CHAPTER 7

4.8K 67 4
                                    

Eliza 


“WHAT?!” Wika ni Sam habang malalaki ang mga mata niyang nakatingin sakin. 

Sinabi ko kasi sa kanya ang nangyari pero syempre wala sila Kiro at Mateo nasa kusina kase ang dalawa nagluluto habang kaming dalawa ni Sam nasa sala kaya kinuwento ko sa kanya ang lahat. 

Tumango ako. “Oo, wala naman akong magagawa eh.”

“Tanga anong wala, syempre meron. Ikaw ang asawa kaya may karapatan ka magalit sa ginawa ng gagong yon. Ang kapal ng mukha niyang iuwi ang babae niya sa bahay niyo.” Naiinis na sambit ni Sam.

Nagkibit balikat na lang ako dahil kahit naman tumutol ako sa desisyon niya ay bandang huli ako pa rin ang talo, si Katarina ang mahal at hindi ako kaya syempre mas gugustuhin niyang makasama 'yon kesa sakin na asawa niya. 

“It's okay, I can endure it.” Sabi ko saka matipid na ngumiti kay Sam na hindi maipinta ang mukha dahil sa mga sinabi ko. 

“Isang gago ang asawa mo!” Nanggigil na sabi ni Sam. “Pag nakita ko talaga siya sasakalin ko yung lalaki na 'yon at yung Katarina na 'yon gagawin kong lampaso ang mukha niya!”

“Shh!” Saway ko kay Sam baka kase marinig yung mga sinasabi niya nila Kiro mahirap na. “Wag kang sumigaw baka marinig nila Kiro.”

Bumuga mg marahas na hininga si Sam saka nagtanong sakin. “Wala ka bang balak na sabihin kay Kiro at Mateo? Sure naman akong magkaka-world war 3 kaya no worries”

“Ayoko, baka world war 4 pa ang mangyare.” Sumandal ako sa sandalan ng sofa. “Kilala mo naman si Kiro super over protective sakin ng lalaking 'yon” 

It's true. Sa super over protective ni Kiro dinaig niya na ang daddy ko sa sobrang higpit at over reacting. Minsan nga iniisip ko na baka siya yung ama ko at hindi yung daddy ko kung makapag-react siya ng sobra, katulad noong high school days pa lang namin dinaig niya pa yung bakod ng bahay namin kung makapag bantay siya sakin kaya kahit marami akong manliligaw noon natatakot na sakin na lumapit dahil kay Kiro.

“Kailan bang hindi?” Sam rolled her eyes on me. “At kailan mo balak sabihin sa parents ng gagong Adonis na 'yon yung ginawa niya?” 

I shrugged. “I don't know”

“Gaga!” Sam hissed at me. “Dapat mong sabihin ang ginagawa ng kabulastugan ng anak nila, hindi pwedeng lokohin ka niya!” 

Sasagot na sana ako nang biglang may magsalita sa likuran naming pareho na ikinatuod ko.

“Sinong linoloko?” 

It was Kiro. Nasa likod nito si Mateo at parehong may bitbit na pagkain. Naglakad silang dalawa palapit sa amin saka inilapag sa mini glass table ang mga dala-dala nilang pagkain saka nagtatakang tinignan kaming dalawa ni Kiro. 

“Sinong linoloko?” Ulit ni kiro sa tanong niya samin. 

Nakatingin kami ni Sam at pasimpleng linakihan ko siya ng mga mata, ito na nga ba ang sinasabi ko sa kasisigaw ni Sam eh!

“Well? bakit hindi kayo sumasagot?” Sabi pa ni Kiro habang mariing nakatitig daming dalawa ni Sam.

Kinakabahan na tumawa si Sam. “Linoloko? sinong linoloko?” Maang-maangang sabi ni Sam kay Kiro habang hindi makatingin ng diretsyo sa mga mata nito.

Kumunot ang noo ni Kiro. “May narinig akong sinabi mong linoloko, kaya sinong linoloko?” Tanong ni Kiro pagkuwan ay bumaling ang tingin niya sa 'kin. “Linoloko ka ba ni Adonis?”

My Heartless Husband ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon