Nasa Restuarant kami ngayon ni Ate Olivia. Kasama nito anak na si Takumi.
"Kailan mo ba sasabihin na anak ni Tim si JT?" Tanong ng Kapatid ni Tim. Si Tim ang una kung minahal. At una korin naging Boyfriend.
"Siguro sa tamang panahon,Ate Olivia."Sabi ko. Hindi ko alam kung mapapatawad pa ako ni Tim.Gusto ko mag paliwanag na hindi ako lumayo dahil niloko ko sya.Lumayo ako dahil nasaktan ako ng labis ng malaman kung nabuntis nya ang dating Girlfriend nito. Pero nang sabihin ni Ate Olivia na gawa gawa lang pala yun nang malditang Cheska na yun. Ang tanga ko naman kasi bakit hindi ko hiniyang magpaliwanag sa akin si Tim basta nalang ako umalis. Ang masaklap pa nakita kami ni Tim na nagkayakapan kami ng Kuya kong si Alfie. Ang akala ni Tim na lumayo ako dahil may iba raw ako.
Pero nagpaliwanag na ako kay Ate Olivia na kapatid ko yung niyakap ko. Pero na shock si Ate Olivia. Ang alam nila kasi na wala akong pamilya. Sinabi ko sa kanila na ulila na ako.Hanggang ngayon hindi parin alam ni Tim na may mga magulang ako.Sinabi ko narin kay Ate Olivia na ako na ang bahala mag paliwanag kay Tim.
"Lalo kang gumanda Baby Jane." Biglang sabi ni Ate Olivia.
"Hehe. Salamat Ate Olivia Kayo ngarin po eh." Sabi ko rin "Malaki na si Takumi." Ginulo ko yung buhok ni Takumi." May Girlfriend ka na ba?"Biro kung Tanong ko kay Takumi.
Ako ang nag aalaga kay Takumi nong bata pa ito.
"Wala po akong Girlfriend.Nine years old pa po kaya ako." Sabi ni Takumi. Bigla akong natawa.
"Bakit hindi mo sinama si JT?" Biglang tanong ni Ate Olivia.
"Gusto ko sana isama kaso nilagnat kasi si mama. Gusto ni JT na sya ang mag alaga sa Lola nya." natatawang sabi ko.
"How sweet. Gusto ko nang makita ang pamangkin ko picture lang ang nakita ko." Malungkot na sabi ni Ate Olivia.
"Huwag kayong mag alala Ate bukas pupunta ako sa inyo." Sabi ko
"Anong bukas? Wala na nga kami bukas diba? Ngayon na ang flight namin patungong Japan."
Ou nga pala.
"Ate baka po magalit si Tim sa akin kapag nakita nya ako." Sabi ko. Kaya kami nagkita ni Ate Olivia dahil hiniling nya na habang nasa Japan sila ni Takumi. Bantayan ko raw si Tim. Nong una hindi ako pumayag dahil nga kinasusuklaman ako ni Tim. Pero pumayag narin ako dahil gusto ko na magka ayos na kami.
"Kayanin mo. Alam ko na hanggang ngayon na mahal ka parin ni Tim naramdaman ko yun.Gusto ko rin na mag ayos na kayo kaya ginagawa ko to. Pero ito tanong ko sayo. Mahal mo parin ba ang kapatid ko?"
"Kahit kailan Ate hindi ko kinalimutan si Tim. Hanggang ngayon nasa puso ko parin sya. Mahal na Mahal ko sya, Ate. Kaya ako Nakipag kita sayo dahil gusto ko sabihin ang lahat at gusto ko rin humingi ng tawad sa inyo lalong lalo na kay Tim." Biglang tumulo ang luha ko.Nakatitig lang si Ate Olivia sa akin.
"Pero hindi ko alam na mapapatawad pa nya ako sa ginawa ko."
"Huwag kang mag alala maaayos rin ang lahat." Sabi ni Ate Olivia at bigla nya akong niyakap."Basta tatawagan kita at e kwento mo kung anong nangyari habang nasa bahay ka." Tumango lang ako.
Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag nasa bahay ako nila Ate Olivia habang kasama ko si Tim.Kahit ano pang sabihin ni Tim sa akin titiisin ko.
Gagawin ko talaga ang lahat. Si GOD na ang bahala.
HABANG TINatanaw ko ang bahay ng Alvarez. Lalong Bumibilis ang Tibok ng puso ko. Ang sabi kasi ni Ate Olivia umuwi ang kasambahay nila sa probinsya. Dalawang buwan raw ito mawawala.Nasabi narin ni Ate Olivia kay Tim na may nakuha na itong Katulong. Ang hindi alam ni Tim na ako pala ang ibigsabihin ni Ate Olivia na katulong.
Nagpaalam narin ako kay Mama at Papa na Dalawang buwan ako mawawala.Hindi ko sinabi na kung saan ako pupunta basta sinabi ko lang nag magbabakasyon ako.Dadalaw lang ako minsan sa kanila.
Simply lang ang suot ko pantalon at T-shirt at sapatos. Backpack lang ang dala kung gamit at maleta. Nanginginig ang mga kamay ko. Akmang pipindutin ko yung Doorbell pero biglang bumukas ang Gate.
"Honey. Babalik ba ako dito bukas?" Tanong ng Babae kay Tim. Hindi ko alam kung Girlfriend ito ni TIm . Nakakabwesit lang ang babae dahil parang wala ng pakialam sa damit nito parang kulang nalang maghubad sa harap ni Tim.
"Huwag kanang pumunta dito. Ako na ang pupunta sa apartment mo bukas." Sabi ni Tim. Nakatalikod kasi ito si Tim At ang babae naman ang nakayakap kay Tim habang hinahalikan ang labi ni Tim. Biglang may kumirot sa puso ko pero sinantabi ko na muna.
Bwesit. Hindi ba sila nahihiya? Sa labas pa talaga naghahalikan ah! Ang laswa tingnan.
Biglang lumingon si Tim.Kumawala si Tim sa pagkayakap sa Babae.Dahil nagulat itong makita ako. Muntik na itong matumba dahil sa pag kalas na pagtulak ni Tim. Mabuti nalang na hagip ang kamay nito ni Tim.
Buti nga sayo. HAHAHAHA.
"Mabuting umalis kana Lauren.Marami pa akong gagawin." Sabi ni Tim sa babae.Parang may galit sa mukha nito.
"Sige.Pumunta ka bukas sa bahay ah."naglalambing sabi ng nagngangalang Lauren. Tumango lang si Tim.
Pumasok na ang Girlfriend ni Tim sa Kotse nito. Kumaway pa ito kay Tim. Nang nawala na ang kotse ng Girlfriend ni Tim.
Bumaling sa akin si Tim. Tinitigan ako. Nasa mukha nito ang Galit. Bigla akong tinalikuran.
"S-Sandali." sigaw ko. Lumingon naman ito.
"What are you doing here?" Tanong ni Tim bahagya pa itong tumingin sa backpack ko at maleta ko.
"A-Ako ang K-kinuha ni Ate Olivia na katulong nyo." Mahinang sabi ko.
"What?"Gulat na sabi ni Tim. "Umalis kana may nakuha na akong iba." Tumalikod na si Tim nag simulang humakbang.Hinabol ko sya. hinawakan ko yung braso nya.
Iniwakli nya yung kamay ko.
"Don't you dare Touch me." Galit na sabi ni Tim. Napaatras akong bigla.
Ibang Tim ang nakita ko. Malaki talaga ang naging kasalan ko sa kanya?.
"Please umalis kana.Hindi ko na kayang makita ang babaeng sumira sa buhay ko."
"S-Sorry pero hindi ko magagawang umalis. Nangako ako kay Ate Olivia na ako ang kapalit ng katulong nyo. Maawa ka naman! Kailangan korin ng pera." Pagsisinungaling ko. Tae wala na akong magawang matino. Tss. Kung kinakailangan kung magsinungaling gagawin ko. Para lang tumira ako sa bahay nyo Tim.
NOTE:
Nagawa ko tong istorya nato dahil.. Wala lang naisip ko lang.. HAHAHA..
Subaybayan nyo nalang ang istorya nato..
TImothy And BabyJane..
Taecyeon- Timothy Alvarez
GUi- GUi- Baby JAne Cantilan..