numero sa pagibig

4 0 0
                                    

     

Isa , dalawa, tatlo nagsimula tayo sa pagtatalo
Laging nag-aaway at walang humpay ang asaran
Bawat oras at minuto walang pinapalipas na bangayan
Na animo'y walang wakas

Apat, lima, anim
Nang ika'y nagsimulang umamin
sa iyong damdamin
Mula sa pag-aawayan
Na uwi sa pagmamahalan
Kaya't heto baliw na baliw sayo
Bawat araw walang humpay na kasiyahan ang nararamdaman
dahil sa ating pag-iibigan

Pito,walo,siyam
Ika'y nagpadala ng liham
nanaglalaman ng pakikipaghiwalayan
Para akong binagsakan ng langit at lupa
Pilit na hindi naniniwala
Ngunit nong nakita kita na may kasamang iba
Unti unting tumutulo ang nagbabadya kong luha
Ako'y iyong iniwan ng walang dahilan

 

Sampo ,

huling numerong bibigkasin ko
Pilit binubuo ang sariling winasak mo
Ako'y nagkamali na nahulog sayo
Pagmamahalan nating walang kahahantungan
Kaya't sinisisi ko ang sarili kong umibig sayo

Ako'y nagpaka layo layo at binuo ko ang sarili
At ang pagkatao ko ay unti unting nagbago.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 06, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

💞ANG MGA MAHIWAGANG TULA✍️Where stories live. Discover now