Chapter 3

10 1 0
                                    

A.N. : Errors ahead!!!

Thank you!!!

____________________________________

"My name is Reiley, Reiley Cedrix Fleaveo Olivarez. The future C.E.O of the OLIVAREZ group of companies and the most handsome in our family." At sinamahan pa niya ito ng pang malakasang pogi pose. Hays.

' WOW...'

' medyo malamig'

"Okay, Mr. Olivarez can you tell us something about yourself? Some facts?" Sabi sa kanya ni Ma'am Ortega.

"Ahh, okay. Facts about myself?... Hmm.."
Sabi niya, at nag-isip isip pa siya. Bago nagtuloy sa pagsasalita.
"Except from being the future C.E.O of our company. I'm also handsome, well not only handsome, a
handsome C.E.O. I'm hot and sexy. I love to play basketball. And my favorite food is steak. I always exercise just to keep my body fit and healthy... And yeah. That's all- ahh wait I'm humble too. So can I seat down now ma'am?"

'ay jusko, humble pa nga'

Buntong hininga na lang ang sinagot ni ma'am, bago ito tumango hudyat na pinapayagan na niyang umupo si KUYA Guy.. Este si Reiley. Kaya naman pag tango ni Ma'am agad namang naglakad palapit sa akin itong si Reiley. Tiningnan muna ako nito bago naupo sa tabi ko.

Ang sumunod na nagpakilala ay si Kelsey kasunod niya ay ang kanyang mga kaibigan hanggang sa sunod sunod ng nagpakilala ang mga kaklase ko. Syempre pagkatapos naming magpakilala. Ay nag discuss lang ulit si ma'am hanggang sa may sumunod na sa kanyang bagong teacher.

Si ma'am Domingo. Ang aming English teacher medyo, strict nga lang. Pero ang sabi niya ay mabait daw siya sa mabait at sa matalino. At ang balita ko ay ito daw ang pinaka terror na Teacher sa school na ito.

"So, tomorrow I want you to submit an index card with you're name on it. Is that clear?"

"Yes Ma'am!"

"Okay, you may now take you're break."

Syempre nanguna ng lumabas yung mga kaklase kong lalaki, kasunod nun ay yung iba ko pang kaklaseng babae kasama na ang grupo ni Kelsey. Nagpahuli na lang ako ng labas, dahil hanggat maari ay ayokong sumabay sa dami ng tao sa Cafeteria. Sinalansan ko muna ang iba kong gamit, bago ako nag tungo sa locker upang palitan ang mga dala kong gamit para sa susunod na klase.Pababa na sana ako ng may humablot sa siko ko. Nilingon ko ang siko ko para malaman kung sinong
humablot sa akin. At doon ko napagtantong ...

'Sila Kelsey na naman...'

Agad ako nitong binitawan. At tinulak papalayo sa kanya. Muntik na ulit akong matumba, buti na lang at may pader tsaka railings kaya napahawak ako doon. Tinapat ni Kelsey ang kamay niya sa kasama niya, na para bang may hinihingi itong bagay dito ng hindi inaalis Ang tingin sa akin. Agad namang na kuha ni Margaux ang ipinupunto nito. Naglabas si Margaux ng isang alcohol tsaka niya
i- nispray sa kamay ni Kelsey.

' ebarg naman, nainsulto ako doon ng slight ah.'

Kaya para makabawi sa pagkakainsulto ay inilabas ko din ang aking alcohol at tsaka ko i-nisprayan ang aking siko. Ipinakita ko pa sa kanila kung paano ko iyon gawin. At pagkatapos nun ay sinilid ko ito sa bag, tsaka ako naglabas ng pabango at i-nispray sa paligid ko pati na din sa kanila. Nakita ko sialng umubo- ubo, dahil sa tapang ng pabango ko.

' Ang baho kasi ng pagkatao nila eh'

"What the heck?!" Sabi nito, sa akin. "Are you really insulting me?! Us?!" Dagdag pa nito. Dahil nakakainsulto naman talaga ang ginawa ko.

Imaginary LoveWhere stories live. Discover now