Chapter 1

0 0 0
                                    



Hindi ko alam kung bakit nagawa sa akin ni Cris sa akin ito. Asawa niya ako pero pinamigay niya ako sa lalaki na hindi ko man lang kilala.

Mahigit apat na taon na ang nakakaraan ng huli kong makita si Caiden. Ang lalaki na naka one night stand ko. At nag bunga ang nangyari sa amin.

Hindi ko maiwasan isipin ang mga sinabi niya sakin matapos kong magtapat na nagbunga ang nangyare sa amin.

"Caiden."

Lumingon ito sa akin at tinignan ako na parang hindi ako kilala.

"What do you need?"

"Buntis ako."

"So? Sasabihin mo na ako ang ama? Isang gabi lang ang nangyare sa atin! May asawa ka! Baka siya ang ama!" He said. At dali daling sumakay sa kotse niya.

Napaupo na lang ako sa kalsada dahil sa sinabi niya.


Napatingin ako sa pinto ng may tumawag sa akin.

"Mommy!"

"Yes Clyden?"

"Kailan ko po makikilala si daddy?" Nakangusong saad ni Clyden.

"Malapit na! Uuwi na tayo ng pilipinas! Kaya makikilala muna si Daddy!" Masayang saad ko pero sa loob loob ko nababalot ako ng lungkot.

Maraming tanong ang nasa isip ko na hindi ko masagot.

Paano pag di niya na tanggap si Clyden?

Paano pag hindi siya naniwala? Masasaktan ang anak ko.

Niyakap ko nalang si Clyden.


NAGISING ako ng tapikin ni Clyden ang pisngi ko.

"Mommy! Andito na tayo!" Masayang saad nito at nag tatatalon pa.

"Let's go. But now punta muna tayo kila Lola."

Tumango lang ito.

Nang marating kami sa harap ng bahay ng magulang ko ay kinakabahan ako. Siguro dahil makikita ko ulit si Mama.

Nag doorbell ako at bakas ang gulat sa mukha ni Mommy.

"Anak!"

"Mom."

"Saan ka ba nang galing? Sinabi sa amin ni Cris na wala na kayo. Ano nangyare?"

"Long story Mom. But now, meet my son." Saad ko at tinuro si Clyden.

"Oh my god." Halata sa mukha ni Mama na nagulat siya. Syempre umalis ba naman ako tas pag balik ko may bata na akong dala.

"Ang gwapo ng batang to."

Ngumiti lang ako.

"Ma. Pwede ba wag mo muna ipagsasabi ang tungkol kay Clyden."

Tumango lang ito.

"Nasaan pala si Kim?" Tanong ko dahil pansin ko na wala dito.

"Haynako. Kasama nanaman ang lalaki na kinababaliwan ng kapatid mo. Ewan ko ba don pag tinatanong ko kung boyfriend niya ba laging sinasabi na malapit na."

Tumango na lang ako.

"Ma? Pahinga na muna kami ni Clyden." Saad ko at hinalikan siya sa pisngi.

Pag pasok mo sa kwarto ay agad kong binaba si Clyden. Pumasok ako sa CR at naligo.

Pag baba ko ay dumiretso ako sa dining area dahil naririnig ko sila Mom.

"Oh eto na pala si Beatrice e." Saad ng ina ni Beatrice.

Lumapit di Beatrice at humalik sa pisngi ng Step Dad niya pati kay Kim. Nagulat ako dahil katabi niya si Caiden.

Ito ba ang sinasabi ng Mom niya na kinababaliwan ni Kim?

Umupo si Beatrice sa harap ni Kim.

"Kamusta kana Beatrice?" Napalingon siya ng magtanong ang step dad niya.

"I'm good po."

"Where my-" Hindi na naituloy ni Ian anh sasabihin dahil may binulong sa kanya si Bea.

"Oh btw Caiden! Meet my daughter. Beatrice!" Masayang saad ni Bea. Ang Mommy ni Beatrice.

Tumingin naman si Beatrice kay Caiden at ngumiti.

"Beatrice."

"Caiden."

Tumango lang siya at tinuloy ang pag kain.

"Hey sis! Bakit pala kayo nag hiwalay ni Cris?" Biglang tanong ni Kim.

"Hindi niya ko mahal. Sinasaktan niya ko. Sapat na yon para hiwalayan ko na siya." Saad ni Beatrice.

"Oh..." Tangong saad ni Kim at di na nag salita.

Pag katapos niya kumain ay nag paalam na siya na aakyat na siya sa kwarto dahil may tatawagan pa siya.

"Mom? Tito? Akyat na po ako sa taas."

"Wag na muna sis!" Saad ni Kim.

"May kakausapin pa ko e."

"Sino? Boyfriend mo?"

"None of your business."

Kahit kailan talaga inggit sa kanya si Kim.

Itutuloy...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 01, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Strange ManWhere stories live. Discover now