Tahanan Ng Pamilya Macalelon

12 2 0
                                    

Makalipas Ng 7:45 Ng Gabi Ay Nakarating Na Ako Ng Bahay , " Ma!!! Nandito Na Po Ako " , " Ohh Anak Bakit Ginabi Ka " , Tanong Ng Aking Ina Sa Akin , " Kumain Po Kami Sa Labas Nay Kasama Ko Po Mga Bago Kong Kaklase " , " Nga Pala Kamusta Unang Araw Ng Klase Mo Anak " Tanong Sa Akin Ng Aking Ina

" Okay Lang Po Nay Masaya Naman Po " , Sinabi Ko Na Lang Na Masaya Ang Unang Araw Ng Klase Ko Upang Di Ako Tanungin Ng Aking Ina Kung Ano Problema Ko Sa Eskwelahan , Pero Ang Totoo Ay Sobrang Lungkot Ko Dahil Napagalitan Agad Ako Ng 2 Guro Dahil Sa Aking Mga Nasabi Sa Kanilang Klase Kanina

" Nay Akyat Na Po Ako Sa Kwarto Magpapahinga Na Po Ako " , " Anak Maghapunan Ka Muna Baka Kulang Ang Kinain Mo Sa Labas " Wika Ng Aking Ina Sa Akin , " Busog Pa Po Ako Nay Marami Naman Po Kaming Kinain Sa Labas , Nga Pala Nay Kasabay Namin Kumain Ang Adviser Namin Kanina " , " Wow Kamusta Naman Kayo Sa Adviser Niyo " Tanong Ng Aking Ina Sa Akin

" Sobrang Bait Niya Po Nay , Sa Totoo Nga Lang Nay Unang Araw Pa Lang Sa Klase Niya Ay Sobrang Saya Na Agad Lagi Niya Kami Pinapatawa Nay " Wika Ko Sa Aking Ina " , " Aba Sobrang Bait Nga Kaya Nak Magpakabait Ka Sa School Mo Ahhh " , " Opo Nay Magpapakabait Po Ako " Tugon Ko Sa Aking Ina , " Nay Akyat Na Po Ako , " Sige Nak Magpahinga Ka Na "

Pagdating Ko Sa Kwarto Ay Nagpalit Na Agad Ako Ng Damit At Kumuha Ako Ng Damit Pambahay Upang Suotin Ko , Ilang Minuto Ng Makaakyat Ako Sa Aking Kwarto Ay May Biglang Kumatok Ang Aking Ina , " Nak Naiwan Mo Ang Iyong Bag Sa Sala Kaya Dinala Ko Na Ito Rito , " Salamat Po Nay " Tugon Ko Sa Aking Ina , " Walang Anuman Nak Magpahinga Ka Na At Alam Kong Pagod Ka Sa Unang Araw Ng Klase Mo "

Pagkatapos Kong Magpalit Ng Damit Ay Agad Na Akong Humiga Sa Aking Kutson Para Magpahinga , Ilang Saglit Ay Nag Notif Ang Messenger Ko Sa Akin " Binibining Maharlika Added You To The Group " Abot Langit Ang Ngiti Ko Ng Makita Ko Ang Pangalan Ni Binibining Maharlika Sa Messenger

" Magandang Gabi Baitang 8 Pangkat Polynesia Magdala Bukas Ng 1 Cardboard , 3 Bond Paper At 1 Permanent Marker Para Sa Inyong Unang Pagkatang Gawain Para sa Aking Asignatura " Pagtapos Mag Anunsyo Ni Binibining Ay Agad Akong Tumugon

" Binibining Maharlika Pwede Po Ba Ako Magtanong " , Agad Akong Kinabahan Dahil Baka Pati Dito Sa Group Chat Namin Ay Sermunan Ako , Ilang Minuto Ang Lumipas Matapos Akong Mag Reply Sa Group Chat Ay Tumugon Si Binibining Maharlika

" Ano Na Naman Yun Ginoong Macalelon ?? Sinabihan Na Kita Kanina Na Kung Wala Kang Sasabihin Na Matino , Maaaring Wag Ka Na Lang Manggulo " , " Magtatanong Po Sana Ako Tungkol Sa Inyong Pinapadala " Tugon Ko Kay Binibining , " Ano Ba Itatanong Mo Ginoong Macalelon ?? Bilisan Mo Sinasayang Mo Oras Ko " , Agad Kong Tinugon Ang Tanong Ni Binibining Maharlika

