CHAPTER 3.1

791 26 4
                                    

NAG-IWAS ng tingin si Jared dahil, binigyan lamang siya nang malamig na tingin ni Georginia. Inabutan niya ito ng juice pero sumimangot lamang ang mukha nito at tinaasan siya ng kilay. Alam niyang may pagka-spoiled-brat si Georginia mula pa noon pero ang paggawang tahimik nito ay nagpa-ilang sa kanya.

“I will not staying here with you, Jared,” naisaad sa kanya ni Georginia bagay na ikinatitig niya rito.

“Hindi ko alam kong ano ang koneksyon mo kay Kuya Greg. But you can’t fooled me. alam kong kaya ka lumalapit sa pamilya ko para mapagaan mo ang loob ko. Well, sorry to say it. I’m not interested anymore,” derektang dagdag ni Georginia bagay na ikinaseryoso kaniyang mukha.

Umigting ang kaniyang panga at saka bumuntonghininga.

“That’s not what you think Jo,” tanging sabi niya bagay na ikinatawa ng pagak ni Georginia saka nag-cross-arms ito.

“Oh, really? So, you doing this because you want to apologized again and asking for my forgiveness. Am I right Mr. Gedotti?” sarkastikong tanong sa kanya ni Georginia.

Tumiim ang bagang ni Jared na kahit masakit ang salitang naririnig niya sa dalaga ay nagawa niyang ngumiti rito at balewalain ang mga sinasabi nito.

“Jo, handa akong magpaalipin sayo, handa kong tanggapin ang lahat ng masasakit na salitang ilalabas mo. . . tatanggapin ko rin kahit na susungitan mo ako at tatarayan. Just forgive me for what I’ve been done before,” sinserong saad niya sa dalaga.

“Really, huh? Sige kung ’yan ang gusto mo, Mr. Gedotti. Lumuhod ka ngayon din sa harapan ko.”

“Jo. . .”

“Lumuhod ka, simpleng bagay.”

Hindi nakaimik si Jared, nagkuyom siya ng kamao.

“Hindi mo magawa?” naghahamong tinig ni Georginia kaya naiyukom niya lalo ang kaniyang kamao at nagkunot-noo.

Paalis na sana si Georginia pero walang pag-atubiling lumuhod din si Jared bagay na ikinatigil ng huli.

“As I had said, Georginia. . . handa kong gawin ang lahat, handa kong tanggapin ang lahat ng gusto mo. Just stay here, hayaan mong makabawi man lang ako sa mga nagawa kong katarantaduhan sayo. I'm not asking for a forgiveness Jo. Okay lang kung hindi mo ako mapapatawad. Okay lang, but please. . . stay!” malinaw at malumanay na pakiusap ni Jared.

“3 years na kitang hinanap, Jo. Ginawa ko ang lahat kahit pa na sa pagkikita nating muli ay kamuhian mo ako at ipagtabuyan pa. Wala akong pakialam kung paulit-ulit mo akong saktan at pagsalitaan ng masa---” naputol na saad ni Jared dahil mabilis na dumapo ang kamay ni Georginia nang malakas siya nitong sinampal.

“Enough! Tumayo ka riyan!” galit nitong sambit.

Ngumiti lamang si Jared ngunit makikita sa mga mata niya ang sakit, lungkot at pagsisisi.

“Saka na ako tatayo rito kapag pumayag ka na sa pakiusap ko, Georginia. Stay and let me express how I sincered into my words, Jo.”

Hindi man naghahamon ang tinig ni Jared ngunit, dahilan iyon para lalong sumama ang mukha ng dalaga nang tumitig ito at galit siya nitong muling sinampal bagay upang mabaling sa ibang direksyon ang kaniyang pisngi.

“Crazy! Tumayo ka riyan Jared! Hindi ka nag-iisip! What the h*ll is happen to you? Are you that kind of stupid, para sumunod sa gusto ko?” nanggagalaiting sigaw sa kaniya ng dalaga.

Dahan-dahang tumayo si Jared na may pilit na ngiti sa labi habang nakatitig dito. Walang-wala ang sampal na iyon kumpara sa nagawa niya. 

