Prologue

1 0 0
                                    

TW- Death

Magugunaw na ang mundo at dalawang tao na lang ang buhay. Isang babae at lalaki. Tumatakbo sila sa abot ng kanilang makakaya habang ang naririnig nila ay puro pagsabog.

"Mahal, kaya ba natin mag-umpisa? Tignan mo ang paligid, wala ibang buhay kundi tayo" nangingiyak na sabi ng babae. Tila ba nawawalan na ito ng pag-asa sa buhay.

"Wala ka bang tiwala sa akin? sa atin? Kakayanin ko naman basta magtiwala ka lang sa akin. Sa'yo ako kumukuha ng lakas" sambit ng lalaki na nagpalakas pa sa iyak ng babae.


Hinalikan siya nito sa noo at sa oras na inalis nito ang nga labi sa noo niya ay nakarinig siya ng pagsabog.


Nanlumo siya sa kaniyang nakita. Hindi niya kayang makita ang lalaking minamahal niya na naliligo sa sarili nitong dugo. Tumabi siya ng higa rito at niyakap ito hanggang sa pati siya ay nawalan ng hininga.

"Mahal kita, sana magkita pa tayo sa susunod na mundo" bulong nito bago nawalan ng malay.

Lingid sa kaalaman niya ay may nakarinig sakaniya na isang Diyos. Ipinatigil nito ang pagwasak sa mundo sa isang palakpak. Gumanda muli ang paligid.

"Mula sa araw na ito kayo na ang mamahala rito." sambit ng Diyos.

"Ikaw lalaki ang bahala sa panahinip ng mga taong nasasakupan mo at ikaw naman babae ay magsusulat ka ng tadhana ng bawat batang ipapanganak." pagtatakda ng Diyosa.

Sabay na nawala ang Diyos at Diyosa. Ang Lalaki ay dinala ng Diyos sa isang bahay at ganun din ang Diyosa sa babae. Magkatabi lang ang kanilang bahay.

Sinugatan ng Diyos at Diyosa ang kanilang mga palad at pinagsama ito. Bawat tulo ng dugo ay nagiging buto at siyang isinaboy nila sa kapatagan. Naging tao ang mga ito.

:))

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 31, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

An Undreamt Destiny (A Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon