|•] UNTITLED [•|
Sino ka ba? Bakit sa isip ko di ka mawala wala?
Ano bang meron ka at ngayo'y namimiss kita?
Ano ba talaga ang meron sa'yo? Lagi ka nalang gumugulo sa isipan ko.
Buong araw ikaw na lang lagi ang laman nito.Bakit ikaw pa, kung pwede namang iba?
Bakit sa'yo pa, kung pwede namang sa kanya?
Bakit namimiss kita, Kung sayo'y wala naman akong halaga?Hanggang doon nalang ba talaga ako?
Hanggang tingin na lang ba ako sayo?
Mananatiling lihim na lang ba ang pagtingin kong ito?
Sapagkat meron na yatang laman ang puso mo.Ni minsan ba sa puso mo, nagkapuwang ako?
Ni minsan ba sumagi sa isip mong mahalin rin ako?
Ni minsan ba sumaya ka habang kausap ako?
Ni minsan ba sa mga araw mula ng tayo'y magkakilala ay naisip mong masaya rin pala akong kasama?Sana sa paglipas ng araw, makakalimutan din kita.
Sana magagawa ko pa ring tumawa kahit wala ka na.
Sana mas maging maayos pa ang buhay mo pagtuluyan ng nawala ang isang ako na minsang nakilala mo.
Sana pagnangyari 'yon, makakabalik na ako sa dating ako nung mga panahong hindi pa tayo nagkatagpo.
YOU ARE READING
𝐌𝐆𝐀 𝐓𝐔𝐋𝐀
PoetryIto ay mga tulang ginawa ko. Di ko alam kung tama ba ang grammar nito.