One Shot [Gay Love Story]..

1.1K 7 3
                                    

(A/N: ang story pong ito ay gawa-gawa ko lang po..kaya wag nyo pong husgahan ang mga beki/bakla..Sana po magustuhan nyo..Plssss VOTE and COMMENT..)

                                                                         "One Shot"

                                                                        "Classmate"

          "Porket ba beki / bakla wala nang karapatang magmahal?Tao lang din  naman sila,na may puso para magmahal.."

          

          Simula pagka bata ko ay mahilig na ako sa mga larong pambabae..Tulad ng paglalaro ng manika,chinese garter at halos lahat na nga ata ng larong pambabae ay alam ko..

Pero hindi ko akalain na magkakagusto ako sa isang babae..

          

          2nd year ako ng naging classmate ko sya..Naging close friend pa nga kami eh..Sa tuwing kasama ko sya ay napakasaya ko..Lalo na kapag ngumingiti sya..Pero ndi ko ito pinahalata sa kanya na may pagtingin ako sa kanya..

         

           Hindi ko nga akalain na magkakagusto pa ako sa isang babae..dahil nung ndi ko pa sya nakikilala ay puro lalaki ang aking nagiging crush..Pero nung makilala ko sya ay nagbago na ang aking mundo at sa totoo lang nawala na yung pagiging pusong babae ko..Nagpakabakla pa din ako para lalong mapalapit sa kanya..(Hindi ko nga alam kung ano na ngyayari sakin eh)

          

          Hindi ko maamin ang nararamdaman ko para sa kanya dahil alam ko na kahit kelan ay hindi sya magkakagusto sa isang beking katulad ko..(marami nga ang nagsasabi na sayang daw ako eh,ang gwapo ko pa naman daw sana..)

          

          Hinayaan ko na lang muna ang aking nararamdaman para sa kanya dahil ayoko din namang masaktan..

          

          Hanggang maging 3rd year ako ay sya pa din ang laman ng puso ko kahit hindi na kami magkaklase..Nung malaman ko nga na magkaiba na kami ng seksyon eh parang nawalan na lalo ako ng pag-asa para sa kanya..(Minsan nga naiisip ko na napakatanga ko dahil hindi ko masabi yung nararamdaman ko para sa kanya at baka maunahan pa ako ng iba)

          

          Pero kahit hindi na kami magkaklase ay nagkikita pa naman kami dahil iisa pa din naman yung skwelahan na pinapasukan namin..(seksyon lang naman ang nagbago eh hindi yung nararamdaman ko)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 07, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot [Gay Love Story]..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon