Binabagtas ko ang mahaba at tahimik na kalye ng Laurel, batid ko ay alas-nueve na ng gabi. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, hindi ko rin mawari kung saan ako dadalhin ng aking mga paa.
Ang alam ko lang, kailangan kong umalis sa lugar na ito.
Ayoko na rito. Nakakatakot. Nakakasakal. Nakakalungkot. Nakakagalit.
"Hey, are you okay?" napatigil ako sa paglalakad nang makita ko ang isang dalaga na huminto sa harapan ko. Anong ginagawa niya rito? Gabing-gabi na.
Napatingin ako sa kulay tsokolate niyang mga mata na nasisinagan ng ilaw mula sa poste sa aking kanan.
"Your clothes are full of blood.." nag-aalangan niyang banggit at tinuro ang puti kong damit. Ah oo nga, ang daming dugo.
Walang pagdadalawang-isip kong inilabas ang aking patalim mula sa bulsa ng dyaket ko at ibinaon iyon sa kanang tagiliran niya. Nagsimula siyang lumuha, nanginig ang kanyang mga labi hanggang sa lumabas doon ang ilang patak ng dugo.
Tinanggal ko ang pagkakakapit niya sa kaliwang manggas ng dyaket ko at marahas na ibinagsak ang kanyang katawan sa malamig at kongkretong kalsada. Napabuntong-hininga ako nang naisip ang nagawa ko. Bakit ba kasi siya sumulpot sa harap ko? Namatay tuloy.
Hinihila ko ang kaliwa niyang paa habang naghahanap ng basurahan. Ano ba 'yan, ang layo yata sa kabihasnan ng lugar na 'to.
Nang makahanap ako nang malaking drum na may tubig ay binuhat ko ang mestisang hila-hila ko at inilagay sa loob. Napakamot ako sa ulo ko. Ang dami kong tinrabaho ngayon.
Inilagay ko rin ang aking patalim sa loob ng drum, narinig ko pa itong tumusok sa kung anong parte ng katawan ng babae. Nagkibit-balikat na lamang ako at hinugasan ang aking mga kamay sa tubig na naging kulay pula.
Naramdaman ko naman ang pag-vibrate ng cell phone ko sa bulsa ng aking pantalon.
"Nasa'n ka?! Nasusunog bahay niyo!"
"'Yung aso ko?" tanong ko habang pinupunasan ang aking kaliwang kamay sa damit ko.
"Tangina! Namatay kapatid at magulang mo!"
"Ah." tumango-tango ako saka nagsimulang maglakad palayo sa drum.
Saan kaya ako pupunta? Wala akong mauuwian, sinunog ko 'yung bahay namin.
BINABASA MO ANG
Scoprire
Mystery / Thrillerscoprire (v.) /sko'prire/ - is an Italian word which means, "to uncover", "to find", or "to find out the truth".