/// PROLOGUE
─────────Galit at mabilis ang lakad-takbo ko papunta sa Class-12 Room-C dahil sa isang partikular na tao.
Dahil sa pag mamadali ko ay wala na akong paki-alam sa mga taong nababangga ko sa daan. May isa kasing gago na pina-iyak ang kapatid kong babae.
Ng makarating ako sa Room-C ay dali-dali kong nilibot ang paninging ko sa kabuohan ng room at hinahanap ang lalaking dahilan ng pag-iyak ng kapatid ko.
Ng makita ko na siya ay dali-dali akong pumunta sa kina-uupuan niya.
" Ikaw ba ang nag pa-iyak sa kapatid ko? " pagalit kong sabi sabay ng malakas ng bagsak ng palad ko sa desk niya.
Napatingin naman ito sakin.
" Sino ba kapatid mo? " sabi niya at dahil sa sinabi niya ay di ko na napigilang hawakan ang collar ng uniform niya at marahas itong inilapit sakin.
" Tangina mo! Yung pina iyak mo kania. " sabi ko habang pinapantayan ang mga titig niya.
" Ahh... yung babae sa Class-10. " sabi niya.
" Anong ginawa mo sa kanya? " mas nilapit ko pa siya sakin.
" Wala akong ginawa sa kanya. " tinanggal niya ang pagkaka hawak ng kamay ko sa collar niya.
" Talaga? Eh bakit umiiyak siya? Pano mo masasabing wala ka ngang ginawa? "
" Wala akong ginawa sa kanya. " dahan-dahan siyang palapit sakin, dahan-dahan naman akong napa atras. " sinabi ko lang sa kanya na... " naramdaman ko nalang ang malamig na concrete wall sa likod ko.
" ... na ayaw ko sa kanya kasi mas gusto ko ang kuya niya. " pagtutuloy niya sa sasabihin niya.
Di ko alam pero dahil sa sinabi niya ay napatigil ako. Gusto kong mag salita pero ni isang salita ay walang lumalabas sa bibig ko.
Unti-unti namang lumalapit ang mukha niya sakin. Bumibilis ang tibok ng puso ko at pinagpapawisan ako ng husto.
" Ang ganda ng labi mo.... makes me wanna taste it. " sabi niya at hinawakan ang labi ko. " kaso ang dry. " may kinukuha siya sa bulsa nya habang malapit parin ang mukha niya sakin at nakahawak parin ang kamay niya sa labi ko.
May kinuha siyang lip balm sa bulsa niya. " Gamitin mo to. Alagaan mo yang labi mo. " sabi niya at nilalagyan ng Lip balm ang labi ko.
Pagkatapos niyang lagyan ang labi ko ay kinuha niya ang bag niya habang ako ay naka tayo parin dito di alam kung anong gagawin.
Pinapanuod ko lang siyang naglalakad papa alis sa room.
" Kitt. Kitt ang pangalan ko. " sabi niya mula sa pintoan ng room " at wag mong kalimutang gamitin yan para malaman mo kung gano ka sarap ang labi ko. " sabi niya sabay turo sa lip balm na binigay niya sakin kanina pagkatapos ay tuluyan na siyang umalis.
Habang ako ay naka tayo parin dito at tinitignan ng mga estudyante sa loob ng room.