CHAPTER 70

800 52 2
                                    

CHAPTER 70

Ako ba dapat yung magsorry? Eh wala naman talaga akong ginawa eh

Bakit parang ako pa yung nahihiyang lumabas? At magpakita sa kanila?

Mali ba ko?

Siguro nga Mali kasi nasagot ko nanaman sila, pero ako lang ba yung mali?

Di naman ako sasagot kung alam kong kasalanan ko talaga eh

Bakit di muna na nila ko pinakinggan?

Bakit di muna nila Inalam?

Bakit isa lang ang pinaniwalaan nila?

Bakit yung ibang tao pa? Kesa sa kapatid nila?

Ganon naba talaga ako ka Hindi importante,at simpleng paliwanag, di nila kayang pakinggan? At ibang tao pa ang paniniwalaan?

Si ice? Sabi nya di nya ko sasaktan? Pero bat ngayon parang iba na?

Yung mga kaibigan ko? Si angel? Ganon na ba talaga ako kasamang kaibigan, at simpleng Mali na di ko ginawa, sobrang hirap na nilang Hindi paniwalaan?

Yung chi na tinatawag nila? Sino ba sya?

Bakit parang kilalang kilala nila yun?

Ilang taon ba sila magkakasama at sobrang close nila?

Bakit ganon nalang yung trato ni ice, sa chi nayun?

Sila ba?

Daming tanong sa isip ko, at kahit isa don, ayoko ng sabihin sa kanila, kasi parang alam ko na ang sasabihin nila, ayaw ko ng masaktan, sobrang sakit na yung ginawa nila sakin,pano pa kaya kung sabihin na nila yung mga iniisip ko na sasabihin nila, shit pamatay yung sakit.

Sorry ah, kung sobrang babaw ko, mahina kasi ako eh, madaling Saktan, sabi kasi nila pagtatanggol nila ko, pero bat parang Sila na yung umaapi sakin?

Nanny, dada, uwi na kayo, yung bunso nyo, wala ng matakbuhan, gusto ko umiyak eh

Sana pala di nako pumayag na dito nalang tumira, gusto ko na umuwi sa probinsya, gusto ko na bumalik kay lola....

Buong araw ako Hindi lumabas ng kwarto, ni kain di ko na nagawa, at wala silang pake don, dati dati lang, lahat sila kakatok dyan sa pinto para lang kumain na ko

Para lang di magutom yung prinsesa nila...

Para may lakas yung bunso nila...

Papalabasin nila ko kase gusto na daw nila ko asarin...

Mga kuya.....

Pero may pasok parin ngayon, kahit anong sama ng loon ko kailangan ko paring punasok, di dapat maapektuhan nito ang mga grado ko, ayoko sila bigyan ng dahilan para magalit sakin, pinapaaral lang nila ko, at nandito lang ako para mag Aral. Yun lang!

Lumabas nako, at

Fucking shit, wala na sila, may nakadikit na sticky note sa ref, galing kay kuya red

"Umalis na kami, tagal mo kasi, nga pala, kung gusto mo kumain, magluto ka nalang o bumili ng iyo, may pera dyan, at di kami papasok ngayon, kakain kami sa labas, celebrate namin yung pag balik ni chi sa grupo"

Napangiti nalang ako ng pilit

Okay po naiintindihan ko, nasabi ko nalang sa isipan ko

Shit di ako sanay.
.
.
.
Shit talaga! Laki ng kasalanan ko putek!

Kahit wala sila, at masama padin ang loob ko, pinilit ko parin kumilos, mag aaral nalang ako,

Di na ko kumain, di ko din ginalaw yung pera dyan, ayoko na kunin yung mga binibigay nila,

nanny dada, uwi na kayo please?

Naglakad ako papuntang campus, ano ba akhira?dati mo na tong ginagawa, bat di ka na sanay? Lapit lapit lang eh, wag kang feeling prinsesa!

Narating ko yung campus na, sobrang tamlay ko, maski yung bati ni manong guard, di ko na napansin, siguro mamayang uwian, magsosorry ako kay kuya guard,

Ako naman yung laging nagsosorry eh.

.
.
.
Tama nga sila, di nga sila papasok, pati yung iba, yung may kaibigan nila kuya, si ice, si angel tas sila kuya, wala.

Whoa! Akhira! Kaya mo toh!

Malalaman din nila yung totoo. Wag ka nalang magsalita, di kadin naman nila papakinggan, hayaan mo nalang na sila yung makaalam,

Ewan ko lang, kung mapapatawad ko sila agad agad.sorry....

Dumaan ang mga oras, at tinuon ko nalang yung isip ko sa mga tinuturo,

pagdating ng lunch, gutom na gutom akong kumain ng mag-isa sa cafeteria, di ako kumain diba, feel ko nga magkakasakit nako eh.  Hirap pag sakitin, malipasan kalang ng kain, papahirapan ka ng tyan mong sobrang masakit.

Ng maguwian na, akala ko may kuya o ice na susundo sakin, para iuwi, pero ni isa wala, fucking hurts.

Ket isa lang,

O kaya kahit text o tawag lang, para alam ko kung susunduin nyo ko o Hindi.

Pero naghintay padin ako ng matagal don, halos ilang beses na nga kong sinabihan ni Kuyang guard na magtaxi nalang

Wala po kong pera, naubos ng ibili ko ng pagkain

Kahit malapit lang yung bahay, naghintay parin ako

At tae, bakit ngayon pa? Bat sumabay pa yung pesteng ulan?peste

Humanap ako ng masisilungan, kasi sobrang lamig ng hangin.

Sana di ako mag kalagnat.

Walang mag aalaga sakin .

Kailangan ko talagang makauwi ngayon eh, kasi kung hindi baka gabihin ako

Susunduin paba ko nila kuya?

Nilabas ko yung phone ko, at ni isa talagang tawag ay wala, bat ba ko naghihintay  sa  kanila?

Ttinawagan ko na sila lahat, ilang beses na, kahit sila ice, tinawagan ko na din, pero walang sumagot kahit isa.

Text, tawag na ang ginawa ko,

Kailangan nila kong sunduin, nakakahiya man pero kailangan

Kasi maglalakad ako, tas wala pa kong payong?

Asan na ba sila?

Ehhh

Mag gagabi na,

Tapos may mga tambay nadin dito sa mga pwesto ko, yung iba parang may masamang balak pa

.
.
.
Miss, san punta mo?

Eto na nga ba ang sinasabi ko eh!

Wag ngayon please?

Miss ganda, umuulan oh, gusto mo hatid ka namin?-sabi ng matanda na mukhang manyakis

Di ko na sila pinansin at matyagang naghintay parin...

Mga kuya please....

Miss ang sungit mo naman-sabi naman nung isa at hinawakan ang braso ko


Shit no!

Tinulak ko yun, at tumakbo palayo sa kanila at di na inalintana ang malakas na ulan

Di na nila ko sinundan kasi, mga lasing sila at natutumba tumba nadin

Tumakbo nalang ako ng tumakbo

Kasabay ng pagtakbo ko ang pag agos ng mga luha ko

Mga kuya sorry.......





 M 8 K.Where stories live. Discover now