Ang sabi nila ang pag-ibig daw ay hinihintay at hindi hinahanap. Dahil ang pag-ibig daw ay dumadating sa oras na hindi natin inaasahan at sa pagkakataon na hindi natin aakalain.
"Hoy! Babaitang ito! Kanina pa kita tinatawag, 'di mo ko pinapansin. Ano ba iyang binabasa mo? Patingin nga!" Sambit ni Amber at hinablot ang librong kanina ko pa binabasa.
Kahit kailan talaga ay napakaepal ng babaeng ito.
"Akina nga! Bakit ba ako ginugulo mo? Doon ka sa bf mo! Tsupi!" Iritang sambit ko sa kaniya. Bakit ba ako ang ginugulo ng babaeng ito?
"Seriously? Love story? HAHAHAHAHAHAH! Alam mo, hindi mo na kailangan pang magbasa ng ganito. Bakit ba kasi hindi ka pa magjowa ng hindi ka nabibitter sa amin ng bf ko!" Natatawang asar pa niya. Inirapan ko nalang siya.
Ano namang nakakabitter sa kanilang dalawa. Naniniwala ako na dadating din ang taong para sa akin. 'Yung hindi ko pinipilit.
"Aya, 17 kana! Walang masama kung magboboyfriend kana, 'no! Tsaka gagraduate na tayo next year kaya dapat nag eenjoy kana kasi pagdating ng college, busy na tayo." Ani niya pa bago umupo sa tabi ko.
Sa totoo lamang ay hindi naman talaga ako nagmamadali at hindi ko pa naman iyon kailangan. Hinihintay ko lamang ang tamang timing na binigay sa akin ng nasa itaas. Kung ipagpipilitan ko sa ngayon baka masaktan lamang ako.
"Hindi naman ako nagmamadali. Tsaka baka hindi pa para sakin ang panahon na ito. Mag-aaral nalang ako." Sambit ko pa at inagaw muli sa kaniya ang librong binabasa ko. Sa ngayon ay mas gusto ko munang kiligin sa mga libro. Napatampal naman siya sa noo niya.
"Haynako! Kiber mo na iyan, basta dito lang ako palagi, Aya." Tumango na lamang ako.
Bata palang ako ay pinagkaitan na ako ng pagmamahal. Ang mga magulang ko ay naghiwalay noong sampung taong gulang pa lamang ako. Iniwan nila ako kay Lola na siyang nag aalaga sa akin ngayon. Galit ako sa magulang ko pero siguro hindi lang talaga meant to be na mabuhay akong buo ang pamilya ko.
Isa iyon sa kinakatakot ko sa pag-ibig, baka magkamali ako sa pagpili.
"Aya! Bilisan mo naman diyan, aalis na tayo oh!" Rinig kong sigaw ni Amber sa labas ng banyo. Binilisan ko naman ang aking pagbibihis at agad na tumungo palabas. Tumambad sa akin ang mukha niyang inip na inip na.
"Eto na, oh! Tara na." Lumabas kami ng Mall at lumapit na sa nakadestinong van para sa amin. Nandoon na din ang mga tropa namin. Napagplanuhan naming mag punta sa bahay ampunan at magbigay ng kaunting tulong. Nanalo kasi kami sa Dance contest at napagdesisyunan naming ibigay nalang ang premyo sa taong mas nangangailangan.
Nang makarating kami sa aming destinasyon ay agad akong humiwalay sa kanila. Sila ang kakausap sa mga madre samantalang ako naman ay manonood sa mga batang naglalaro sa malawak na lupain.
Nililipad ng hangin ang mahaba kong buhok. Hindi naman ako panget, talagang wala lang akong jowa. Maybe, hindi pa para sa akin ang pagkakataon.
"Ate Ayaaaa!" Sigaw ni Bubit ang patakbong lumapit sa akin. Nag tinginan ang ibang bata at agad ding tumakbo papalapit sa akin, napangiti naman ako sa inasal nila. Sa tuwing sinuswerte sa pera ang aming grupo, dinadala namin dito kaya't kilala na kami ng bata at mga tagapagbantay dito.
Mahilig ako sa mga bata palibhasa ay wala akong kapatid kaya sabik ako sa pagmamahal ng mga bata kahit papaano ay pakiramdam ko ay may kapatid ako. Hindi naman siguro masamang mangarap.
"Hi Bubit! Kamusta?" Pinisil ko pa ang pisngi niya. Tuwang tuwa naman siya sa ginawa ko. Malawak ang kaniyang ngiti sa labi.
"Ate, halika po. Antayin po natin si Kuya Chao. Kukwentuhan niya po tayo." Hinigit pa ako ng iba pang mga bata, natuwa naman ako lalo.
BINABASA MO ANG
My Beloved Ex-Boyfriend [One Shot Series 1] (COMPLETED)
Teen Fiction[One Shot Stories] (Completed) "May mga bagay na hindi natin kailangang pilitin dahil darating din ang pagkakataon natin, hindi man sa ngayon pero sa tamang pagkakataon."