E12。

190 25 6
                                    

LISA

"Lisa, magkasama pala tayo sa group performance." nakangiting sambit sa akin ni Bambam at napatango lang naman ako.

May gagawin daw kasi kaming research by group. By row daw sa upuan. Edi kasama ko si Bambam. Obvious naman na kasama ko din si Sehun. Syempre, katabi ko din siya.

"Mag-meeting na kayong lahat diyan. Basta sa Monday niyo ipapass yung research na pinapagawa ko sa inyo." huling sabi nang Professor namin at lumabas na siya.

Nagkasama naman kaming mga members dito sa row namin. Pero yung mga kasama ko, parang walang balak magsalita.

Napatingin naman ako kay Bambam, tsaka nagulat akong nakatingin na siya sa akin.

"Wala bang may magsasalita diyan?" dinig naming sabi ni Sehun na para bang naiinis. Mas lalo lang tumahimik.

Napatingin naman ako kay Bambam, tsaka nakita kong huminga siya ng malalim, "Ganito.. ako nalang magsasalita." sabi ni Bambam. "Marami 'tong researches na pinapagawa sa atin. Kailangan bawat isa, may kanya-kanyang research na gagawin para ipagsama nalang natin lahat-lahat. Para hindi na tayo mahirapan pa. Mag-assign nalang tayo." paliwanag niya.

"Paano yun? Dito tayo gagawa? Masyadong magulo dito. Hindi tayo makakapagfocus kapag dito tayo sa school." sabi nang kasama naming si Brianna.

"Oo nga 'no?" sabi ni Bambam. "So ganito nalang, gagawin nating research 'to.. sa bahay ko nalang. Alam niyo naman yung address ko. Okay lang ba sa inyo?" tanong niya at napatango naman kaming lahat.

"Sa Friday nalang natin gawin. May free time pa naman tayo sa Saturday. Tsaka.. kailangan lang magsipag ang lahat para matapos agad 'tong pinapagawa sa atin. History eh." natatawang sambit ni Bambam.

"So, anong topics ang ireresearch namin? Anong isusummarize at iconclude namin?" tanong ni Renjun na kasama din namin.

Napapaisip naman doon si Bambam at di ko inakala na tinuro niya ako, "Si Lisa ang mag-aassign sa inyo kung anong topic ang ireresearch niyo." sagot niya.

"Bakit naman ako?" angal ko. Sa sobrang dami namin dito, ako talaga. Amp. >.<

"Marami ka kasing alam sa History." natatawang sambit ni Bambam sa akin.

"Sige. Inonote down ko nalang muna yung topics tsaka ko ibibigay sa inyo yung ireresearch niyo." sabi ko at napatango naman silang lahat.

"Tsaka.. wag na kayong mag-alala sa mga gamit. Ako na bahala, madami na sa bahay." nakangiting sambit ni Bambam samin. Ang bait ha!

"Teka.. ano palang oras sa bahay niyo sa Friday?" tanong ng kagroup namin, si Serina.

"Depende nalang sa inyo kung anong oras. Pwede naman kayong sumabay sa akin kaagad, pero yung kelangan umuwi, pwede namang sumunod nalang." paliwanag niya at nagsitango naman kaming lahat. "Yun lang, basta sa Friday nalang." dagdag niya.

Tsaka lahat naman kami nagsibalik na sa kinakauupuan namin. Pero matagalan din ay recess time na. Inayos ko naman ang mga gamit ko dito.

"Lisa." may tumawag sa akin. Napaharap naman ako sa kanya. Si Bambam.

"Bakit?" tanong ko.

"Sabay ka sa akin recess." nakangiting sabi niya sa dahilan na nabigla ako. Ha? Di'ba sabay sila ni Nayeon?

"Bakit? Di'ba.. sabay kayo ni Nayeon?" tanong ko sa kanya.

Tumango naman siya, "Oo nga. Actually, siya nga ang umaya sa'yo. She found that you're nice. Sinabi niya kasi sa akin na nagkabanggaan daw kayong dalawa. And.. gusto ka niyang maging friend." nakangiting sambit ni Bambam.

enemies | hunlisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon