"Hoy Bam,diba sabi ko sayo bilhan mo
ko ng chocolate,nag-promise ka pa eh."
sabi ng boyfriend ko,yeah i have a boyfriend,at nandito siya ngayon sa tabi ko na nakanguso at nagtatampo.I chuckled."Tumigil ka nga diyan para kang tanga." mas lalo siyang napanguso
Hindi ko tuloy mapigilang pisilin ang pisngi niya.Paborito ko itong gawin lalo na't ganyang nakanguso siya."Tara na pasok na tayo,malapit na klase natin eh."sabi ko sabay halik sa labi niya.
Pampaalis ng tampo."Ok,I love you." saad niya at hinawakan ang kamay ko.Sabay kaming naglakad hangggang sa makarating ako sa tapat ng classroom ko.
"Bye,sunduin mo ko ah,sabay tayong uuwi mamaya bilhan kita chocolate."
sabi ko sa kaniya. Ang kaninang nakabusangot niyang mukha ay napalitan ng saya.He really loves chocolate.
Umupo nako sa aking upuan.Tumingin ako sa harap–wala pa ang professor namin.Bigla nalang pumasok sa isip ko si Ivan.Kakahatid niya lang sakin pero nami-miss ko agad siya.
I really love him.He's my ideal guy,lahat na ata ng babae papangarapin siya pero sa tagal na naming mag-boyfriend/girlfriend ay never pa siyang nagloko.
Sa katunayan nga ay magpa-five years na kami sa susunod na buwan pero–
Natigil ako sa pag-iisip nang kalabitin ako ng katabi ko.Tumingin ako sa kanya ng nagtataka.
"Tapos na ang klase,hindi mo napansin kasi nakatulala ka." sabi niya at umalis.
Tumingin ako sa paligid–wala na ang mga kaklase ko.Tumayo ako at kinuha ang bag ko, isinukbit ko ito sa aking balikat at naglakad na palabas sa classroom.
Teka bakit walang sumundo sakin ngayon?Akaka ko ba susunduin niya ko?
Baka may emergency.Wala akong nagawa kundi umuwi mag-isa.
Pagdating ko sa bahay ay agad akong nagmano kay inay."Oh ano nasabi mo na ba kay Ivan?"
seryosong tanong niya sa akin."Hindi pa po nay,hahanapan ko ng tiyempo kung pano sasabihin sakanya."
malungkot kong saad.Hindi iyon nakaligtas sa paningin ni inay.Nanubig ang kanyang mga mata.
"Ang akin lang ay.....may plano ka bang sabihin sa kanya?" sabi niya at hinaplos ang mahaba kong buhok.Alam kong nasasaktan siya at panigurado ganito rin ang mararamdaman ni Ivan kapag nalaman niya ang totoo."Nay,hindi ko po alam,alam kong masasaktan siya at yun ang pinaka-ayaw ko sa lahat." yumakap ako sa kaniya,gumanti siya ng yakap sakin.
"A-anak." kasabay ng salitang lumabas sa bibig niya ay siya ding pagbagsak ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"N-nay h-hindi ko po k-kaya." humagulgol ako at paulit ulit na umiling habang nakasubsob sa balikat niya.Kailangan ko ng suporta ngayon,at alam kong siya lang ang makapagbi-bigay non.
"Nak ikaw ang magdesisyon,pag-isipan mong mabuti nakasuporta lang ako sayo."
—
Huminga ako ng malalim,nakapag-
desisyon nako......Kumatok ako sa pinto ng bahay nila Ivan.Sigurado akong siya lang ang mag-isa dito.Nasa bakasyon parin ang parents niya sa pagkaka-alam ko.
"SINO YAN?!—Love!Napadalaw ka,may kailangan ka ba?Miss mo na ko no."
yan kaagad ang bungad niya sakin.
Mukha masaya siyang nakita ako."May gusto lang akong sabihin sayo."
saad ko sakanya ng may mahinang boses.Pinapasok niya ko sa loob ng bahay nila at pinaupo sa sofa.Simple lang ang bahay nila,nagmukha itong moderno dahil puti at itim lang ang kulay na–