Third Person's P. O. V.
Kasalukuyang nag-uusap si Ashley at si Jared.
"Ayiiiiieeee.." reaksyon ng mga Tita ni Jared nang marinig nila ang pag- uusap nila Ashley at Jared.
"Ano? Naghalikan na ba ang dalawa?" Tita Jess.
"Hoy! Ano naririnig nyo?" Tita Ching.
"Teka lang! Masyado kayong malikot!" aski naman ni Tita Kem.
"Magsitahimik nga kayo!" Tita Jeanlyne. Kahit kailan may pagkamaldita talaga tong si Tita Jeanlyne.
Nakasandal ang lahat ng Tita ni Jared sa pinto ng Guest room ni Ashley. Nakikinig, nagbabakasakali ng magkatuloyan ang dalawa.
Andrew's P. O. V.
Nang matapos kaming mag-usap ni Ashley, magkahawak ang aming kamay na naka-upo sa kama ng biglang...
"Ano? Naghalikan na ba?"
"Hoy! Ano naririnig nyo?" At iba pang mga salitang narinig namin mula sa labas ng pinto.
"Ano... Jared, mga tita mo ata." sambit ni Ashley. Ngumiti ako sa kanya at nag-quite sign. Tumayo ako at inilahad ang kamay sa kanya, kinuha naman nya. Maingat kaming naglalakad papunta sa pinto para hindi kami madinig nila tita. Palihim kaming napahagikhik sa kalokohang naiisip.
"Ano, naririnig nyo?"
"Ba't ang tahimik ata nila?"
Natawa nalang at biglang binuksan ang pinto kaya't sabay-sabay silang nadapa sa harap namin.
"JUSKOMARYOSEP!!" sigaw nila ng sabay-sabay.
Kahit na sumasakit na ang tyan ko sa pagpipigil na matawa ay tinignan ko sila ng nakakunot-noo.
"J-Jared, iho... " nahihiyang bati nila.
"Hi Tita's!" bati ko sa kanila habang hawak parin ang kamay ni Ashley.
"Uy! Jess, magkahawak ang kamay!" napatili si Tita Kem sa nasaksihan.
"Nagkatuluyan nga!" tili din ni Tita Jeanlyne.
"Susmaryosep! Anong nangyayari dito?!" sigaw na tanong ni lola Kharelle.
"Mama!/Lola!" sabay naming lahat.
"Ano.. wala lang ma! Naglalaro lang kami ng dapa sa pinto, diba mga kapatid." sabay tingin ni Tita Ching sa mga kapatid nya habang papikit-pikit ang isang mata na kitang-kita naman ni Lola Kharelle. EPIC FAILED.
"Kayong APAT. Mag-uusap tayo ng masinsinan.." bumaling naman si Lola samin ni Ashley. "Pasensya na apo, segi mauna na kami." malambing na paumanhin ni Lola Kharelle sa'min.
"Okay lang po." sagot namin ni Ashley kay Lola.
"Ayiiiieee, sabay pa sila. Meant to be talaga." Sambit ni Tita Kem.
"Kem, Halina kayo para makasolo ang dalawa." nakalokong ngisi si lola samin. Potcha, alam ko na saan nagmana sila Tita. Tumatawa pa sila na umalis sa pwesto nila at naiwan kaming dalawa ni Ashley na nakanganga.
Niyakap ko nalang si Ashley. Ang daming nangyari ngayon. Pero ito ang pibakamasayang nangyari sa buhay ko.
THE END