September 30,2020
Lungkot.Hinagpis.Puot.Katarungan,at Panghihinayang ang mga namumutawing emotions ng mga taong nag mamahal sa Taong unti-unting binabaon sa lupa.
Iyak,gagulgol,katanungan, at galit ang masasaksihan mo sa huling araw na ang iyong taong katawan ay aming maaaninag.
Malayo sayo ako ay nababaliw sa aking nasak-sihan at bumubulabog sa aking isipan, at tanging katarungan mo ay aking inaasam.
Lahat tayo ay may kakayahan makita ang tama sa mali, pero papa-ano kung maipit ka sa iyong pag pipilian.... na ang tama ay kailangan gawing mali ?
Kaibigan o kadugo ?
Mahal mo o buhay mo ?
Katarungan o pangangailangan ?
Salita o katahimikan ?
Mga pag pipilian na hindi ka kino- konsindera tanging konsensya ang possibleng makasama hanggang sa huling hininga.
Walang luha sa akin' mga mata tanging sakit at bigat sa dibdib ang tanging nadarama. Masayang ala-ala natin ay mananatili sa aking ala-ala. Mga masasayang araw ay mapapalitan ng bangungot na sa akin ay gigising sa umaga. Pangakong ipagtatanggol at hindi iiwanan ang bawat isa ay parang nakasulat na lamang sa papel na kahit anong oras at panahon ay pweding sunugin, o piliin na pangatawanan at pang hawakan.
Isang oras mahigit na ako ay nag mamasid, at hindi ko makayang ikaw ay lapitan dahil sa salitang nakaharang na pumipigil sa aking mga paa na humakbang, ito ay ang salitang Traydor.
Patawad kung bukas hindi kita kayang ipag laban
Patawad dahil pwedi kitang ipag kalulo sa batas
Patawad kung pipiliin kong mag bulag-bulagan
Peroo salamat dahil naging tunay kang kaibigan...Bago pa man ako makita ng mga tao ay umalis na ako sa aking kinatatayuan papunta sa taong kayang kumitil ng aking buhay.
"Pumasok kana" ma awtiridad nitong utos.
Bago pa man ako tuluyan pumasok sa puting van ay muli akong sumulyap sa lugar kung saan naka lagay ang iyong lapida....
Pero ang iginatawi kong sulyap ang nag pawala sa aking malay.
'Hannah?'
To be continue...
YOU ARE READING
Sue For Peace
Mystery / ThrillerMaraming kababalaghan sa mundo, pero ang masaksihan ang karumal dumal na pangyayari sa taong mahal mo na bestfriend mo ay hindi kailanman ka tanggap-tanggap. Pero papa-ano kung ang hustisya na hinihingi nito ay may kaakibat na kapalit ? Makakaya mo...