"Change for love" [• Oneshot •]

89 5 2
                                    


Jelay's pov
Nagtitimpla ako ngayon ng kape habang nag-iisip, yung mga kaibigan kong sila Karina at Seth ay nasa ibang bansa. Well here I am again, overthinking about Kaori and I. Umupisahan ko kwento ko.

** FLASHBACK **

Isang gangster ako noon, hilig ko sa basagan ng ulo at puro away.

"Kailan ka ba magbabago?" Tanong ni Karina

"No, di na ata ako magbabago. Dito ako masaya eh"

"Di ka ba naaawa sa sarili mo? Lagi kang may pasa" sabi ni Seth

Napatungo ako.

"Hinde, basta gagawin ko gusto ko. Nagpapakasaya lang naman ako ah"

"Pero sa maling paraan" sabi ni Seth

"Whatever"

Nagpunas ako ng pawis at nagsimulang maglakad, nakasunod naman sila Karina and Seth saken. Syempre bff ko eh. Maya-maya pa ay may nakabungguan akong babae, imbis na sungitan ko siya is wala akong nagawa. Well parang di ko kayang sungitan. Agad ko siyang nilapitan.

"Sorry" sabi nya

Ang hinhin ng boses nya at malambing. Nangiti ako.

"Ako nga dapat magsorry eh, ayos ka lang?"

"Ayos lang naman, sige aalis na ako" sagot nya

Aalis na sana siya ng bigla akong nagsalita.

"Anong pangalan mo?"

Napalingon siya saken sabay ngiti.

"Kaori" sagot nya

Ngumiti din ako.

"Ingat Kaori"

Nag wave siya bago umalis. Tinapik ako ni Seth kaya napatingin ako sa kanya.

"Love at first sight?" Tanong ni Seth

Tinaasan ko siya ng kilay

"Hinde ah, kasalanan ko naman. Tatanga-tanga ako eh"

Nangingiti silang dalawa. Pag-untugin ko to eh.

Pero parang may point si Seth, nakakain love yung voice ni Kaori eh. Nagkaron ako ng interest sa kanya, yung parang gustong-gusto kong kasama ko siya palagi? May something saken ah, Jelay umayos ka. At ayun nga kinilala ko siyang maigi and naging close friends nga kami.

"Gusto mo cake?" Tanong ni Kaori

Umiling ako.

"Hinde na, sayo na yan"

"Tikman mo lang naman eh, sige na. Ako nag bake neto eh" sabi nya na may pacute pa

Nangiti ako

"Sige na nga, ang cute mo"

Imbis na ako na yung kukuha is sinubuan pa nya ako kaya nag blush ako.

"Masarap ba?" Tanong nya

"Oo naman, sobra"

Ngumiti siya ng malawak. Ang ganda nya talaga.

"Malapit na pala birthday ko, gusto ko kasama ka" sabi nya

"Woah syempre naman sasama ako"

Yumakap siya saken.

Syempre naman nung birthday nya nagpunta ako sa bahay niya dala-dala ang isang regalong alam kong magugustuhan nya. Isang teddy bear at necklace, see? Parang manliligaw ako. Nagustuhan naman nya, at kitang-kita ang saya sa kanyang mga mata nung binigay ko sa kanya iyon.

Tumagal ng tumagal ang pagkakaibigan namin hanggang sa may nararamdaman na ako sa kanya.

"Kare, Seth, nagbabago na ba ako?"

"Oo Jelay, binago ka ni Kaori" sabi ni kare

Tumingin ako sa salamin.

"Gusto ko na maging isang mabait na tao para sa kanya"

"Mabuti yan" sabi ni Seth

"So mahal mo na nga si Kaori?" Tanong ni Kare

Tumango ako.

Nagpunta ako sa may rooftop at tumingin sa langit. Gabi na non, at ang daming stars.

Nagbago na nga ako. These few months di na ako masyadong nakikipag away. Kaori ano bang ginawa mo saken? Di na ako matahimik oh. Mahal na kita. Sobrang mahal na mahal na kita. Habang nagmamasid sa paligid ay nakita ko si Kaori na may kasamang lalaki di kalayuan sa bahay nila.

Sino kaya yon?

Nagholding hands sila kaya medyo nagselos ako. Nagyakap sila nasaktan na ako. Medyo naiiyak ako sa nakikita ako.

Kaori ano ba ah!? Ginawa mo akong ibang tao, di naman ako nasasaktan noon pero ngayon? Kaori please masakit. Para akong tanga na ka usap ang sarili ko ngayon sa nakita ko.

"Bat mo ba ako di pinapansin?" Tanong ni Kaori

"Ano ba sa tingin mo ah?"

"Wala nga akong alam eh" sagot nya

"Sino yung lalaking kasama mo kagabi?"

"Huh? Nakita mo?" Tanong nya

"Ayy hinde, narinig ko"

"Nagseselos ka ba?" Tanong nya

"Ayy obvious ba?"

Nangiti siya sabay hug saken.

"Wag ka magselos don" sabi nya

Bumitaw ako sa kanya at humarap sa salamin.

'Who are you?' Di na kita kilala Jelay, ibang-iba ka na talaga.

"Jelay pinsan ko yon" sabi nya

Napaharap ako sa kanya. At napangiti sa sinabi nya.

"Talaga?"

"Oo naman, teka? Mahal mo na ako no?" Pang-asar nya

"Oo na!"

"Ayiiee so tayo na?" Tanong nya

"Mukha mo"

"Maganda" sabi nya

Medyo natawa ako sa kanya ah.

"Oo na, basta akin ka lang ah"

"Syempre naman" sabi nya

** END OF FLASHBACK **

Agad akong nagulat ng tawagin ako ni Kare.

"Jelay!" Malakas na tawag nya

Agad naman akong nagtatakbo papunta sa kanya.

"Ano yon?"

"Tignan mo oh, may Jonri daw?" At pinakita saken ni Seth yung phone nya

Nagulat ako ng may nakita akong picture ni Kaori at Aljon na magkayakap.

'In relationship?'

Agad kong inabot kay Seth yung phone nya at tumawa.

"Bat ka tumatawa? Di ka galit or selos?" Tanong ni Seth

"Artista si Kaori, remember? Kaya alam kong madaming magshiship sa kanya na ibat-ibang artista din. Maganda si Kaori sobra, pero may tiwala ako sa kanya na ako lang ang mahal nya"

Agad akong niyakap ni Seth at Kare.

"Mas gusto ko yung Jelay ngayon" sabi ni Kare

Ngumiti ako.

THE END..

(Sa Love, kahit naging masama ka sa nag daang panahon. Ang pagmamahal ay isang daan para magbago ka at may darating na isang tao para sya ang daan para mag bago ka ika nga nila makikita mo rin ang katapat mo. Kung totoong mahal ka nang isang tao, masama ka man o hindi ay tatanggapin ka parin nya ito ng buong-buo)

JELRI FANFICTION ONLY! 💛💚

SORRY SA TYPO'S AND GRAMMAR'S SANA MAGUSTUHAN NYO. ITO AY KATHANG ISIP LAMANG WAG SESERYOSOHIN MARAMING SALAMAT JELAY ANG KAORI LANG HANGGANG DULO! 💛💚

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Change for love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon