Tayo.Minsan isang pustura, ngunit minsan ito'y isang salitang ginagamit kung magtatanong. Ano nga ba tayo? Ano nga ba tayo? Meron bang tayo?
Tumitingin sa kawalan habang rinig ang malakas na sigawan ng tao. Ramdam ko ang saya at kilig nila sa nasasaksihan. Samantalang ako, heto, nag-iisa at nagtataka. Bakit ganito? Ano bang ginawa ko noon para maramdaman ang lahat ng ito? Putangina lang eh.
"Dude, congrats!"
"Sabi ko na ng aba eh! Congrats, gago!"
"Aniza! Hindi ka man lang nagsabi! Haha!"Ininom ko yung alak na hawak ko. Ang pait, sobrang pait. Pero wala pang mas sasakit pang makita ang taong mahal mo nasa piling ng iba.
"Welcome, bro! Punta ka, ha? Abangan kita doon!"
"Babe!"Ang lambing ng kanyang boses ay walang katapat sa agresibo kong boses at pananalita. Walang wala ako sakanya, walang wala ang lahat ng akin sakanya.
Painom pa lang ulit ako ng may tumawag sa akin. Napatigil ako at lumingon kung saan nanggaling ang boses na iyon.
"Shien, anong ginagawa mo jan? Halika dito, may papakilala ako sa'yo!" aniya.
Tarantado talaga ito. Heto na nga't nasasaktan ako sa nangyayari sa paligid ko, bigla bigla akong ipapakilala kahit kanino
Ngumiti ako ng pilit, "Mamaya na, mas masarap hangin dit- "
"Sige na, Shien! Pagbigyan mo na ako." Papilit niya.
"Ayaw ko nga, dito lang ako."
"Isa..."
"Ano ba, ayos lang talaga."
Aba't iba talaga...
"Dalawa..."
"Tangina ka, hindi nga sabi eh."
"Tatl - "
Putangina nito."Ang kulit kulit Enzo ano ba?! Hindi nga sabi eh!" Iritado kong sabi sakanya.
"Shien..."
"Tangina naman kasi, Enzo. Ayos na nga ako dito, ano pa bang gusto mong gawin at sabihin sa akin? Ano pa bang gusto ipamukha sa akin?"
"Hindi naman sa gano-"
"Anong hindi? Tangina, Enzo! Alam mo naman siguro bakit ako gan'to hindi ba? Alam mo kung bakit na kahit ang lapit natin, kahit nasa iisang lugar tayo, lumalayo ako dahil hindi ko kaya..." Garagal kong sabi. "Hindi ko kayang makita ka na kasama siya, kasama ang taong mahal mo kasi ang sakit sakit!"
"Shien..."
"Ang sakit sakit na makita kang masaya ka sa piling niya, ang sakit na kahit putanginang ilang taon ako ipinaparamdam sa'yo na mahal kita lagi mo na lang ito binabaliwala na para bang niloloko lang kita!" Nanghihina na ako, ngunit nagpatuloy ako, "Sa tingin mo, Ralph? Nakikipaglokohan ba ako sa'yo? Ilang beses ako umamin, ilang beses ko pinaramdam pero ano? Walang nangyari? Amazing, wow! Hangin lang ba naririnig pag nasasambit ko ang katagang 'yon?"
Ramdam ko ang tinginan ng tao sa paligid ko, pati na rin ang luha na dumadausdos sa aking mata ay ramdam na ramdam ko. Ngunit mas ramdam ko ngayon ang sakit at pait dahil sa katagang aking sinusumbat sakanya.