CHAPTER 2

5 3 0
                                    

CHAPTER 2

"Didiretso ka pa ba sa library miss pres?" Tanong ni Nikolai, Vice President namin.

"Hindi na, walang namang assignment ngayon. Ikaw ba?"

Hindi ko na namang maipagkakaila na may itsura ang isang to kaya maraming babaeng nagkakagusto "Hindi na rin, nagbago na isip ko hehehe" gwapo nga mukhang isip bata naman tsk!
"Uy, cr muna ako, sandali lang" sabi ko sabay tapik sa balikat niya
"Samahan na ki-"
"Sa cr!" Nanlaki ang mata ko. Seryoso ba siya? Mukha namang nahiya siya kaya nagiwas tingin

Pinagsawalang bahal ko na lamang ito at dumaretso na sa cr

Unfairness rin sa school nato kahit public ay palaging malinis at malaki ang cr, parang nasa private

Palabas na sana ako ng cubicle nang biglang akong nakarinig ng halikhik ng babae na animoy parang tuwa tuwa " ano naibigay mo ba sa kanya, ha girl?"

"Oo"

"Hehehe madali lang palang kausap yang manliligaw mo"

"Anong manliligaw? FYI hindi ko siya pinayagan na ligawan ako desisyon niya yo at isa wala rin akong planong maging boyfriend yun no! Ang pangit kaya niya ewwww!"

Kung hindi ako nagkakamali kay Saint ang boses na yon. Ang bruhang yon ano nanaman kaya ang pinapagawa niya kay Can

Hinintay ko munang makalabas sila bago ako lumabas sa cubicle

Kaylangan kung puntahan si Can at sabihin sakanya yun

Tatlong katok bago ako pagbuksan ni Tita Amanda, nanay ni Can. Malapit lang ang bahay nila sa bahay namin, siguro mga tatlong bahay ang pagitan " Hi ta, nandyan naba si Can?"

"Oo, kanina pa" nakangiting saad niya

"Pwede ko po ba siyang makausap?"
" Ay ano kaba, syempre naman oo. Nandon siya sa kwarto niya , puntahan mo nalang at maglilinis ako dito"

"Sige po, thank u"

Tumungo ako sa kwarto, hindi na ako kumatok nasanay na akong pumasok rito eh

Naabutan ko siyang maraming ginagawa, siguro ito yung pakulo nung bruha "Kay Saint yan no?"

"Oh! Nandito ka pala. Oo Kay Saint, mga projects niya, ako ang gagawa para sa kanya"

" Can ilang beses ko bang ipapayo sayo na ginagamit kalang niya"

"Hindi niya ako ginagamit, Pres. Nagpapatulong lang siya ano kaba"

" Nagpapatulong? Eh kulang na ngalang ikaw ang gumawa ng projects ng buong klase nila!" Sa puntong ito hindi na ako nakapagtimpi, bakit niya hinahayaan ang sariling gamitin ng bruhang yon

" Kung yon ang paraan mapansin nya ako, bakit hindi?"

" Naririnig mo ba yang sinasabi mo? Nagpapakatanga ka para lang sa babae na yon!"

"Wag mong nila-lang ang babae na yon dahil ang babaeng yon ang gusto ko. At ano kung magpakatanga ako, pakialam mo ba?"

" Paki alam ko? Best friend mo ko!"

"Yun na nga eh! Best friend lang kita pero kung makaasta mas sobra ka pa kay mama!"

"Nagagalit ako kasi mali kana!"

"Wala kang pakialam! Dapat nga sinusuportahan mo ko!"

Kung susuportahan kita mas lalo lang akong masasaktan

"Bakit kita susuportahan sa katangahan mo!"

"Tanga na kung tanga!  Mahal ko siya!"

"Pano ako!?"
Isang hindi makapaniwalang tingin ang ibinigay niya sakin

BEST FRIEND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon