Chapter 7.1

2 0 0
                                    

Che's POV

Matapos akong hiramin DAW netong mokong na si Paulo d ko alam kung san kami pupunta.Kanina pa kasi kaming nasa byahe d ata sya napapagod mag drive.

"Paulo?" tawag ko sa kanya

"Hmm?" sagot nya

"San ba tayo pupunta?kanina pa tayo dito eh" tanong ko sa kanya

Ngumiti sya.That's smile!aaAaaAaa sh*t Che bawal yan!

"Matulog ka muna, gisingin nalang kita kapag nakadating na tayo" sabi nya "Malayo pa naman" dagdag nya
pa

Tumango nalang ako at sinandal ang ulo ko sa bintana ng kotse nya.Masarap nga naman matulog.

Paulo's POV

Pinatulog ko muna sya dahil alam kong kelangan nya ng lakas mamaya para maenjoy nya yung pupuntahan namin.

Traffic pa naman kainis!

Habang nakatigil ang daloy ng mga sasakyan d ko maiwasan na mapatingin kay Cheryll.Napaka amo ng muka nya kapag tulog.Makikita mo din kung gano sya kaganda kung pagmamasdan mo sya.

Dahil sa pag titig ko kay Cheryll d ko namalayan na maluwag na pala yung mga sasakyan.Nabubusinahan na tuloy ako nung iba.

Nakarating na kami sa pupuntahan namin.

Batangas

Alam kong magtataka sya kung bakit kami nandito.Mula manila at nakarating kami ng batangas.Pinagpaalam ko naman sya kay Charles at kay tito.

Tiningnan ko sya habang mahimbing na natutulog.Napaka-amo ng muka nya at napakasarap titigan.

Lumapit ako sa kanya para sana gisingin nya pero napatigil ako ng malapit na ako sa muka nya.Nakita ko ang maganda nyang pilik mata, yung lips nyang mapula kahit wala namang lipstick at yung pisngi nyang nagbablush kahin hindi naman sya nag lalagay ng blush on.Natural ang ganda nya at kahit messy hair sya maganda pa din sya.

"Layo mo muka mo" sabi nya ng nagpatigil sakin ng pagtitig sa muka nya

Sobrang lapit na pala namin sa isa't isa.

Che's POV

Sobrang sarap ng tulog ko ng maramdaman kong may kung anong mainit sa muka ko.Mainit sya na mabango.Minulat ko ng kaunti ang mata ko para makita kung ano yun at shems! Sobrang lapit ng muka namin ni Paulo! Hininga nya pala yung nararamdaman ko, mabango ha.

"Layo ko muka mo" mahinang sabi ko sapat na para marinig nya

Lumayo naman sya at parang nahihiya.Minulat ko na ang mata ko

"Ay sorry gigisingin palang sana kita" sabi nya

"Eh bat ang lapit?" tanong ko

Kelangan bang malapit talaga sa muka ko ha?

"Nandito na tayo" pag iiba nya ng topic

Tumingin ako sa labas at nakita ko nga.Nasa pamilyar kaming resort.

"Nasan tayo?" tanong ko sa kanya

"You can go out so you can see" sabi nya ng nakangiti

Sinunod ko naman sya at pagbaba ko literal akong nagulat

Balai Ising?!!!

Ibigsabihin nandito kami sa Batangas?!pero anlayo naman masyado, teka baka nananaginip ako! Dali dali akong bumalik sa sasakyan ni Paulo

"Naki---" i cut him

"Paulo pakisampal ako pls" sabi ko sa kanya at napakunot naman ang noo nya

You're The OneWhere stories live. Discover now