"Sally! Asan kana ba? Bakit ba ang tagal mo , huh?" Rinig kong sigaw ni tiya mula sa labas.
Aalis kami ngayon dahil magsisimba kami pero ang hindi nila alam hindi pa ako nakapaghanda. Ayoko magsimba ngayon!
Hindi ... ayoko!
Hindi pwede!
Mas lalo akong magkakasala dahil dito!
Mapapaso ako!
Para akong baliw na nakaharap sa salamin na naka sando at shorts lang. Wala akong bihis. Tiyak na magagalit saakin si tiya ngayon.
Pero bakit nawalan na ako ng pake?
Hala sige magalit ka , sanay na ako.
Narinig kong bumukas ang pinto ng aking silid at pumasok roon si tiya.
"Anak ng! Bat hindi ka pa nakahandang putangina ka?"
"Ano bang tinutunga-tunganga mo diyaan? Magbihis ka na! Magsisimba na tayo!" Hinila niya ang buhok ko padarag sa kama kung nasaan ang mga damit ko. Ramdam ko sa boses ni tiya ang galit at inis.
Ayoko na!
Tangina punong-puno na ako!
"Edi magsimba ka!" Sikmat ko sa kanya kaya naman natigilan siya.
"Ano?" Rinig kong aniya
Hinawi ko ang buhok na tumabil sa mukha ko ng mabitawan niya ang buhok ko.
Hinarap ko siya at matalim na tinignan , "sabi ko magsimba ka! Bingi ka ba?" Tinignan ko sya ng patuya
"Hindi ka naman paralisado edi ikaw na ang magsimba! Wag mo akong madamay-damay!" Puno ng galit na sikmat ko sa kanya.
Nakita kong natigilan siya at nanlaki ang mga mata.
"Oh , among tinitignan-tignan mo jan? Magsalita ka! Hindi ba heto ang gusto mo? Yung sinisikmatan ka? Yung pinapagalitan ka? Yung sinasaktan ka? Hindi ba ito yun marcela! Hindi ba dahil sa hindi ko pagsunod nuon sayo ay sinaktan mo ako?! Hindi ba't pinalo mo ako ng pala sa ulo hanggang sa mawalan ako ng buhay at inilibing ako sa likod bahay?! Hindi bat pinalabas mong nakipag-kita at nakipagtanan ako nuon kay agustin?! Hindi ba marcela?! .... kapatid ko" bulong kong sabi
Pero sa oras na iyon , alam kong hindi na ako iyon.
Iyon na ang taong gumamit sa katawang lupa ko upang takutin at komprontahin si tiya at upang pagbayarin siya sa kanyang nagawang kasalanan.
Sa kanyang pinaka tago-tagong sikreto.
//POISANNA_WRITES//
10-01-20
YOU ARE READING
Longing Leaves (ON-HOLD)
Short StoryLL Collection of short stories dedicated to my readers. Covers not mine credits to the rightful owner.