PHOTOGRAPH

687 87 9
                                    

⚠️ TRIGGER WARNING ⚠️
This story contains disturbing imagery that some readers may find unsettling. READER DISCRETION IS ADVISED.

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this story are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Title: PHOTOGRAPH
Written by Russ Ibasco

It was 7 PM.

Habang kumakain ako ng dinner ay nag-b-browse ako ng pictures namin ng mga kaibigan ko, we went to the birthday party of one of my friends last night.

Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang mga larawan. It was a special moment dahil hindi na kami tulad ng dati; busy na ang lahat dahil halos karamihan ay may trabaho na, pero solid pa rin ang bonding kapag ay nagkikita-kita.

When I was younger, I was excited to become an adult so I could do everything I wanted. But now that I’m here, suddenly I fear—something that some people can relate to.

Staring at these photos can't determine what genuine happiness is, but I just hope these smiles are real.

Biglang may dumaang ambulansya sa aming bahay at tanaw ko ang mabilis na pagdaan nito sa aming bintana, pumasok ang malakas na hangin at nilipad ang aming kurtina.

Napalunok ako at nakaramdam ng pangamba. Ayokong-ayoko ang makarinig ng tunog ng ambulansya.

Huminga ako nang malalim at pinagpatuloy ang pagkain.

Maya-maya pa ay may humawak sa aking balikat na aking ikinagulat.

“Anak kanina ka pa diyan, mamaya na ang kaka-cellphone. Ubusin mo muna ’yang kinakain mo.” ani mama.

“Nakakagulat ka naman, ma!" Sabay hawak sa aking dibdib.

My phone vibrates, and I hear a notification sound from a messaging app.

I grab my phone at nakita kong nag-uusap sila sa group chat. A smile draws on my face because I thought it was good news.

“Guys!!! ’Wag kayong mabibigla...”

Chat ng isa naming kaibigan na kilala bilang mapagbiro kaya sa una ay hindi namin sineryoso ang sinabi niya. Halos lahat kami ay tinawanan lang siya, not until we received this message from him:

“Seryoso ako... Jay took his own life earlier tonight! His lifeless body was found in his bedroom.”

We were all stunned and confused.

Nagsimula na silang mag-videocall upang pag-usapan ang mga nangyayari, hindi pa rin ako makapaniwala sa aking nabasa at naririnig mula sa kanila.

Nanginginig ang aking mga kamay habang hawak ang phone ko.

“Guys, magbihis na kayo at pupunta tayo sa kanila,” wika ng isa ko pang kaibigan.

Iniwan ko ang phone ko sa mesa at nagmadaling nagbihis. Pagbalik ko ay ang ingay-ingay na ng group chat; they were all pointing out one of the photos last night. I clicked the photo at tinitigan ko itong mabuti.

Napatakip ako ng bibig at hindi ko sinasadyang natabig ang tinidor at ito’y nalaglag sa sahig.

Nanginginig ang aking bibig.

Hindi ko napansin na sa larawan na ito ay walang ulo si Jay!

We were all terrified.

“Magkita-kita na lang tayo sa kanila, bye na muna at mag-iingat kayo,” sabi ng isa naming kaibigan and they stopped the session.

Pinulot ko ang nalaglag na tinidor sa sahig at ibinalik ito sa Plato.

My phone vibrates, and I hear a notification sound from a messaging app... again.

“Nasaan ka? Nandito na ako sa labas ng bahay niyo, tingin ka sa labas ng bintana.”

Napatingin ako sa labas ng bintana.

I saw someone standing outside, and it was Jay.

Stories Hiding In The DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon