Prologue

18 2 0
                                    

Felix P. O. V

"Tan! Saan ka na pupunta? Samahan mo muna akong mag slide!" sigaw ko kay Tan habang lumalakad sya papalayo.

"Master kailangan na po nating umuwi." Hindi man lang sya lumingon sa pag tugon sa akin, sige lang sya ng lakad at sinusundan ko naman sya papalakad. Ang bilis naman neto!

"Tan sigi na.... hindi naman nila malalaman kung hindi mo sasabihin, diba?" nag buntong hininga sya at napailing.

"Kayo na lamang po ang maglaro, uuwi na lamang po ako." tugon nya sakin, ngayun naman ay lumingon na siya.

"Huh?bat ka naman uuwi? Hayst! Ano ba naman to." tanong ko sa kanya dahil hindi naman ako pwedeng mag laro ng mag isa.

"Uuwi po ako at pag tatakpan nalang po kayo." sarkastikong tugon nya at napabuntong hininga nalang ako. Iba talaga mag isip si Tan, sya palang din ang nagiging kaibigan ko, kakalipat lang kase namin kahapon. Si Tan ang naka assign na maging butler/bodyguard ko. Tatay niya din kase ang butler ni Dad. Akalain mo yun? Ang bata panamin, pero siya ay batak na sa mga pagsasanay.

"Aba! Sigi na umuwi kana! Training ka kase ng training, wala kana tuloy lakas sa pag lalaro"

Sabe ko sakanya habang nag lalakad ako papalayo. Tignan mo toh seryosong seryoso, kaya ko naman ang aking sarili ehh. Sa katunayan hindi ko naman kailangan ng butler. 

"Sandali po, master akin na po ang dala niyong jacket, I-uuwi ko na din po para hindi na kayo mabigatan!" sigaw nya saken, malayo nadin kase ang nalalakad ko. Tumigil ako sa pag lalakad saglit at nilingon ko siya.

"Huwag na, umuwi ka nalang. Babalik ako kaagad kapag nakapag slide na ako" tugon ko sakanya habang tinalikuran siya.

¯\(ツ)_/¯

Hayst! Sino naman kaya ang pwedeng makalaro dito? Puno ang slide at ang swing!

" Ano bayan! Dapat ay umuwi nalang ako eh..." nag sisising bulong ko saaking sarili. Nilapag ko ang jacket ko sa bench na malapit sa puno at naupo narin. Hinihintay ko din na umalis ang ibang mga bata sa slide. Maya-maya ay may napansin akong papalapit na batang babae. Papunta ba siya dito? Oo nga papunta siya saaking direksiyon. 

"H- hi.. C- can we be friends?" Nahihiyang tanong nya habang nakataas ang kamay na parang makikipag kamay. Nakipag kilala nalang din ako sakanya, dahil napapansin ko din na umuunti na ang mga nag lalarong bata.

"Oumm!" tango ko habang nakangiti at inabot ang kanyang kamay.

"Ako nga pala si Felix Akayane, ikaw?" dugtong ko.

"A- ako... N- nga.. Ahhh!" natigilan sya ng may nakabunggo sa kanyang isang batang umiiyak na tumatakbo palabas ng bakod.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko, pero halata naman siguro na hindi sya ayos.

"Tara sa slide nalang tayo." dugtong ko para hindi siya umiyak, baka kase umiyak at mag ingay pa sa harapan ko.

-----^_^-----

Nag punta na kame sa slide pero may mga bata parin, parang andame naman namin ngayun! Ano ba ang meron kapag linggo?

"Gusto mo pa bang mag slide? parang andameng bata ehh" Tanong ko sakanya pero hindi naman siya sinagot.

"Alam mo umuwi nalang tayo, hapon na din kase" sabi ko sakanya dahil napaka boring niya.

Napatigil ako sa pag lalakad ng hinawakan nya ang laylayan ng polo ko. Tinignan ko sya ng maigi pero hindi ko padin maintindihan ang gusto nyang sabihin.

"Bakit? Mag salita kanaman kase..." sarkastikong sabe ko sakanya. Nakakairita din kase ehh! Ano ba toh charades? Well, I don't have time for this kind of game.

His Deepest secret- Our ChildhoodWhere stories live. Discover now