Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, places and events are made up by the author's imagination. Any resemblance to living or death person is purely coincidental.
Enjoy reading.
Avianna Rose Duchelle's POV
Nakaupo ako ngayon sa veranda namin habang nakasimangot. Si Mommy kasi ayaw akong palabasin kesyo daw baka saktan na naman ako ni Buboy. Yung batang baboy na laging nang-aaway sakin. Porque't malaki ang katawan niya, nang-aaway ng iba. Ang sama-sama, ang sarap i-lechon. Ang kaso naisip ko baka mapait ang lasa niya kaya nevermind nalang. Grrr!
"Avianna Rose!" Napatingin ako sa baba ng veranda namin at nakita doon ang matalik ko'ng kaibigan. Napangiti ako ng makita ko doon si Anwyll Jake.
Siya ang matalik kong kaibigan na madalas kong kasama. Siya lang kasi ang nakakapagtiyaga sakin. Hindi ko nga alam kung talaga bang ako ang problema o sila? Hindi ako sigurado. Nakita ko siya sa baba na nakatingala sakin kaya sumigaw din ako pabalik.
"Bakit, Anwyll Jake?!" Bongang-bongang sigaw ko baka kasi hindi niya marinig mahirap na.
Ang sakit sa lalamunan, ha.
"Tara, punta tayo sa park!" Anyaya niya sakin. Gusto ko pero baka mapagalitan na naman ako ni Mommy. Napasimangot tuloy ako.
"Pero sabi ni Mommy bawal daw ako lumabas baka bigla na naman ako awayin ni Buboy!" Malungkot na sigaw ko sa kaniya.
"Hindi 'yan akong bahala sayo!" Siya ang bahala ako naman ang kawawa. Baka mapagalitan ako, huhu! Pero dahil pagpapaalam niya ako hindi mangyayari iyon.
Close kasi sila ni Mommy. Para ngang siya pa ang anak kaysa sakin pero ganun din naman ako sa kanila. Kulang na nga lang tawagin kong Mommy sina Tita.
"Sige, pero magpapa-alam muna ako kay Mommy. Baba na ako," patakbo akong bumaba sa malaki naming mansyon. Hiningal ako doon ah.
"Mommy! Si Anwyll po nasa tapat ng bahay," imporma ko sa kaniya.
"Oh, bakit hindi mo papasakin?" Tanong sakin ni Mommy.
"Wait lang po, Mommy." Sabi ko at sinundo sa pinto si Anwyll.
Tumakbo ako sa pintuan at nakita doon si Anwyll. Nakasimangot siya ng pagbuksan ko pero ng nakita ako ngumiti na siya. Weirdo din siya gaya ko eh.
"Pasok ka daw sabi ni Mommy?" Sabi ko sa kaniya.
"Hindi na. Pagpapaalam na kita para hindi sayang ang oras," nakangiting saad niya sakin.
Sayang ang oras? Ang dami kaya ng oras. May seconds, minutes and hours nga as label.
"Okay," 'yun nalang ang nasabi ko. Weird niya talaga.
Gaya ng sabi ni Anwyll pinagpaalam niya nga ako kay Mommy. Okay lang daw basta pagtatanggol ako ni Anwyll kay Buboy batchoy. Sumakay kami sa sasakyan nila at dinala kami sa madalas naming pinupuntahan. Tahimik dito at maraming puno meron ding playground kaya madalas kami dito tumambay ni Anwyll. Minsan nga naalala ko ng halos malaglag ako sa see-saw sinalo niya ako. Bongang-bonga ang kaba ko noon. Grr!
"Sandali lang daw tayo dito ha, Anwyll?" Basag ko sa katahimikan. Isa pa naalala ko ang mahiwagang paalala ni mommy.
Ang tahimik niya at hindi ako sanay. May problema kaya siya?Nakaupo kami ngayon sa isang puno ng molave. Kahit tirik ang araw ay presko pa rin dahil sa punong ito isa pa nakakadagdag sa atraksyon ng lugar. Pretty-pretty parang me.
"Tumingin ka sa mga mata ko," nagulat ako sa sinabi ni Anwyll pero sumunod pa rin ako.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya ng slight.
YOU ARE READING
Love Without Label
RomanceLove Without Label Anwyll Jake McGray Avianna Rose Duchelle Harmony Seleine McGray She❤