" Mam Pwede Pa Po Ba Ako Magdala Ng Isa Pa Pong Bagay ?? " , " At Ano Naman Yun Ginoong Macalelon " Tanong Ni Binibining Maharlika Sa Akin , " Mam Pwede Ko Po Ba Dalhin Ang Aking Main Pumping System ?? " , " Anong Ibig Mong Sabihin Ginoong Macalelon , " Pwede Ko Po Ba Dalhin Ang Puso Ko Para Sa Inyo ?? " Pagtapos Ko Tumugon Sa Tanong Ni Mam Ay Di Na Ito Nag Chat

Makalipas Ang Kalahating Oras Ay Wala Di Pa Rin Nagnonotif Sa Messenger Ko Ang Tugon Ko Kay Binibining Maharlika , Kaya Agad Kong Kinausap Ang Mga Kaklase Ko , " Guys Kasali Na Ba Kayo Sa Gc Ni Binibining Maharlika ?? " Tanong Ko Sa Kanila " Oo Kasali Kami Sa Gc Ni Mam , Bakit Mo Natanong ?? " , " Kasi Nagnonotif Sa Messenger Ko Yung Gc Natin Kay Binibining Maharlika " Tugon Ko Sa Kanila

" Ano Nangyari Sa Iyo Dorothy ?? " Tanong Ng Mga Kaklase Ko Sa Akin , " Di Ko Nga Alam Mag Back Read Kayo Nung Sa Huling Chat Ko Sa Gc ?? " , " Sige Sige Balitaan Ka Na Lang Namin , " Maraming Salamat Sa Inyo " Tugon Ko Sa Aking Mga Kaklase

Ilang Saglit Ay May Nag Notif Sa Messenger Ko , " Dorothy !! Ni Remove Ka Ni Mam Sa Gc " , Kinabahan Ako Bigla Ng Malaman Ko Na Niremove Ako Ni Binibining Maharlika Sa Gc " Hala Uyy Bakit Ano Dahilan ?? " Tanong Ko Sa Kanila , " Dahil Na Naman Dun Sa Sinabi Mo Kay Binibining Maharlika ?? , May Screenshot Kami Ng Sinabi Sa Iyo Ni Binibining Maharlika Pagtapos Kang Tanggalin Sa Gc " , Lubos Akong Nagulantang Sa Sinabi Ng Mga Kaklase Ko Sa Akin

" Pa Send Nga Ng Screenshot Tungkol Sa Sinabi Sa Akin Ni Binibining Maharlika " Tugon Ko Sa Kanila , " Sige Sandali Lang ". Makalipas Ang 5 Minuto Ay Muling Nag Notif Ang Messenger Ko At Nag Chat Sa Akin Ng Kaklase Ko , " Classmate Send You A Photo "  , Agad Ko Itong Tinignan Dahil Labis Ang Kaba Ko Dahil Sa Nangyari

" Punyeta Ka Ginoong Macalelon Wala Ka Ng Magandang Sinabi Sa Klase Ko Pati Ba Naman Dito Sa Gc Ay Ganyan Sasabihin , Bukas Ng Umaga Lumabas Ka Ng Silid Ko At Hindi Ka Pwedeng Pumasok Sa Silid Niyo Habang Nagtuturo Ako Sa Klase Niyo , Kung Ayaw Mo Sumunod Sa Sinasabi Ko Maghanap Ka Na Ng Bago Mong Guro Sa Asignaturang Araling Panlipunan "

Pagkatapos Kong Basahin Ang Tugon Ni Binibining Maharlika Sa Akin Ay Halos Gumuho Ang Mundo Ko Dahil Sa Unang Pagkakataon Ay Mapapalabas Ako Ng Silid Aralan

" Sige Maraming Salamat Sa Inyo , Matutulog Na Ako Maaga Pa Ako Gigising Bukas " , Tugon Ko Sa Kanila Habang Pumapatak Ang Mga Luha Ko Sa Aking Mga Mata , " Sige Dorothy Good Night " , Agad Na Akong Natulog Upang Matigil Na Ang Aking Pagpatak Ng Luha Sa Aking Mga Mata

My Love for My TeacherWhere stories live. Discover now