-SEASON 5-

50 34 10
                                    

Third Person's POV

Pagkatapos mag inat ni Autumn ay lumapit siya kay Prof Madrid.

"Prof pwedeng 2 vs 2 muna? Gusto kasi naming mauna kung pwede lang?" Magalang na tanong ni Autumn.

"Sure, mukhang nagkakainitan na kasi sila ehh." Natatawang sabi ni Prof Madrid saka tumayo.

"Ok class, mauuna munang mag lalaro ang ating Four Seasons, sa gilid na muna kayo at manood." Nakangiting sabi ni Prof. Madrid.

'Four seasons? Seriously?'
Napangiwi si Autumn dahil sa binigay na pangalan sakanilang magkakapatid.

"Wahh! Mas ok toh!"

"Four Seasons? Bagay sakanila ang pangalang yun."

"Akala ko ba hindi marunong maglaro sila Spring dahil mahina stamina nila?"

"Sino kayang mananalo?"

Bulungan ng kanilang mga kaklase na sabik manood.

"Pero bago yun, tumayo ang ATLAS sa bawat dulo ng line para tignan kung out ba o in at ako naman ang magiging scorer." Dagdag ng Prof.

Nakapwesto na sina Autumn at Spring sa kabila at nasa likod nila sina Terrence at Stephen. Sa kabilang banda naman sina Summer at Winter at nasa likod nila sina Skyler at Raven.

Pagkatapos magtali ng buhok ang apat ay na kay Spring na ang bola dahil sila ang mauunang mag se-serve.

Pumwesto si Spring sa may pag servan at huminga ng malalim sabay hagis ng bola pataas saka siya mabilis na tumakbo saka tumalon at malakas itong hinampas. Isang malakas na service ace.

'woah! Ang lakas non.'
Manghang sabi ni Stephen sa isip.

Agad na nasangga ni Winter ang bola at ipinasa kay Summer na malakas niya namang hinampas. Nang makita ni Autumn na sa sahig ang punta ng bola ay mabilis siyang dumapa at tagumpay niya itong nailigtas.

"Woah, ang bilis niya."

"Marunong palang maglaro sina Winter at Spring."

"Ang galing!"

Nang nasa ere na ang bola ay mabilis na tumayo si Autumn at ti-noss ang bola kay Spring na malakas niya namang hinampas na hindi na block ni Summer kaya nadaplisan siya sa pisngi. Isang quick attack.

Pumito si Prof Madrid at ang score ay 1-0. 1 sa grupo ni Spring at 0 kay Summer.

"Are you ok?" Tanong ni Winter kay Summer. Nag inat naman si Summer at inubos na ang chocolate niya na kanina pa niya kinakain.

"Nag sisimula palang tayo." Ngising sabi ni Summer kay Winter at tinapik siya sa balikat. Ngumiti si Winter at tumango.

Sunod na mag seserve ay si Autumn. Binato niya sa ere ang bola at malakas na pinalo. Malapit ito sa net at malalaglag na sa sahig pero mabilis na dumapa si Winter at naligtas ang bola. Mabilis siyang tumayo at mabilis na iti-noss ito kay Summer na mabilis niya namang ini-spike sa pwesto ni Spring. An A quick.

"Mine." Sabi ni Spring at tinamaan ang bola at ipinasa kay Autumn. Mabilis itong ini-spike ni Autumn kay Summer na mabilis niyang sinangga at ibinalik ang hampas kay Spring, malakas itong hinampas ni Spring, at sa lakas nito ay lumabas ang bola sa linya.

"Out!" Malakas na sabi ni Raven.
Pumito si Prof kaya ang score ay 1 all.

Next na mag seserve ay si Summer. Binato niya sa ere ang bola, mabilis siyang tumakbo at mataas siyang tumalon sabay hampas ng bola na agad nasangga ni Autumn pero sa lakas ng impact ay napaupo siya.

Four Seasons [ATLAS Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon