simula

19 5 0
                                    

The driver
_____________

Tanaw ko ang papalubog na araw mula sa bundok ng maluyat. tanda na mag hahari na ang dilim sa aming probinsya ,nandito ako ngayon nakaupo sa natumbang punong kahoy pinagmamasdan kung gaano kaganda ang kalikasan at kung gaano tayo kaswerte at ipinagkaloob ng diyos iyon saatin.

ngunit eto tayo mismo ang gumagawa ng ikakasira nito
Bumuntong hininga ako at tumayo na sinulyapan ko ulit ang tanawin sa aking harap ,mamimiss ko ang lugar nato,tumalikod na ako at nagsimulang bumaba ng bundok

"Henessah!"rinig kong sigaw ni nanay galing sa aming bahay

Binilisan ko ang paglalakad papuntang bahay dahil nasisiguro kong sermon nanaman ang abot ko kay nanay,

natanaw ko na ang aming munting bahay kita ko mula sa kinatatayuan ko ang galit na galit kong nanay "eto nanaman po tayo" bulong ko sa aking sarili bago lumapit kay nanay kurot agad ang isinalubong nya saakin.

"Ano kabang bata ka! diba sabi ko sayong ayusin mo na ang mga gamit mo at maaga kapang luluwas ng syudad bukas?"pasigaw na sambit ni nanay,bumuntong hininga ako at tumango.

"Opo nay"tipid na sagot ko lamang sakanya at saka nagtungo saaking silid nakita ko ang aking maleta sa ibabaw ng kama inilabas pala ni nanay iyon mukhang mas excited pa si nanay kesa saakin

kakagraduate ko lang sa maliit na unibersidad dito saaming probisya at kaagad akong nakatanggap nang imbitasyon na lumuwas sa syudad at mag trabaho bilang nurse sa isang malaking ospital nagulat pa ako nuong una dahil di ko akalaing ma aalukan ako ng trabaho sa ospital na iyon kung kaya't tuwang tuwa si nanay at tatay ng ibalita ko sakanila ito

nag dalawang isip pa akong tanggapin iyon sapagkat wala naman kaming kamag anak duon na pupwede kong tirhan, mapapagastos pa ako kung sakaling uupa ako sa isang apartment.

pero laking pasasalamat ko at nag ofer si dean na duon ako tumira sa condo ng pamangkin nya,nahihiya pa akong tanggapin iyon ngunit sabi nya ay wala namang daw tumitira duon dahil nag migrate na ang pamangkin nya sa ibang bansa kung kaya't sa huli ay tinanggap ko rin ang alok ni dean makakatipid pa ako kung sakali.

Kinabukasan ay maaga akong nagising upang kumain at maligo kailangan kong mahabol ang huling bus na aalis sa probinsya namin ngayong araw

naligo na ako at nag bihis suot ko ang simpleng pantalon at puting tshirt nagsuot din ako ng sapatos at cap tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at huminga ng malalim

marami rami narin ang nagparamdam ng pagkakagusto saakin dito saaming probisya di naman bago sakin iyon parehong maganda at gwapo ang aking mga magulang nakuha ko ang aking mukha kay nanay maliban sa kulot nyang buhok bagsak at tuwid ang aking buhok galing ito kay tatay itim na itim din ito marami rin ang nagsabing papasa raw akong artista ngunit ang pangarap ko talaga mula pa nuon ay ang maging isang nurse.

naalala ko pa ang kalaro ko nuon na si Bianca nagpapangap syang may sakit upang kunware ay gamutin ko sya natawa ako saaking naalala wala na nga pala si Bianca dito umalis sila ng kanyang tiya matapos mamatay ng kanyang ina dahil sa sakit nuong kami ay pitong taong gulang palamang di ko na sya nakita pang muli simula noon.

tumayo ako at kinuha na ang aking maleta at lumbas na ng bahay nandoon na naghihintay si nanay at tatay sa tricycle na inarkila nila upang maghatid saakin sa terminal ng bus.

"Sumakay kana Nessah"sambit ni tatay ,sumakay naman ako at umandar na ito papaalis tanaw ko ang papalayong bahay namin nalungkot ako sapagkat mamimiss ko ang bahay na iyon, mahigit trenta minuto din ang naging byahe namin papuntang terminal sabay na bumaba sila nanay at tatay upang ihatid ako sa bus na aking sasakyan

Flames of the night(EL VENTURI SERIES#1)Where stories live. Discover now