Chapter 4

62.1K 1.4K 130
                                    

"Susunod ako duon, just take care always."

"Kailangan mong kumain ng tamang oras, Ae. Alam ko 'yan kaya umayos ka roon."

Ang daming bilin ni mommy, hindi naman ata ako mag o-FW noh? Saka isa pa mga prutas at gulay ang naroroon kaya maakita talaga akong kumain. Even I'm just in my diet season. Kakain ako ng paminsan minsan duon. Nakatulog pala ako sa flight, kaya pagising ko nasa Cebu na ako. Actually ang ganda ng Cebu. Dito minsan dumadayo ang mga foreigner at minsan ginagawa na nilang tirahan.

May dalawang lalaking sumundo sa akin, they showed up their banner at me, may nakasulat pa talagang. "Miss, Arian Lopez." Anyway, habang pa-byahe kami papuntang hacienda. Mas lalo ako namangha sa mga nakikita ko. Bukod sa napakaraming tao, mas maganda pa pala kapag umaga.

Nilabas ko lang ang earpods ko then, sleep. Mamaya na ako mamangha sa mga bagay bagay. Ang dalawang sumundo sa akin ay katiwala ng mansyon. Ang isa ay driver, pinsan nito ang nasa tabi. Humalikipkip nalang ako ay inin-joy ang musika.

2 hrs ang byahe, lubak lubak pa ang kalsada. May paliko liko pa. Kaya minsan hindi na ako nakakatulog at ininjoy ang pag tatalbog talbog ko sa upuan.

Malayo palang kitang kita ko na na ang villa. May nakasulat na Leonbird Villa Hacienda. May guard sa taas sa magkabilang bahagi ng napakalaking gate. They just open the gate na parang kilala na nila ang sasakyan na Van. Umupo ako ng maayos. Hindi pa mansyon ang nasilayan ko, it's like; I'm in fictions book. Para bang nasa fairy tale ako, malawak na nyogan, palayan at bakuran. Tunay ngang isa itong napakalaking villa.

Ari-arian din ba nila ito? Kung tutuusin kung sa lawak ng ektartaryang ito. Walang wala ang tatlong kompanya namin. Napalunok ako ng unti unti na lumalaki ang mansyon. Sa unang tingin mo palang talaga mamangha kana. Para kang nasa sina-unang panahon kapag nasilayan mo. Ang design nito sa labas ay parang sa spain galing.

Pumarada ang van sa labas, at malayo layo pa bago ka makapasok. Like, okay ang ganda ng seguridad ng mga Leonbird. Sa ganda ba naman ng kanilang mansyon maraming mag tatangka. Pero mukhang walang mag babalak. Marami din ang mga kalalakihan sa labas, para bang nadyaan na sila 24/7.

Kinuha lahat ng dalawa ang aking maleta. Dalawang maleta at isang dalawang bags for my hygine. Nakita ko agad si tita Mrs. Leonbird para siyang binudburan ng asin sa saya. Bumaba siya sa kanyang masyon at excited na niyakap ako.

"Oh my god, welcome! welcome!" Pumalibot ang tingin ko sa bakuran. May malaking espasyo at mukhang duon pa sa dulo ng mansyon ang mga kabayo. I want to ride one, but before I could ride, I think I need to learn first; Magpapaturo nalang ako, excited.

"Halika, pinag handaan ko talaga ang pagdating mo." Ngumiti nalang ako, anong gagawin ko? Mukhang gustong gusto niya ako.

"Alam mo bang kagabi pa ako hindi makatulog. Grabe ang excited ko sa pag dating mo.. Aning, paki dala ang mga gamit ng senyorita sa kanyang kwarto."

Agad na tumango ang isang kasambahay. Umupo siya sa tabi ko at pinakilala ang lahat ng dish na niluto niya. "Alam ko gutom na gutom ka, kaya mga paborito mo ang aking niluto." Maligalig na sabi niya. Kahit nasa bahay ang ginang, kitang kita parin ang pagiging passionista nito dahil sa damit.

"Nako alam ko marami kang gustong gawin, pero hindi na kita tatanungin tungkol d'yan. Pinalinis at pinag handaan ko ang iyong kwarto. Magugustuhan mo iyon."

"S-salamat po.. maraming.. salamat senyorita-"

"Did I tell you it's tita na? Call me tita darling.." nakangiti ito ng sobrang tamis.. my god, hindi ko alam anong gagawin ko.

"Lilian.. Paki dala ang italian dish ko dito hija."

May lumabas na isang dalaga. Nung una napansin kong nakayuko ito. Pero nakita kong madiin niya akong tinitigan. Hindi ako nag iwas ng tingin, mahaba at maalon ang kanyang buhok. Maganda ang tindig at maamo ang mukha. Nilapag nito ang italian dish ni tita Leonice at ngumiti duon.

Alligators 1: Game Of Pleasure [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon