[a/n] Hello Readers! (kahit alam ko konti lnag magbabasa nito. hayy... okay lang) First time ko magsulat ng story na seryoso at dito pa sa Wattpad. Sensya na sa typo, pati sa corny kong plot. hahaha. Project ko yan sa Filipino III namin. Naisip ko lang i-post dito. Thanks sa mga mabubuting magbabasa. Sana umabot kayo sa dulo. Maigsi lang to :D
---------
Sa buhay ng tao, mas pahalagahan dapat ang ngayon kaysa bukas. Maaari kasing ngayon masaya ka pero bukas hindi na, maaaring ngayon mayaman ka pero bukas namamalimos ka na o di naman kaya ngayon buhay ka pero bukas wala ka na. Sadyang napakakomplikado ng reyalidad ng buhay. Hindi mo malalaman ang iyong kapalaran, hindi mo malalaman kung saan ang iyong hangganan. Pero paano kung sabihin sa’yong mamamatay ka na bukas, sa isang linggo, sa isang buwan, sa isang taon o di naman kaya mamaya? Sino ang unang mong iisipin? Ano ang una mong gagawin? Hihintayin mo na lamang ba na kuhanin ka ni Lord? O ipaglalaban mo yung buhay na ipinahiram lamang niya sa’yo?
“Huling araw ko na. Natupad ko na lahat. Ang mga pangarap ko... Angmga kahilingan ko... Nabitawan ko na rin lahat ng dapat kong bitawan. Ang mga dapat pagsisihan... Ang mga dapat iwanan... Handa na akong mamatay. Tanggap ko nang hanggang dito na lang.” 'yan lang ang nasa isip ko ngayong huling araw ng sinasabing buhay ko. “Lord, handa na 'kong makasama ka.”
Ako si Faith. Pero Via ang tawag sa akin ng mga kaibigan ko at ng mga taong malalapit sa puso ko. Isa lang akong simpleng babae pero mayaman ang aking pamilya, simpleng estudyante at nasa kolehiyo na ako. May boyfriend ako at nakakaapat na taon na kami. Normal lang akong nabubuhay pero isang araw nagbago bigla ang takbo ng buhay ko. Teka, paano nga ba? Hindi ko na maalala. Basta ang alam ko masaya ako noon. Masaya kasama yung taong minahal, minamahal at mamahalin ko habang buhay.
Siya si Rence. Pero Miggy ang tawag ko sa kanya. Bukod sa papa ko, siya lang ang may karapatang tawagin akong Faith. Mahal ko siya. Sa apat na taong magkarelasyon kami, alam kong mahal niya rin ako. Hanggang dulo pa nga e pero isang araw nasubok ang aming relasyon na nagpabago rin sa takbo ng buhay namin.
“Wake up, feel the air that I'm breathing. I can't explain this feeling that I'm feeling. I won't go another day without you.”
Gabing gabi na nagpapatugtog pa 'yung kapitbahay namin. Akala ko ba bawal mag-ingay dito sa village pag ganitong oras. Hatinggabi na oh! Maaga pa ako gigising bukas.
“Hold on and promise it gets brighter.”
Nakakaasar na. Isang kanta pa mapipikon na ako!
“And when it rains, I'll hold you even tighter. I won't go another day without you, without you.”
“Excuse me! Hindi ka naman nakakaistorbo ano? Sige lakasan mo pa, Without you? Favorite song ko ‘yan!” sarkastikong sigaw ko sa bintana matapos kong batuhin ng sapatos yung nasa labas. Madilim. Patay ang mga ilaw sa poste. Pero nabigla ako sa naaninag ko. Hindi ito isang malaking speaker sa garden ng kapitbahay. Hindi rin isang lalaking sintunadong kumakanta sa karaoke. At lalong hindi isang concert. Si Miggy. Hinaharana ako ni Miggy.
“ARAY! Faith, hindi ka ba natutuwa?” tanong ni Miggy sa akin. Hawak niya ang isang gitara. Nabigla ako ngunit may halong tuwa sa nakita… mga talulot ng rosas na nakakorteng puso... Labingsiyam na mumunting batang may hawak na tag-iisang regalo.
“MIGGY! Sorry. Teka nga, anong ginagawa mo dito. Gabi na ah? Saglit lang. Bababain kita dyan.” nagmadali akong bumaba.
“Faith, masakit ‘yon ha!” malungkot na sambit ni Miggy.
BINABASA MO ANG
121: Kwento ni Faith (Short Story)
Teen FictionPaano kung huling araw mo na? Ano ang una mong gagawin? Sino ang una mong iisipin? Ito ang kwento ni Faith. Isang babaeng binuhusan na ng biyaya, mayaman, maganda, mabait, matalino, may mga magulang na mapagmahal, kuyang maalaga at boyfriend na di s...