking utak ang naging simpleng interaction namin.
What the hell is this?
YOU ARE READING
Anesthesia
RomanceI am incapable to be saved but one thing is for sure. My heart it beats, beats for only you.