"Alex table five!"
Hanggang 12:00 PM ng gabi ang shift ko dito sa Bar. Isa lang naman akong waitress dito, hindi ko balak maging dancer dito sa bar dahil hindi naman ako ganoong klaseng babae. Lalo na't baka masabunutan lang ako ni lolo Arnesto. Hindi pa naman nya alam na ganito ang trabaho ng maganda nʼyang apo.
"Alex!!!" Sigaw na naman nitong si Viane, umikot ang mga mata ko.
"Sandali lang nga!!" natawa sya bago tumango at kuhanin ang mga orders ng table 9. Tuwing gabi ay totoong marami ang narito sa Bar. Siguro ay dahil gabi lang bukas ang bar namin. Bobo mo talaga Alexis, e. Kinuha ko na ang dalawang bucket ng Martini at Vodka at nag lakad palapit sa table 5.
Dalawa lang ang lalaking nakikita ko. Parehas silang matangkad at matipuno, matatangos ang ilong at halatang mag kamag-anak sila. Magkamukha kasi silang dalawa ng kaunti. Napatingin sila sa akin ng ibaba ko ang dalawang bucket ng alak. Ngumisi ang naka polo ng puti ngunit hindi ko ito sinuklian, ganoon din ang naka pulang v-neck shirt.
"Enjoy your night, Sir." Sabi ko.
Aalis na sana ako pero marahan akong hinila ng nakasuot ng pulang v-neck shirt kaya pumikit ako at huminga ng malalim. Sanay na ako sa mga ganitong pangyayari sa tatlong buwan kong pag tatrabaho dito.
Sa totoo lang minsan nandidiri na ako sa sarili ko pero saan kami kukuha ng pera ni Lolo kung hindi ako mag tatrabaho? Inamoy nya ako at ngumisi. Ang lalaki naman sa harap ko ay umiinom na habang nakatingin sa amin.
"Inunahan mo na naman ako Kairo." at tumawa. Sa totoo lang ay ilang na ilang na ako. Tinignan ko si Viane na kinakagat ang kuko nya, marahil ay naiisip nya na na ayaw ko sa mga ganitong pakulo ng lalaki at baka mamaya masapak ko ang dalawang 'to. Pero kailangan ko ng trabaho kaya bumuntong hininga na lang ako.
"You smells so good, hmm."
Kinagat ko ang labi ko bago mag lagay ng lakas ng loob sa sasabihin ko.
"Pwede na ba akong umalis?" tanong ko ng hindi tumitingin sa kanya.
Nakita ko ang maliit na pag ngisi nya habang ang kasama nya naman na asa harapan ko ay natawa bago uminom. Tumayo ako ngunit muli akong hinila ng lalaking kinakandungan ko. Yawa talaga!
"Bakit ko papakawalan ang magandang babae? Can you tell me the reason para makawala ka? Hmmmm?" inamoy nya akong muli kaya napasinghap ako. Sana pala ay hindi ko na ginamit ang bago kong pabango para mabaho ako ngayon.
Bumuntong hininga ako habang nangingig ang mga tuhod na nag salita.
"Dahil nakakawala ng respeto ang iyong ginagawa" natawa sya na lalong nag pa-nginig ng mga tuhod ko. Kinagat ko ang labi ko at kinuyom ang dalawa kong kamao.
"Ngayon ko lang narinig iyan... Gusto mong marespeto pero sa Bar ka nag tatrabaho, hmm." kinagat ko mg mariin ang labi ko. Tama sya..
"Pero babae ako at kailangan nyo kaming respetuhin." At pabalang na tumayo na ikinagulat nya at ng kasama nya. Inayos ko ang suot kong fitted black dress na suot naming mga waitress bago tumungo sa counter at iniwan ang kasama nyang tulala habang sya ay nakangisi lang.
Nakita kong manlaki ang mata ni Viane at nakahawak pa sya sa bibig nya na akala mo au hindi talaga inaasahan ang ginawa ko. Sabagay, ako lang naman ang umayaw sa Kairo na 'yon.
Madalas 'yon dito at laging tinatarget ang mga waitress namin kahit hindi naman kami dapat ang binibili nya. Halos lahat ng mga kasamahan ko ay sumasama pati na si Viane.
Maliban sa 'kin.
"Totoo ba 'tong nakikita ko??" natawa ako sa sinabi no Viane. Tinurin ngang talagang gwapo at maganda ang katawan ni Kairo pero hindi ko sya type. Hindi sya ang tipo ko na singkit at maamo ang mukha.
Ako ang unang umuwi dahil may exam pa kami bukas at mag-aaral pa ako. Pag labas ko ng bar ay nag abang na ako kaagad ng jeep na masasakyan patungo sa sakayan ng train pauwing Parañaque. Naisip kong mag-layo ng trabaho para walang makakilala sa akin.
"Where do you live?"
Napatingin ako kay Kairo ng bigla syang sumulpot sa likod ko. Nasa loob ang dalawang kamay nya. Hindi ko na nakita ang kasama nya marahil ay nasa loob pa o hindi kaya ay naikwarto na ang ibang babae jan sa bar. Hindi ko sya sinagot dahil hindi naman kasi kamo close.
"Amazing. A simple girl is not answering a wealthy man like me, huh." Pag paparinig nya kaya napatingin ako sa kanya. Amoy alak sya at namumula na ang pisnge at ang kanyang tenga pati na rin ang mga mata na akala mo nakasinghot ng droga charot.
"Hindi lahat ng bagay ay kailangan kong sabihin sa iyo, at para lang malaman mo... hindi porket mayaman ka at mahirap ako ay kailangan ko ng sundin at sagutin lahat mg tanong at ipapagawa mo sa akin, mauuna na ako." Sabi ko bago ipara ako jeep.
Ngunit bago pa man ako makaakyat sa jeep ay may sinabi syang totoong nagpabago ng buhay ko.
"Soon you'll be mine, Alexis."
____________________
#MixedHateAndLove
YOU ARE READING
Buying Your Love
RomanceAlexis Izaine Calista is a nursing student, she's doing part-time job where she met, Kairo Ibrahim Travenio a multi-billionaire young man in Asia.