Chapter 3

67.3K 1.5K 117
                                    

Maingay na naman sa gym, syempre it's Alligators. Again.. I was watching the D-r G's game. One of their teamates is my crush. Napakagat labi lang ako pag nakaka shot ang team nila, lalo na siya. Pero tahimik lang naman akong nag-chi-cheer dahil nasa kabilang bahagi kami ng grand stand and yes, Alligators silang lahat.

3 points for Jake, my crush. Nagsigawan ang taga cheer niya sa kabilang side at sumama na ako duon. Napatingin lahat ng mga kababaihan maski ang mga lalaki sa 'akin. Nag tatalon din kasi ako eh. Hawak hawak ko pa naman ang banner ng Alligators. Wala akong ibang naisip nang itapon ko iyon at nakagat ang labi. Anong ginawa ko? Nag cheer ako sa kalaban ng Alligators?

Napaiktad ako ng kalabitin ako ng mga kaibigan ko. "What are you doing?" Hindi nila alam na crush ko si Jake. Kaya lang mas lalo lang ako nahiya dahil sa ginawa ko. Kinuha nila ang banner na pinahawak lang naman nila. So it means, hindi parin ako fan ng Alligator gaya nila.

"W-wala." Bumalik ang tingin ko sa baba. Naging busy din ang crowd sa side namin. Bumilog ang mga mata ko ng matalim akong titigan ni Hushan. Na isang foul pa siya dahil sa travelling. Nag iwas ako ng tingin sa kaniya at nanood na ng mahinahon.

Palagi silang nakaka shoot nong 1st and 2nd game. But in the 3rd game palagi nalang sila nauunahan ng D-r G. Kapag nakaka 3 points si Jake ngumingiti ako, pero hindi ko namamalayang may nababadtrip sa baba. Nagulat ang mga manonood ng itulak ni Hushan ang kasama niya sa paglalaro at inawat pa. Tinapon niya ang bola at bumalik sa rest chair nila.

Nag bulong bulungan ang mga tao, napalunok ako. Nakita ko sa kaliwang bahagi ang D-r G team. Masaya sila at mukhang matitikman na nila ang tagumpay. Sa tuwing ngumingiti si Jake, palihim din na ngumingiti ako. Agad na umiwas ang tingin ko sa kanila at dumako sa mga Alligators.

Pero hindi ko akalain na mag tama ang mga mata namin at matalim niya pala akong pinagmamasdan. Pagkuwan ay bumaling ang tingin ni Hushan sa kalaban nila at sa akin naman. Nakita kong piniga niya ang bottle water na hawak hanggang sa maging papel ito sa liit. Nag excuse ako at bumili ng tubig, hindi na ako sinamahan ng tatlo dahil hindi ko 'rin sila hinayaan.

Nakahinga ako ng maluwag dahil parang papatay siya kung makatitig sa akin. Nakikita ko siyang sobrang playful, bully at tumatawa siya kanina at ngumingiti. Hindi sa ganong paraang nakita ko kanina.

Pagbalik ko nagsimula na sila, its 4th game at nangunguna parin ang kalaban ng Alligators. Umupo ako sa upuan ko kanina. Habang sina Chelsy, Queenie at Yrina nag chi-cheer sa Alligators. Tahimik lang ako, hindi na ako ngumingiti kapag nakaka shoot ang kalaban. Masaya na akong sila ang mananalo sa laro.

Nanatili ang mga mata ko sa Alligators. Namalayan ko nalang na sa isang Alligators ang mga tingin ko. Bakit siya ngayon ang tinitignan ko? Bakit hindi si Jake? Nakagat ko ang aking labi dahil tumigil sila. Umupo sila sa mga upuan nila at nag meeting. Seryoso ang Coach ng Alligators sa pagtuturo pero hindi ko makitang nakikinig si Hushan. Nanatili ang titig niya.

Lumingon ako kung nasaan siya nakatitig, kay Jake? Bakit niya tinitignan ng ganon si Jake? Kahit malayo ako kitang kita ko ang pag igting ng panga niya at pag yukom ng kamao niya. Bigla nalang silang tinawag agad, nagsi takbuhan sila at pumu-pwesto sa kani-kanilang pwesto ayon sa pinag meetingan nila kanina.

Matangkad si Jake, pero mas matangkad si Hushan. Nasa 6 footer siya ayon sa nakalagay sa poster sa labas ng gate. Isa siya sa model ng school, at dahil gwapo naman at mayaman hindi na iyon bago sa iba. His hair was wet, dahil sa pawis niya. Mahaba iyon ng konti at konting nakalugay sa may moo niya, dumagdag pa ang bandana na suot nito sa may noo.

Nakita kong siya ang nag bantay kay Jake sa loob ng court, habang ang iba naman niyang kasamahan ay sa ibang kalaban nakabantay. Pero ayon sa nakita kong expression ng mga mukha ng aAlligators may mali. Parang may sinasabi silang dapat hindi duon si Hushan sa kaniyang pinagpwetuhan, dahil mas matindi ang ibang kalaban.

Alligators 1: Game Of Pleasure [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon