"Mag bihis kayo at may darating na bisita, anak ng kasosyo ko" istriktong boses ni Daddy.
Sa isang single sofa sa sala si Daddy ay presentableng naka upo, sa kabilang single sofa ay si Mommy.
Kaming apat na mag kakapatid ay sa long sofa. Ako ang bunso pero hindi ako ang paborito.
Masyado kasing nag expect sila Mommy at Dad ng lalaking anak. Pero nang malamang babae ako ay na nanlumo na sila.
Limang buwan pa lamang ako at hindi pa nakikita ang mundo ay inayawan na nila ako. Damang-dama ko 'yon sa paraan ng pagtrato nila sa akin ngayon.
"Tatawagin ko na lang kayo pag narito na siya" dugtong pa ni Mommy.
"Bakit po sila pupunta rito, Daddy?" Inosenteng tanong ko.
"Dad, lalake po ba o babae ang anak ng kasosyo mo?" Tanong ni Ate Kaze—pangalawa sa panganay.
"Lalake, Anak" sagot ni Daddy, binalewala ang tanong ko.
"Bakit sila pupunta dito?" Pag ulit ni ate Kaye— ang pangalawa sa bunso— sa tanong ko.
"Rine-renovate kasi ang mansion nila, pansamantala ay dito muna siya at ang mga magulang niya ay may bussiness meeting abroad, Kaye, anak" sagot ni Dad.
"How old is he, Dad?" Si Ate Kale, ang panganay.
"19, anak. He's taking Maritime for collage" si Mommy ang sumagot.
Mas matanda s'ya ng isang taon sa panganay.
Hmmm, for sure hindi nanaman ako tatawagin, ok lang. Sanay na ako.
Nakinig na lang ako sa pag uusap nila dahil sanay naman na akong ituring na hangin.
Nang tumayo sina Mom at Dad ay saka lang kami nagsi-balik sa kani-kaniyang kwarto para mag handa.
Naligo ako at nag ayos kahit alam kong hindi naman ako ipapakilala ni Dad bilang anak niya.
Suot ang spaghetty tiered hanging top at denim ripped short shorts at sinuklay ko lamang ang buhok kong malambot na umabot sa ibaba ng balikat.
Lumabas ako ng kwarto at nag punta sa kusina.
Naratnan ko ang mga kasambahay na nag hahanda ng walong baso ng juice at walong platito na may red velvet cake.
Bakit walo lang? Tanong ko sa sarili ko pero kaagad ring nasagot.
Ano ka ba? Hindi ka naman kasama sa pamilya nila.
"Naku, Ma'am Kate, bawal ka hong lumabas, hintayin n'yo na lamang po na tawagin kayo ni Sir"
Ngumiti ako ng hilaw at marahang umiling. "Hindi naman po ako tatawagin, tutulong na lang po ako rito, Esme.
S'ya ang mayordoma, Esmeralda. Ayaw niyang tinatawag s'yang manang kaya Esme na lang daw.
"Baka pagalitan kami ni Sir, Ma'am Kate" nag aalalang tanong niya.
Bumuntong hininga na lamang ako. "Mag panggap na lang din akong yaya! Gusto ko lang makilala ang bisita, please?"
"Bakit? Pogi ang bisita 'no?" Panunukso niya.
"Hays, ewan ko sayo. D'yan ka na nga" umirap na lang ako na ikinatawa niya.
"Good girl!" Bati niya bago ako naka labas sa kusina.
Pagka labas ko ay saktong may tumawag sa akin, umupo ako sa couch kaharap ng pool dito sa gilid ng bahay.
'Tita Katheena Calling...'
"Good morning, Tita" bungad ko.
"Kamusta ka d'yan?" She asked.
I pouted, hindi ko talaga alam. "Ahmm, Ok lang tita, sanay na po ako"
YOU ARE READING
Born to Fly
Romance✿Il Real Series 2✿ BORN TO FLY We have different desires in life, different dreams and different futures. Kate Cruisine Rivera, Now a famous Model, singer and dancer. She cannot make herself forget the man who ruined her because he left her confound...