“Ayos lang sa akin na sampalin mo ng paulit-ulit, kaysa lagi na lang akong bangungutin dahil sa kasalanan ko sayo. Mas gusto ko pang hatulan ng bitay kaysa hindi mo ako kausapin at—” muling paghinto nito ng pinatigil na siya ni Jo.

“Stop it! Ayoko nang marinig pa ang sasabihin mo. I-I’ll stay! Hi-hindi naman ako puwedeng umuwi agad dahil malayo. Stupid!” iwas tugon nito at agad na tumalikod sa kaniya.

A smiled form on Jared's lips at dahil sa tuwang nadarama nito ay naiyakap niya nang mahigpit ang dalaga bagay na ikinagulat at ikinanlaki ng mga mata ni Georginia. 

Masaya si Jared. Kahit papano dahil, sa paraang iyon ay hindi na siya pagtaguan pa ni Jo. Alam niyang maliit na lamang ang tyansa niyang mabalik ang dating kislap ng mga mata nito gaya ng dati sa tuwing kaharap siya.

“Ako na ang magdadala ng gamit mo sa kabilang kuwarto,” pag-iba niya sa usapan nang tumahimik ang pagitan nilang dalawa.

Tumango lamang bilang tugon si Georginia saka siya sinundan lamang ng tingin nito. Sa ilang segundong nakalipas bago pa man siya tuluyang makalabas ay narinig niya ang boses ni Georginia at may kausap ito sa cellphone.

Hindi ito galit. Malumanay ito kung magsalita at may halong paglalambing bagay na ikinatigil niya saglit bago sumimangot ang kaniyang mukha.

“I'm sorry, honey. You knew how I been busy. I've aplogized for not calling you. I'll Promised, I won’t stay here too long. I already missed you that’s why I want to go home.” 

Kunot-noo, habang pinapakinggan ni Jared ang pag-uusap nila at kung sino man ang katawagan nito. Gusto na niyang labasan ito ngunit, parang may pumipigil sa kanya. 

“Yeah! yeah! I promised that. Bye, I love you. Don’t let your back get sweat okay, I hang up this now!” patango-tangong tugon ng dalaga.

Nagtangis ang panga ni Jared. Pakiramdam niya ay may bumara sa lalamunan niya at hindi maintindihan ang pakiramdam. Matapos mag-usap ng dalawa ay saka naman siya humakbang palapit kay Jo. Nagtatanong ang mga mata nito pero hindi niya magawang ibuka ang bibig para magsalita. 

Sa sandaling iyon ay nagulat si Georginia nang malingunan si Jared at nakaharap. Tila tinakasan siya ng dugo nang mabungaran ang binata. Pakiramdam niya ay may gusto itong sabihin kaya kinakabahan na siya. Palihim siyang napabuga ng hininga at pilit na nilalabanan ang nagbabaga nitong titig.

“Ka-kanina ka pa ba riyan?” naitanong niya.

Seryoso lamang ang mukha ni Jared at bahagya nitong inabot ang pitsel na may lamang tubig bago isinalin ito sa baso at saka uminom bago siya tinitigan ng binata.

“Sino ’yun, boyfriend mo?”

Napatunganga si Georginia at tila nabigla sa naitanong ni Jared. 

“Huh? ahm yeah! tumawag lang siya para kamustahin ako,” kaagad niyang sagot bagay na ikinangising mapakla ni Jared.

“Good for him, mukhang mahal ka niya. Sige, maiwan na muna kita. Tutulungan ko pa si Mang Wando, sa pagluluto ng mga nahuli naming isda,” pilit na ngiti nitong sabi at hindi siya hinintay pa na magsalita dahil, tumalikod na ito at humakbang palabas ng bahay.

Napahinga nang maluwag si Georginia saka napatitig sa screensaver ng kanyang cellphone. Napakagat-labi tuloy siya. Hindi niya inaasahan ang muli nilang paghaharap ni Jared. Kumpara dati, malaki na ang nagbago kay Jared. Parang mas nakakatakot ang bawat pagtitig nito at hindi siya komportableng kasama ito.

A/n: Hello there! Kamusta kayo?

Sa ngayon CHAP.3 Muna😁 Hindi ko alam kung kailan uli ako mag-u-update. Pero, kahit na ganun. Kindly drop your username. 

Please don’t forget to vote, comment and follow.

Lovelots!

Obsession Series 3: Georginia GustavTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon