CHAPTER 2: Accident
Xy's POV
Aalis na sana ako pero hindi ko maiwasang hindi maawa dun sa babae. Lumingon ulit ako kung nasaan siya pero hindi ko nakita, kaya hindi ko nalang pinansin at maglalakad ulit paalis pero natigilan din ako agad nang makarinig ako ang hagulgol. At duon nakita ko yung babae na nakaupo sa buhangin habang yakap niya ang kanyang tuhod.
I can't believe na may lalaking kayang saktan yung girlfriend nila. Kakarating ko lang tapos ganito yung madadatnan ko? I don't plan to meddle pero nagulat nalang ako nung sinampal nung lalaki yung babae. I felt bad for her dahil siya na nga yung niloko siya pa yung nasampal. I feel kinda sad dahil may ganung klase ng lalaki. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at tinabihan yung babae. Nagulat siya at agad na tumahimik, pinunasan niya ang luha na hindi tumitigil sa pagbagsak.
Hindi ko alam kung tatanungin ko kung ok ba siya dahil obvious namang hindi kaya nanahimik nalang ako sa tabi.
"Uhm..." I'm litte hesitant to talk to her dahil baka maslalo siyang umiyak o kaya sungitan ako o baka sabihan ako ng feeling close o kung ano man. Hindi ko talaga alam kung pano ko siya icocomfort dahil hindi ko naman siya kilala.
"Sorry for being emotional and such a crybaby." Siya na yung nagsalita. Napansin niya siguro na hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"Nah... It's ok just let it out wala namang mawawala sayo kung iiyak ka." I said without looking at her. "You can talk to me if you want. I'll listen."
Napansin ko namang lumingon siya saakin at tumitig sa mukha kong nakatingin sa dagat. "Hindi ka manjujudge ah." Naging light naman ang emosyon niya.
"I won't judge dahil pareparehas lang naman tayong tao at nagkakamali." Sagot ko. Actually anong point ng panjujudge mo kung ikaw mismo nakakagawa o gumagawa ng pagkakamali. Hindi naman tayo Diyos para maging perpekto.
"These past few years sobrang nahihirapan ako dahil hindi maayos ang relationship ko sa parents ko kasi hindi sila sangayon sa pagiging model ko. Ang gusto nila ay makapagtapos ako ng kursong mataas ang job opportunity at sahod. Idagdag mo pa yung pangbubugbog sakin nung kumag na manlolokong yon. Nung una ang sweet, caring, at maeffort pero nung nagtagal nambubugbog na."
"Well, just do what you want, kung san ka masaya. Edi kung hindi ka naging successful sa pagiging model at pera lang naman ang problema, mag asawa ka nalang ng matandang mayaman na madaling mamatay edi yumaman ka, diba?" I just want to make her laugh a bit.
"Seriously? What kind of advice is that?" Natawa naman siya ng kaunti pero nanduon parin yung lungkot.
"Now I'm starting to think na baka tama yung parents ko na dapat nagcollege nalang ako because being a model is hard. Kaylangan kong mabuhay sa standard ng mga nakararami. Pag hindi ko nagawa, people will start to criticize my look, my actions, and my style. Pero that's what I want to be. I really want to become a model. You know."
"Don't give up dahil lang sa pangcricriticize sayo ng mga tao at kung walang sumusuporta sayo, you just have to be strong to handle things like that." I smiled to cheer her up. "And as for that gay dapat matagal mo na siyang hiniwalayan, dapat umalis ka na the first time he laid his hands on you at dapat hindi ka umiiyak dahil sakanya because he doesn't deserve you."
"You know, you're right. I shouldn't cry over that jerk." She wiped her tears with her hands pero hindi parin matuyo dahil basa na din yung mga braso niya.
I offered her my towel and polo dahil medyo malamig na din at naka two piece lang siya.
Tumingin ako sa relo ko dahil may naalala akong pupuntahan ko. I'm a little bit late but it's fine. "It's dinner time. You should eat before you sleep. I have to go." I smiled before getting up, inalalayan ko din siyang tumayo bago umalis.
"Hey," Sigaw niya. Tumigil naman ako at lumingon. "Thank you." She said.
"Welcome, I guess." The last thing I said before going to the parking lot. Malayo palang ay may naririnig na akong ring tone sa loob ng sasakyan ko. Someone's calling my phone. Nagmadali akong sumakay sa sasakyan ko at sinagot yung tawag.
"Bro, where are you?" Bungad ni Doss sa akin.
"On my way bro, Why?" Binuhay ko na ang engine at pinaandar pauwi.
"Elle just left and we can't contact her, maybe she'll answer your call?" Tarantang taranta siya.
"What the hell, what happen? Where did she go?" Natataranta na din ako dahil I know she wouldn't do that. Maliban nalang kung may nangyaring hindi niya nagustohan.
"She knows about everything."
"Everything, everything?" Pangungumpirma ko.
"Everything bro." Hindi pa niya dapat malaman. She can't. Exams na next week.
"Where is everyone?" I asked.
"Maki doesn't know yet nasa base parin siya, Si Kiefer naman walang magawa dahil alam mo naman yung nagyari sakanila, Craig and Claude is with me sinusundan namin siya pero biglang siyang nawala, and naisip ni Craig baka pupunta siyang airport kaya papunta na rin kami dun."
"Ok papunta na din ako sa airport." Pinatay ko agad yung tawag para tawagan si Elle. I was hoping na sagutin niya yung tawag ko pero nakakailang ring na ay hindi niya parin sinasagot. Nag U turn ako dahil itong tinatahak kong daan ay pauwi sa bahay.
Sinusubukan ko paring tawagan si Elle pero hindi niya parin sinasagot. "Come on Elle answer the damn phone." Bulong ko sa sarili. Ilang tawag pa ang ginawa ko pero hindi talaga siya sumasagot kaya pinatay ko na lang yung tawag at nag focus nalang ako sa pagmamaneho papuntang airport.
Ilang minutes ang nakalipas ay nakita ko din yung sasakyan ni Elle papunta nga siyang airport, pero sobrang bilis ng pagpapatakbo niya. I tried to catch her pero ang daming nakaharang na sasakyan, wala akong masingitan kaya bumabagal ako ng kaunti pero tanaw ko parin yung sasakyan niya.
She even ignores the red lights. Nagulat ako nang biglang lumipad yong sasakyan niya. DAMN! Truck hit her Car, sobrang lakas ng impact kaya nung bumagsak sa lupa ay gumulong pa. Kinuha ko ang phone ko at nagmadali akong lumabas ng kotse para tumakbo sa kinaroroonn niya ngayon. I don't care if some car drives by. All I can think of right now is Elle.
Shit.
Elle. Don't. Please don't.
Hindi ko din alam kung sino ang una kong tatawagan. 911 ba o Si Maki o sila Doss. Damn! Naguunahan na din sa pagtulo ang luha ko at kung ano ano na din ang pumapasok sa utak ko.
Pagkarating ko sa sasakyan ni Elle agad kong binuksan ang pinto. Pagkabukas ay ipinasok ko ang kalahati ng katawan ko para tulungan siyang makalabas pero hindi ko maalis yung seatbelt niya.
WHAT THE HELL please work.
Ilang beses ko ng hinila pero ayaw parin. Nagpapanic na ako dahil sa mga naiisip ko. I tried to calm down para mas matulungan ko siya. Rinig ko na din yung mga siren ng abulansya pero ang tagal nila.
I grabbed her face para makita kung may malay siya, pero wala kaya sinubukan kong gisingin siya. "Elle, wake up please. Please. Elle, wake up. Stay with me." Hindi siya nag rerespond kaya kumuha nalang ako ng glass shards para alisin yung seatbelt niya. Ilang minuto din ang itinagal bago ko maalis yung seatbelt niya. Agad ko siyang inilabas sa sasakyan ay ihiniga sa kalsada.
Biglang nagsidating yung mga paramedics para tignan siya. Isa sakanila ay inilayo ako kay Elle. Hindi na ako umawat dahil mas matutulungan nila siya.
Ilang sandali ang nakalipas nang ilagay na nila si Elle sa stretcher at ipasok sa ambulansya.
Tinanong ako ng isa sa paramedics kung sasabay ba ako sakanila. "No, I'll take my car." Sabi ko at dumiretso sa sasakyan ko at sinundan na yung ambulansya.
I grabbed my phone to call Doss. Ilang ring ang nakalipas ay sinagot niya na din. "Bro. Si Elle." I can't even finish a sentence. "Her car crashed, come on fast and call Maki. Papunta na kami sa hospital"
"What? Sige papunta na kami." He said bago patayin ang tawag. Hindi ako mapakali.
Hindi ako mapakali. I can't stop thinking bad things.
"Please Elle don't leave us yet."
YOU ARE READING
ALONG THE SEASHORE THERE'S A LIGHTHOUSE
RandomALONG THE SEASHORE THERE'S A LIGHTHOUSE