Prologue

271 14 7
                                    

Prologue


"Gising na Naya"

Pukaw ng kanyang mama. Inaantok pa siya ng iangat niya ang kanyang ulo at tumango sa kanyang ina.

"Maligo ka na at baka ikaw ay mahuli sa Graduation mo" utos nito na may pagpapaalala.
Nang maranig ang sinabi ng kanyang ina ay biglang nagising ang katawang lupa ni Shanaya. Graduation day! Dali-daling pumunta si Naya sa banyo upang maligo at ng makapaghanda narin. Ito ang ang araw na pinakahihintay ni Naya, ang araw ng kanyang Graduation sa High school. Hindi naman siya excited na sa wakas ay natapos na niya ang apat na taon na puno ng pasakit at mahabang puyatan sa paggawa ng mga projects at assignments, sa katunayan pangalawa lang iyun kung bakit siya excited. Ang totoo niyan excited siya sa sasabihin ng kanyang long-time crush na si Icen sa kanya.
Matagal ng hinihintay ni Naya ang araw na ito dahil sa wakas malalaman na niya ang sasabihin sa kanya ng my love niya. Kinikilig na nga siya eh. Paulit-ulit kasing sinasabi ni Icen na may sasabihin siyang ikakagulat ng lahat after two years, e sa huling araw na iyun ng pasukan noong second year sinabi ng binata sa kanya, kaya tinantiya na niyang sa Graduation ang BIG DAY. Kaya super excited na siya.


Ang totoo niyan 'di niya naman type itong si Icen my loves niya eh. Sa katunayan nga niyan eh, ay inis na inis siya sa kapreng iyun eh! Hello! Hindi kaya sila friend noon at bigla lang itong tinukso si Shanaya na napakaliit ang pasensiya kapag inaasar. Pakialaman ba lahat ng makikita niyang bagong mga gamit niya? Pati bagong new friend na boy hindi siya tinatantanan ng mahaderong kapre! Kaya na inis na talaga siya ng bonggang-bongga. Hayun na nga "THE REST ARE HISTORY", hindi niya na namalayang mahal niya na pala ang kapreng iyun! Haiii pag-ibig nga naman bigla nalang dumadating. Hindi naman popular ang my love niya, weird kasi, peru marami namang ibang schoolmates at classmates niyang nagsasabi na cutie siya, dagdag pogi points na ang pagka six footer nito, maputi at ayun na nga cutie siya. Sa katunayan nga kasundo ni Naya ang family nito kaya feeling niya boto ang mga ito sa kanya. At feeling niya magtatapat na ito ng tunay niyang feelings para sa kanya.
Grabeh! Nakaka-excite naman!


"Hoi!"
"Anak ng pusang mataba!"


Nasapo niya ang dibdib sa pagkagulat at huminga ng malalim. Ano ba naman itong si Jolly may balak pa atang patayin ako sa pagkagulat! Mahulog kaya ang puso ko? Masasalo mo ba?


"Ano ba naman Jolly manggulat ba?!"
"E sino ba kasi iyang hinahanap mo't para kang pusang hindi makaanak diyan?"
"Wala" maikli niyang tanong.


Hinahanap ni Naya si Icen. Hindi na kasi ito mapakali sa kung ano ang mangyayari mamaya. Malakas na ang tibok ng puso niya kahit 'di pa nakikita ang binata.


"Ai ang lola marunong ng magsinungaling" akusa nito na may panunukso "Ang sabihin mo hinahanap mo lang ang Ice Ice baby mo. Ano na? naabot na ba ng radar mo ang my love mo?"
Inirapan lang niya ang kaibigan.


"Jolly kung wala Karin lang namang maitutulong sa akin mabuti pang hanapin mo na lang ang "YOUR INSPIRATION" na si Palito!"


"Paolo no! hindi siya Palito tiyaka ang gwapo-gwapo kaya ng MY INSPITATION ko nuh"


"Whatever!"


Alam niyang ito lang ang makakapagpatahimik sa kaibigan niya. May gusto kasi ito sa first honor ng batch naming si Paolo Castillo. Isang genius na guy na cutie din naman kahit medyo masungit, na palaging deadma, na kapwa honor lang ang kaibigan, na tahimik. Ah Ewan! Pakialam niya ba sa love story ng kaibigan niya, happy na siya kung saan happy ang kaibigan niya.


"Oh ayan na pala si my love mo eh.. ehehehe"


"Asan?! Asan?! Asan?!"


"Hayun oh!"

When True Love Attacks (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon