CHAPTER 1

2 0 0
                                    

CHAPTER 1:

 SELYNE'S POV 

 Nagulat ako nang malaman kong andito rin pala si Alex. Sa pagkakaalam ko business meeting ang inaatupag ng hinayupak na yun. Tapos makikita kong andito siya at may kasamang babae. 

Nandito ako sa Island bar ng resort na tinutuluyan ko ngayon. Tanaw na tanaw ko kung pano makipagharutan yung jowa ko sa ibang babae. Naghahabulan pa akala mo naman ay nasa telenobela. May pabuhat buhat pang nalalaman akala mo naman eh Richard Gomez at Dawn Zulueta. Mga mukhang paa! 

Ilang minuto ko rin silang pinagmasdan hanggang sa maupo sila sa buhangin. Pa sunset na kaya mukhang manonood na yung dalawa ng paglubog ng araw. 

 "JD please?" Order ko sa bartender bago umupo sa hindi kalayuan sakanila. Makiki third wheel lang ako, nahiya ako kay ate gurl eh. Kaso mukhang mali ata yung pagkaintindi niya dahil binigyan niya lang ako ng isang baso imbis na isang bote.

"Are you kidding me?" pataray kong tinignan yung bartender. "I need the whole bottle, babe." Agad naman niyang inabot.

Nagtungga muna ako ng alak bago sumulyap sa gilid ko. Nako may halikang nagaganap. Hindi ko muna sila pinansin at naki nuod na rin ng paglubog ng araw. Maya maya pa ay padilim na pero yung dalawa sa tabi ko ay naghaharutan pa rin. Medyo may tama na din ako dahil kanina pa ako umiinom ng alak. 

Hindi ko mapigilan ang sarili kong magsalita. "Ay, oh. Ang sweet." Napalakas ata yung pagkakasabi ko dahil lumingon silang dalawa sa kinaroroonan ko. "Sana all sweet." Dugtong ko pa. 

Nakita ko naman ang panlalaki ng mata ni Alex. "Shai, let's go." Pagaaya niya sa babae niya. 

Aba matapang! 

"Why babe, let's enjoy. Minsan na nga lang ito eh. Huwag mo nalang siyang pansinin." Pigil naman nung higad sabay irap pa sakin. 

"Oo nga savour the moment." Kunwaring pag sangayon ko sa babae. 

Wala naman nagawa yung isa kundi umupo ulit pero may distansya na sa pagitan nilang dalawa.  

"Babe, why so layo. Can you hug me please." Tanginang pabebe to. Upakan kita jan makita mo. 

Tumingin muna si Alex sakin saka niya niyakap yung kabet niya. 

Habang pinapanood silang dalawa hindi ko maiwasang hindi magselos dahil kaya niya naman palang manlambing pero bakit hindi niya magawa saakin. Napatawa nalang ako sa naisip ko. 

"Babe," Lumingon yung babae kay Alex. 

"Hmmm." Agad naman niyang sagot. 

Natatawa nalang ako sa mga nasasaksihan ko dahil parang napaka unfair saakin ng tadhana. Boyfriend ko si Alex pero bakit hindi niya magawang maging malambing saakin pero sa kabit niya nagagawa niyang maging malambing.

"Can we still do this paguwi natin sa City?. Makipag break ka na sa girlfriend mo para wala ng hahadlang sa atin." Malambing na pahayag niya.

Ay shyet ako pa naging hadlang mga hampas lupa! Mas lumakas tuloy yung pag tawa ko at nakuha ko ulit ang atensyon nilang dalawa pero agad ding inalis saakin ang tingin nung babae. Ang strong naman na kabit ito! 

Hanggang ngayon ay naka sulyap parin saakin si Alex na parang sinasabi niya na lubayan ko na silang dalawa. Hah! Ako na ang kontra bida. 

"Just answer your bitch, Alex." Halos pabulong na sabi ko, tamang tama lang para marinig niya. Mukhang hindi naman narinig nung babae. Kitang kita sa mata niya na gusto na niya akong paalisin pero gusto ko munang narinig yung sagot niya sa kabet niya. Hindi niya parin ako tinitigilang titigan ng masama. 

ALONG THE SEASHORE THERE'S A LIGHTHOUSEWhere stories live. Discover now