"mama,bakit po sila may papa ako po wala?asan po Ang papa ko?"Sabi Ng isang Bata sa kanyang Ina habang hinihila nito Ang dulo Ng kanyang suot at nakaturo sa mga kaklase na pinupunasan Ng kanilang nanay at tatay matapos Ang pag lalaro
Lumuhod ito upang mapantayan Ang Muka Ng kanyang anak "anak,Kasi Hindi ko Alam Kung asan si papa eh.hindi ka ba masaya na may maganda Kang mama?Hindi pa ba sapat si mama sayo anak?"nagpapaintinding Sabi nito
"Masaya po ako mama pero naiingit po ako sa mga kalaro ko Kasi po may papa at mama sila ako po mama Lang"sabi nito Ng nakabusangot
"Ikaw Bata wag ka Ng mag reklamo.magpasalamat ka nalang dahil meron kang mama sa tabi mo.wag mo Ng hahanapin pa Ang Wala dahil kahit anong hanap mo Hindi yon darating"singit Ng isang batang nasa 12 na taong gulang Ang edad na kanina pa nakikinig sa usapan Ng mag ina
Napabusangot nalang ang Bata at tila nangingilid na Ang kanyang luha "Anak gusto mo Ng ice cream?Tara bili tayo ice cream diba favorite mo yon?" Sabi Ng kanyang Ina upang tumahan na Ito sa pag luha.agad namang nag liwanag Ang mukha Ng Bata at pinunasan na nito Ang nangingilid na luha at saka nag pahila sa kanyang ina upang bumili
Naiwang Naman Ang Bata na nangingiyak na dahil sa inggit sa pinag sabihan na bata.naiingit Ito kahit sya ay mas matanda kaysa sa Bata kanina sapagkat buong buhay nya ay Hindi pa sya nabilihan ng kanyang nanay at tatay Ng ice cream,buong buhay nya Hindi sya naalagaan at minahal Ng nanay at tatay nya kagaya Ng ginagawa ng nanay sa anak nya kanina.ang tanging nakagawa Lang Ng mga Yun sakanya ay Ang mommy nya na syang nag alaga nito simula pagkabata hanggang sa pagtanda.
Tumunog na Ang bell na syang hudyat na mag sisimula nanaman Ang klase para sa hapon.pinunasan nya Ang kanyang luha na kanina pa nag uunahang bumagsak at pumunta na sya sa kanilang silid upang simulan Ang klase.
"Good morning ma'am tolentino"sabay sabay na bati Ng mga Bata sa kanilang guro na nuo'y kakapasok Lang sakanilang silid
"Good morning class,you may sit"buong galak na Ani Ng kanilang guro
"So today class since malapit na Ang family day may project akong ipapagawa sainyo.gumawa Kayo Ng family tree.mag drawing Kayo sa isang ¼ illustration board Ng isang puno at lagyan Ang sanga nito Ng picture Ng buo nyong pamilya.sa lunes Ang deadline Ng pagpasa.sa ngayon gumawa muna Kayo Ng essay tungkol Sa inyong pamilya isulat Ito sa isang colored paper at disenyohan at pag uwi nyo sainyong tahanan ay ibigay nyo Ito sa inyong magulang.maaari na kayong mag simula"bulong galak na Ani nito
Habang sya ay nag lilibot sa kanyang klase ay napansin nya Ang kanyang isang istudyante na Hindi gumagawa at nanunuod Lang sa ginagawa Ng kanyang mga kaklase.agad Naman itong nilapitan Ng kanyang guro.
Pag kalapit nito sa kanyang istudyante ay nagulat Ito Ng makitang namumugto Ang Mata Ng Bata "Clarisse bat Hindi ka pa gumagawa Ng sayo?Wala ka bang colored paper?halika meron ako dit-"
"Marami po akong colored paper ma'am pero kahit Naman po marami akong colored paper at kahit Naman po gumawa ako Ng essay Wala Naman po akong pag bibigyan ma'am"pag puputol nya sa sasabihin Sana Ng kanyang guro.
Pinatayo Ito Ng kanyang guro at pinasunod sa kanyang lamesa at pinaupo Ito sa harap niyon.
"Clarisse anak may problema ba? Bakit namumugto Ang Mata mo? Alam Kong umiyak ka,anong iniyakan mo mag Sabi ka sakin nang matulungan Kita"malumanay na Sabi Ng guro
"Wala Naman po ma'am,gagawa nalang po ako Ng essay"nakangiting Sabi nya sa guro at bumalik na sakanyang upuan
Walang nagawa Ang guro kundi tignan nalang Ang Bata Nang puno Ng habag at awa.dati pa man ay napapansin na nitong tahimik at mailap sa klase Ang istudyante nyang si Clarisse.mabait Naman Ito at nakakasagot tuwing tinatanong.sadyang Hindi Lang maintindihan Ng guro Kung bakit palaging ganun si Clarisse.
To be continued.....
GOD BLESS
Pls support 😘