Tayo Na Lang Ulit?

14 1 1
                                    

Dali-dali akong nagtungo sa pinto nang marinig ko ang doorbell. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang kaibigan kong si Fiona. Nakaayos ngayon ang gaga. She's wearing backless top paired with a skinny jeans and 4-inches heels. Ang kapal pa ng make-up. May birthday party kasi kaming pupuntahan.

I am wearing a black halter crop top. Tinernuhan ko ito ng black skirt and heels. I also wore make-up but hindi kasing kapal ng kay Fiona.

"Ano? Ready ka na?" Tanong niya sa akin.

"Wait, kunin ko lang phone ko," paalam ko sa kanya.

I left the door open while I fetched my phone. Bumaba rin naman kami pagkasara ko ng pinto ng unit ko.

"By the way, darating daw ex mo mamaya," basag ni Fiona sa katahimikan nang nasa sasakyan na kami papunta sa party.

"Who?" I asked.

"Si Michael. Darating mamaya," ulit niya.

When I heard his name, my heart skipped a bit. Matagal ko nang hindi naririnig ang pangalan niya simula nang magbreak kaming dalawa.

"Pake ko naman sa kanya," irap ko sabay tingin sa bintana ng sasakyan.

"Naku, 'wag mo akong pinagloloko, Noelle. Alam kong may pake ka pa sa kanya."

It's true but 'di ko aaminin sa kanya. "Wala na. Matagal ko na siyang nakalimutan."

"Siguraduhin mo lang. Baka mamaya isang tawag niya lang sa pangalan mo bumalik ka na agad sa kanya. Nanginginig pa. Kukurutin ko talaga singit mo," banta niya.

"Duh, 'di kaya ako ganun karupok," deny ko kahit alam kong napakalayo nun sa katotohanan.

"Ingatan mo puso mo, Noelle. 'Di naman kita pinipigilang maging masaya pero nakita ko na kung paano mo siya iniyakan noon. Ayaw ko nang maulit 'yon. Kung gusto mo man siyang balikan, pahirapan mo muna. Huwag kang marupok, gaga," paalala niya.

After nun ay nanahimik na lang ako hanggang makarating kami sa bahay kung saan gaganapin ang party. Everyone was already having fun nang pumasok kami. May mga nag-iinuman at sumasayaw sa dance floor.

Binati namin lahat ng kilala namin while looking for the celebrant. Birthday kasi ng pinsan ni Fiona. At bestfriend ng pinsan niya si Michael kaya siguro invited siya.

"Happy birthday, Cedrick!," bati namin sa kanya nang mahanap na namin siya. Niyakap ko siya.

"Uy, salamat sa pagpunta," sabi niya sabay yakap pabalik.

"Couz, bukas na gift namin sa'yo. 'Di kami nakabili, eh," tawa ni Fiona.

"Kahit wala na. Okay na sa akin na nandito kayo ngayon." Ngumiti pa siya.

"Sure ka? 'Di ka na namin talaga bibilhan," asar ko sa kanya.

"Ay, joke lang. Bilhan niyo pa rin ako." Tumawa siya. "By the way, nandoon ex mo, oh," sabi niya sabay turo sa isang lalaking nakikipag-usap sa isang babae. Tatawa-tawa pa sila.

Napatingin ako doon. My heart beats fast nang makita ko ulit siya. It still feel the same katulad noong nakikita ko siya noon but may kasama ng kirot ngayon knowing na wala na kami. He looked so dashing with his black longsleeves tucked in his pants. Mas lalo siyang naging gwapo ngayon. Mas lumaki ang built ng katawan siya. Tumangkad siya ng konti. Iyong ngiti niya nakakaloose thread pa rin ng panty.

Bigla niyang ibinaling ang kanyang tingin sa direksiyon ko. Siguro'y naramdaman ang aking patitig sa kanya. Kita ko ang gulat sa kanyang mukha pero mabilis rin iyong napalitan ng ngiti. Ngumiti siya sa akin na para bang hindi kami nag-away noong huli naming kita. Ngumiti rin ako sa kanya pabalik.

Tayo Na Lang Ulit?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon