Chapter 2: Morphie

3 0 0
                                        


Heyllee's POV




"Stupid guy" nasabi ko nalang nung maka balik na ako sa kotse. 

Dumiretso na kami sa simbahan para mag simba syempre ano namang gagawin namin don? Matutulog? Sabagay yun lang naman ginagawa ko tuwing niyayaya ako nitong step bro ko na mag simba. Pwede naman kaseng sya nalang ang mag simba sinama sama pa ako alam nang antok pa eh. 


May kumulbit sa aking bata habang nag lalakad kami ng kapatid ko kaya napahinto ako at tiningnan sya. "Ate bili kana sampaguita" sabi nung bata. Tinitigan ko lang sya ng ilang segundo at kukuha na sana ng pera pambili pero bigla syang umiyakk "mama huhuhuh" sabi ng bata kaya nag taka ako. Hindi ko maintindihan kung bakit biglang umiyak ang bata, kukuha na sana ako pera eh. 


"Nako bata wag kang umiyak" sabi ng kapatid ko. Bigla namang dumating yung ina nung bata at nag tataka din kung bakit umiiyak. 

"Ohh jaja anong nangyari iha?" Sabi nung ina nya ata at pinatahan yung bata. Ngayon ko lang napansin na kasama nya yung naka bunggo ng kotse namin kanina at nag tataka din kung bakit umiiyak yung bata.


"Nako misis pasensya na ha, sa tingin ko dahil siguro sa pag tingin nitong kapatid ko kaya sya umiyak, masama kase talaga to makatingin ehh hehe" siniko naman ako ni kilram at binigyan ng look na -Ngumiti ka naman- kaya napa hinga nalang ako ng malalim saka yumuko para harapin yung batang babae.


"Bata pasensya kana ha?" Sabi ko habang naka ngiti sa bata. Nang tiningnan ko naman ang kapatid ko mukhang nagulat sya nung ngumiti ako pero umayos din naman. "Eto bilhin ko na lahat yan" sabi ko ulit sa bata at binigyan ng pera.

Napatingin naman ako dun sa Naka bunggo ng kotse namin kanina at mukhang sakristan to ahh, nakasuot kase sya ng pang sakristan. Kinausap naman nya yung mag ina saka nag mamadaling pumasok sa loob ng simbahan.


" Ngumiti kaba? " Tanong ng magaling kong kapatid. Bobo naman nito, Nakita naman nya ahh bat kaylangan pang tanungin? Inirapan ko nalang sya at nag lakad na papasok ng simbahan.





Kakatapos lang namin mag simba, as usual hindi nanaman ako nakinig, nakaka antok lang naman kase kaya ayun natulog nalang ako habang naka upo syempre alangan naman naka higa.


" sis dumating na ba si morphie? " sabi ng kapatid ko. Tiningnan ko sya at nag kibit balikat nalang.


 Uuwi din kase dito si Merphie para dito na din sya mag aral. Ayaw naman nya dun sa maynila kase daw wala naman ako duon kaya sama nalang daw sya sa akin. Sa lumang bahay din namin sya titira kase hindi naman sya taga probinsya. Laking maynila si merphie at dun kami nag kakilala sa dati naming school sa may nila. 

May nag susuntukan nun sa Gym ng school, hindi na sana ako lalapit kaso nahila na ako dun papalapit sa dami ng taong papunta don. May nag susuntukan nga isang babae tapos tatlong lalaki. Tangina! Hindi na naawa sa babae. Nakikipag suntukan yung babae sa tatlo kaya nagulat ako "hmm interesting" sabi ko sa sarili ko ng biglang may tumulak sa akin papalapit sa nag susuntukan.

"Shit" nasagi ko yung isang lalaki kaya nagalit sya sa akin "bobo ka ba? Hindi mo ba nakitang busy kami dito tas susulpot ka" sabi nya sakin pero binigyan ko lang sya ng look na walang pakelam kaya nagalit sya at sinuntok ako sa mukha.


Ughh shit! Tiningnan ko ng masama yun lalaki at sinuntok ko din ng mas malakas pa. Napa singhap naman yung mga nanonood dahil sa hindi makapaniwalang pangyayari. Sumugod na din yung ibang lalaki at nakipag suntukan saming dalawa nitong babae. In the end taob din sila kaya umalis na kami.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WRONG PATHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon