CHAPTER 34

2K 61 9
                                    

Xzious Dwight Luxx POV


Nasa tabi ko parin si Xyasser nilingon ko siya dahil bumibigat ang ulo niya sa balikat ko na nakasandal habang nakapulupot ang dalawang kamay sa braso ko, paglingon ko ay tulog na pala siya.

Inalalayan ko siya at tinigil ang ginagawa ko, binuhat ko siya para ilapag sa malaking sofa, napabuga pa ako ng hangin ng bubuhatin ko siya dahil medyo mabigat siya. Unti unti kong inihiga ang katawan niya habang ang isang kamay ay nakahawak sa ulo niya, kinuha ko ang pillow at ipinatong ang ulo niya.

Pinagmasdan ko pa siya sandali napangiti naman ako dahil sobrang cute niya, hinubad ko ang suit ko at kinumot sa kanya dahil medyo malamig dito. Nakafull kasi ang aircon at umiikot ang apat na ceiling fan.

Ng masatisfied akong titigan siya ay saka na ako bumalik sa desk ko. Sinulyapan ko pa siya bago pinagpatuloy ang ginagawa ko. Napatingin ako sa orasan na nasa tapat ko at napagtantong malapit ng mag ala unsi ng tanghali. 

Mabilis kong tinapos ang mga ginagawa ko dahil may panibago na naman akong gagawin. Nagrerecord ako ng mga receipt at nag-aanalyze ng mga Inventory.

Oras pa ang lumipas ng masulyapan ko ang oras na malapit ng mag ala una, napatingin ako kay Xyasser na tulog pa rin.

Napagitla pa ako ng may tumunog, hinanap ko iyon at napagtantong galing yun sa maliit na bag na suot suot niya.

Gusto ko mang tingnan kung sino ang tumawag pero ayaw kong makialam sa gamit niya, hanggang kay Xyasser lang ako at wala ng ibang pakikialam at gagawin baka magagalit pa siya kapag nagkataon na pinakialaman ko ang gamit niya.

Ilang segundo din ay tumigil na iyon sa pagri-ring kaya nakangiti akong tumayo at bumalik saking desk

Kinausap ko ang nagdala sa kanya dahil baka mag alala sila, naintindihan naman nila at pinakain ko ang yaya at body guards ni Xyasser. Muli akong bumalik sa office ko at lumapit kay Xyasser na himbing na himbing ang tulog.

"Xyasser?" Alog ko sa kanya, kahit ayaw ko mang disturbuhin ang tulog niya ay kailangan niyang kumain dahil hindi daw sanay si Xyasser na mag skip ng meal.

"Xyasser? Wake up" muli kong alog, nakita ko siyang nagpapungas pungas at unti unting dinilat ang mata. Hinagod pa niya ang mata niya at nakatulalang tumingin sakin. Nginitian ko lang siya at ginulo ang buhok niya.

"Perché?" Wika niya na di ko man lang maintindihan.


*translation : Why?*


"Ahh eh? Hehe let's eat, are you hungry?" Tanong ko, tiningnan muna niya ang tiyan niya at nakangusong tumango sakin.  "Yun naman pala eh, halika na" saad ko at kinuha ang suit ko na kinumot ko sa kanya kanina bago nilagay sa taas ng sofa, inalalayan ko siyang makatayo. Inayos niya ang buhok niya at nag stretch sa katawan niya.


"Andiamo fratello" ngumiti lang ako sa kanya dahil wala talaga akong maintindihan, hinawakan ko ang kamay niya at sabay kaming lumabas.

*Translation : Let's go kuya*

"Napapadalas ang batang yan dito ah"

"Oo nga eh kung hindi lang sinabi ni Sir na kaibigan niya lang yan iisipin ko talagang anak niya yan"


"Mismo jessa, sobrang kahawig silang dalawa"

"Sinabi mo pa, lalo na yung pilikmata pati ilong"


Ingay ng iilan sa mga waitress. Pati pilik mata ko napansin nila?

Hiding From My Ruthless Husband  [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon