Chapter 11

327 14 1
                                    

Friends with Benefits

Limang na taon nang walang paramdam si Tina sa pamilya nito, labis ang pananabik ng ina  sa pagbabalik ng kanyang anak, si Dale naman ay namalagi nalang sa trabaho, linggo linggo itong dumadalaw sa mansyon upang makibalita.

Ikinasal naman sina Rovie at Patricia nang makalabas ito ng ospital, may anak na rin ang mga ito na ngayon ay two years old na.

"Baby Abbie, come to tito Dale." Tawag nito sa bata na noo'y palakad-lakad sa sala.
Lumapit naman ang bata saka nagpakarga sa lalaki.

"Ganyan na sana kalaki ang anak niyo ni Tina kung naririto sila." Sabi ni Doña Juliana

"Mama, kayo pala." Sabi ni Dale saka nag mano sa ginang.

"Babalik din ho ang mag ina ko ma, kaunting panahon pa po ng paghihintay." Sabi ni Dale na hindi nawawalan ng pag-asa.

"Oo nga ma, babalik din si ate, masyado lang ho nun dinibdib ang mga nangyari, pero malay natin bukas bumalik na sila." Ani ni Patricia

"Mag dilang anghel ka sana anak." Sabi ng ginang.

"Tama na yan, kumain na muna tayo." Singit ni Viona sa usapan.
Pagkatapos kumain ay nagkayayaan ang mga ito na pumunta sa mall.

"MOM, can I play there?"tanong ni Adelle sa kanyang ina

"Sure baby, but don't go far okay?" Sabi ng ina.

Naglalaro naman sa world of fantasy noon si Patricia at Abbie nang lapitan siya ng isang bata.

"Mom who is she?" Tanong ng batang babae sakanya.

"Hey cutie, what's your name baby girl?" Tanong ni Patricia sa bata.

"Mom it's me Adelle, don't you recognize me?" Ani ng bata na naguguluhan.

"I'm sorry baby, but i'm not your mom." Paliwanag nito sa bata na noo'y maluha-luha na.

"Anong nangyari?" Tanong ni Dale nang makalapit sa mga ito.

"Itong si Adelle kasi, nawawala ata, napagkamalan akong mama niya." Sabi ni Patricia na alanganin ang ngiti.

"Adelle, were going to find your mom, stop crying okay?" Sabi ni Dale saka kinarga ang bata na agad namang nag punas ng luha.

Napakacute ng batang babae, magaan rin ang loob niya rito.

"Adelle? Adelle?" Tawag ng babae mula sa likod  nilingon naman ni Adelle ang pinanggalingan ng boses at nakita niya roon ang ina.

"Mommy!" Tawag ng bata sa ina saka bumaba sa pagkakakarga sa lalaki.

"Honey, where have you been?" Tanong ng babae na bakas sa mukha ang pag aalala.

"I saw you there mommy." Saka tinuro ang world of fantasy. "You were playing with a baby." Sabi pa ng bata.

"Let's go sweety." Sabi ng babae
na agad hinawakan ang kamay ng anak saka tumalikod.

"Wait Denise!" Ani ng  boses lalaki mula sa kanyang likod.

Napahinto sa paglalakad ang babae nang marinig niya ang pag tawag ng isang boses mula sa likuran.

"Denise" Tawag uli ng lalaki.

"Daddy!" Sigaw ng bata nang makita ang daddy nito.
"Sweety." Ani'to saka lumapit sa mag ina,
Nagpakarga naman rito si Adelle .

"Kanina ko pa kayo hinahanap, tara na kumain muna tayo masama ang nalilipasan ng gutom." Sabi ng lalaki habang hinahalik-halikan ang bata.

"Ang sweet no? Inggit ka?" Pang aasar ni Patricia sa brother in law na si Dale.

Friends With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon