Tapusin.

7 3 0
                                    

Nais ko nang tapusin, ako'y gisingin,
Bangungot na ito sa aki'y alisin.
Araw, linggo, taon man ang dumaan naiwang marka ay narito pa rin
Kahit pag pikit ng mata mga luha'y nagbabadya,
Sa bawat umaga, mapanghusgang mga mata sa aki'y kumukumusta,
sa pagtung-tong ng gabi, karumaldumal na pangyayayi ang na aalala,
Pinilit aliwin ang sarili ngunit sa bawat tabi ala-ala ng kahindik hindik na pangyayari wari'y nakikita.
Nais ko mang ibaon sa limot ngunit, yaong mga marka sa akin ay naging mantya
Tila ako ay nakagapos, sa ligaya ay kinapos
Nais kung isantinig ang mga paghihirap sa aking yata'y tatapos
ngunit mata'y ayaw mangusap.
Luha lang ang syang uusad
Ayaw magsaysay dila ay umurong na't tila naging paos sa tinig ay kinapos.
nais ko ng tuldukan ang malagim na

katotohanan-------

na ako'y biktima ng karahasan,
'wag sanang husgahan.

BANTA(s)Where stories live. Discover now